Chapter 2 - Poster

30 0 0
                                    

Chapter 2 - Poster

Ariya's POV

Kinakabahan ako.Kanina pa ko nandito sa kwarto at paikot-ikot.Makikita ko na ulit si James, ang ex-boyfriend ko. -___- 

"Ate, tara na.Hindi ka pa din ba tapos magbihis?Male-late na tayo oh.Ate!" sabi ng kapatid ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

Huminga muna ako ng malalim.Binuksan ko na yung pinto.

"Oo na.Tara na nga." sabi ko sa kanya sabay labas ng kwarto.

"Sabihin mo nga ate, hanggang kailan ka magiging bitter sa life mo?Mag-move on ka na kasi."

"kapag di ka na kpop fan, di na ako magiging bitter sa buhay ko!" yun lang ang sinabi ko sa kanya at dumiretso na sa labas.Pinagbuksan naman kaagad ako ng driver namin ng sasakyan.Sumunod na din naman sa loob ng sasakyan yung kapatid ko.

---

Natapos ang klase namin na hindi ko nakita si James sa school.Buti naman hindi muna sya pumasok ngayong araw.Hindi ko pa sya kayang makita kasi ano...kasi baka di ako makapagpigil at umiyak sa harapan nya tapos magmamakaawa ako na balikan nya ko.Oo, nagalit ako sa kanya kasi iniwan nya ko at nalaman ko na lang na ipinagpalit nya ko sa iba.Masakit eh pero mahal ko pa din sya.Kanina pa uwian pero nandito pa din kami ni Zoe sa room.Kanina pa ko tulala eh.

"Ariya, yung kapatid mo nasa labas.Hinahanap ka." sabi sakin ni Zoe.Napatingin naman ako sa pinto na kinaroroonan ng kapatid ko.

Lumapit ako kay Anfisa, "Mauna ka ng umuwi.Sabihin mo kay manong bumalik na lang sya dito sa school ng mga 5p.m. para sunduin ako."

"Nakalimutan mo na, diba sabi ko sayo ate, sasamahan mo ko sa kpop shop.Tara na." sabi nya at umalis na.

"Sumama ka na samin Zoe." aya ko sa kanya

"Huwag na, marami din akong gagawin.Bye.Ingat kayo." sabi sakin ni Zoe. "Sabay na lang tayong lumabas ng room" sabi nya at tumayo na din sa upuan nya.

---

"Tss.Napakapanget talaga.Sisiw lang ang peg." sabi ko sa tinitignan kong poster ng di ko kilalang kpop boy group kaya naman napatingin sakin lahat ng tao sa loob kpop shop na pinuntahan namin. 

Bigla naman akong nilapitan ng kapatid ko, "Ate naman, nakakahiya." bulong nito sakin.

"Eh totoo naman eh, I'm just stating the truth." sabi ko ng malakas kahit nakatingin pa rin sakin yung mga tao.

"Ewan ko nga sayo ate." bumalik na lang yung kapatid ko sa pagtingin sa mga albums na bibilhin nya.Maluho talaga kapatid ko pagdating sa kpop.Umattend nga yan ng MAMA 2013 eh last year sa Hongkong. -__-

Ang mga parents namin busy sa kanilang business sa ibang bansa kaya bihira na lang umuwi dito kaya lahat ng sabihin ng kapatid ko na gusto nya ng ganun, ganto at ganyan ay binibigay kaagad sa kapatid ko pero ganon din pagdating sakin ang parents ko.In short, parehas lang kaming maluho. 

"Tara na ate, nabili ko na yung albums." sabi nito sakin kaya lumabas na kami.

*Bogs*

"Ouch." ang sakit sa pwet nun ah.

"Pasenysa na.Nagmamadali lang ako.Sorry." sabi nito at tumakbo ulit.

Aba!Yun lang yung sasabihin nya.Ang sakit kaya ng pagkakabunggo nya sakin.

"Naiwan niya ate yung isang poster oh." sabi naman kapatid at hawak-hawak yung poster nung babaeng nakabunggo sakin. "Akin na lang 'to ate ha?WINNER yung nandito.Bagong boygroup ng YG entertainment." sabi nya pa.

Sumakit ata ulo ko sa sinabi ng kapatid kasi wala akong alam sa mga sinabi nya sakin.

"Whatever." sabi ko at pinagpag ko ang uniform ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Where did you come from? (WINNER FANFICTION)Where stories live. Discover now