Chapter 1

454 10 1
                                    

Hindi ko akalain na sa ganoon paraan tayo magkikita. Paano ba naman kasi sobrang tagal na nating hindi nagkita tapos doon pa at ganun pa ang ginawa mong greeting sakin. Ano ba naman yan. Pero kahit ganun man, naaalala mo pa kaya ako o hindi na? Siguro hindi na, no? Matapos nang nagawa ko sa'yo. Sa atin.

I shouldn't be holding on but I am too afraid to let go.

----------------------------------------------------------------------------------

Dum Dum Dum Dum.

Ganyan yung beat dun sa club na pinasukan  namin. Ang bango bango pa kahit napakasikip. E paano ba naman kasi, puro mayayaman ang nandun. Kahit gitgitan na, mas masayang gumitgit pa lalo sa kanila kasi parang di pinagpapawisan. Takas lang kami ni Rhianne at hindi kami invited dito sa club na ito. Naisipan lang namin pumunta dahil andito ang all time crush ni Rhianne na si Dariel. Syempre, ako naman ang ever supportive niyang bestfriend at sinamahan ko siya.

Nagdress to kill talaga si Rhianne with her black turtleneck na nagshishimmer paired with black jeans and heels. Ako naman, simple lang: pale blue sleeveless peter-pan collared shirt na nakatuck in sa black knee-length  pencil skirt and gold sandals with a matching amethyst cuff sa left hand ko. Nakahigh ponytail si Rhianne samantalang ako nakalugay lang tapos curled yung dulo. Minsan napagkakamalan kaming magkapatid dahil lagi kaming magkasama pero in terms of appearance, sobrang wala kaming pagkakahawig. Maliban nalang sa pagiging maputi at round eyed. Ang ganda kasi ng structure ng face ni Rhirhi dahil matalas yung cheekbones niya samantalang ako, round cheeks kaya dapat ilugay ang hair. Her hair's auburn to my black and she's 5"2 to my 5"4. Mas sexy siya dahil yung curves niya nasa tamang lugar samantalang ako, nilayasan ng curves ko.

Nang mas lalo kaming pumapasok sa bar, kitang-kita na nahihigh siya dahil sa mga sumasayaw at hindi sa droga ha. Ako naman, todo ang hanap kay Dariel para makaalis nako agad at may project pa akong gagawin. Hindi pa tapos kasi yung project na ginagawa namin sa AP. Oo, tama ang nakita niyo, AP. Araling Panlipunan.  4th year highschool palang kaming dalawa ni bestfriend. O di ba, ang galing naming magmake-up. Haha. Mukha na kasi kaming 18 years old kahit walang make-up kaya nakapasok kami ng walang humahabol na bouncer samin.

Anyway, mukhang nakalimutan na ni Rhianne na ang pakay lang namin dito ay si Dariel at mukhang masayang-masaya na siyang sumasayaw.

"Rhianne ano ba, ano ba talaga gusto mo? Sumayaw o si Dariel?"

"Ano ba Des, sumayaw ka na rin oh. Bihira tayong makaexperience nito although pagdating ko ng college, pwedeng pwede na."

"Nako Rhianne, kung saan ka man magcocollege, binabawi ko na yung sinabi kong sasamahan kita dun at pakiramdam ko mapapahamak lang ako."

"Grabe ka naman Des. Mabait pa rin akong kaibigan. Hindi kita ilalagay sa pahamak." at binelatan niya ako at sumayaw uli. Umupo nalang ako sa bar counter at pilit pa ring tinatanaw si Dariel. Sobrang daming tao at lahat sila onti nalang magkapalitan na ng mukha. Lumapit sa akin yung barista at tinanong kung anong gusto kong inumin.

"Just water." o di ba, nag-English ang lola niyo.

"Ok. Anything else?"

"No. that's good." at umalis na yung barista at bumalik ng may dala-dalang baso ng tubig na umuusok usok pa dahil sa lamig. Nagthank you ako sa barista pero imbis na umalis tinitigan pa niya ako. Maya-maya, may tinanong siya sakin. Anak ng tinapay nga naman o.

"Can I get your number?"

"Sorry, I'm looking for my partner right now. We're supposed to drive off and spend the night at his house." nawala yung ngiti dun sa barista at umalis na siya. Haha, syempre wala naman talaga akong pupuntahan kundi ang bahay ko pagkatapos ng misyon namin dito. Wala akong boyfriend at lalung lalo nang hindi ko gagawin yung sinabi ko.

The Story of Me and You [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon