Drake Montemayor

3.9K 95 11
                                    

Dedicated to JFstories

Hi, Queen JF! Alam kong isa ako sa napakadami mong addicted fans. Kaya sana mapansin mo itong mga works ko for you. First time kong magsulat ng stories kaya hindi kasingganda ng works mo ang nagawa ko. I love you Queen JF!

-JamYna Vox



I Love The Way You Lie



"Nandito na po tayo Ma'am." Sabi ng Taxi Driver sa akin.

Inabot ko naman sa kanya ang bayad at kaagad na bumaba ng sasakyan. Excited na akong ibigay ang masarap na tanghalian ng asawa ko at syempre mas excited ako na sabihin ang magandang balita sa kanya.

Tinungo ko agad ang palapag kung saan nagtatrabaho ang mahal kong asawa. Halos lahat ng madaanan ko ay binabati ako. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa akin sa kumpanyang ito? Ako si Dorcas Di Mapakali,  asawa lang naman ako ng CEO nito, si Drake Montemayor.



"Hi Merdie!" Bati ko sa weird na sekretarya ni Drake.

Weird sya kasi kahit ang bata pa nya ay may makakapal na eyeglasses na sya tapos ang kilos nya aakalain mong pa cool na ewan habang ngumunguya ng chewing gum este santol pala.

"Hello Ma'am Dorcas! Fist bump tayo dyan." Bati din ni Merdie.

Nakipag fist bump naman ako sa kanya. At ang walang hiya ay nakalimutan yata na asawa ako ng boss nya kaya bumalik sya sa pagdukdok sa lamesa para muling magsulat. Natawa naman ako sa inakto nya kaya dumiretso na lang ako sa office room ni Drake.



Dahan dahan kong binuksan ang pinto para gulatin sana si Drake. Pero hindi ko inaasahan na ako pala ang magugulat ng bongga.

Nakaupo siya sa swivel chair nya habang may nakakandong sa kanyang babae na halos mahubaran na sa sobrang agresibo nilang maghalikan at maglamutakan.

Maingat akong lumakad patungo sa kanila. Sa sobrang busy nila ay hindi na nila ako napansin na nasa harap na nila ako. Maingat kong nilagay ang baon ng aking asawa sa lamesa nya at dahan dahan umalis.

Kasabay ng paghakbang ko ang bawat patak ng luha ko. Napatayo si Merdie nang makita nya akong palabas ng office room ni Drake.

"Ma'am pasensya na po at hindi ko nasabi na may ka meeting pala si Sir na maganda at seksing babae. Sandali lang po at iiinform ko sya na nandito kayo." Pagkasabi nyang iyon ay agad ko syang nasampal.

Sorry, Merdie it's not you.. Kanina ko pa kasi gustong manampal at ikaw lang ang nabalingan ng kamay ko.

Dahil sa hiya ko kay Merdie ay napatakbo na lang ako sa elevator habang umiiyak. Saka ko na lang iintindihin si Merdie, ang mahalaga ay makaalis na ako sa lugar na iyon.



Dumiretso na ako sa bahay at agad na nag empake ng mga gamit, kinuha ko na din ang mga naipon kong pera. Hindi ako dapat maabutan ni Drake sa bahay, ayoko siyang makausap, ayokong magpaliwanag sya at ayokong makita pa.. Sya.







After 3 years

"Ma'am, baka po may bakante pa dito sa kumpanya nyo. Kahit janitress okay lang. Kailangan ko lang po talaga ng trabaho." Makaawa ko sa receptionist.



Next month na kasi ang birthday ni Aria, ubos na din ang naipon kong pera. Ang magaling na si Drake ay hindi talaga ako hinanap manlang, mayaman sya kaya mahahanap nya ako kung gugustuhin nya.. Pero lumipas ang tatlong taon ay wala, parang hindi sya nawalan ng asawa.

"Sorry Ma'am. Wala po talagang bakante, at kung mayroon man po ay may mga nakareserba na pong papasok." Sagot ng receptionist.

Pagkasabi nyang iyon ay tumayo na kaagad ako at nagmartsa palabas ng building.

I Love The Way You Lie #JFanficWhere stories live. Discover now