HeartBreak is Life:

2 0 0
                                    

Prologue:
LAHAT tayo nagmamahal. Lahat tayo nasasaktan. At 'yan ang hinding hindi natin maiiwasan. Kahit pa lumipad ka papuntang ibang bansa magmamahal at magmamahal at masasaktan ka pa rin. Lahat tayo nagtataka kung ba't tayo nasasaktan. Pwera na lang siguro kung expert ka na sa pagiging broken hearted, pwedeng alam mo na ang rason. Pero, may iba pa ring kahit alam na nila ang rason o di kaya'y alam na nilang masasaktan sila pinipilit pa rin nilang magpakabulag. Lahat kasi tayo mahilig umaasa kasi sadyang may mga taong ang lalakas ng mga loob na MAG PAASA. Grabe lang. Kahit crush lang 'yan there are times na nahihurt din tayo sa isang simpleng paghanga. Para sa'kin may tatlong rason kung bakit tayo nasasaktan dahil sa crush natin. Una, minsan kasi nagiging feeler tayo na akala natin 'ay crush niya'ko kasi ganito.' Maaaring para sa'yo crush ka nga niya pero wala naman 'yun ibig sabihin para sa kanya. Hindi tuloy natin namamalayang taken na pala siya o iba type niya. Pangalawa, kasi di ka niya type. Meron sa mga lalaki type nila sa mga babae is : simple, mabait, pero maganda. Pero meron namang mga lalaki na ang hanap ay : matalino, maladyosa ang ganda or cute, rich kid, maporma. Basta iba-iba lang ang gusto ng mga lalaki na halos magkakapareha na ideal type nila. Kaya nga may mga nag aaway-away na magkaibigan dahil lang sa isang babae. Iba kasi sa'tin mas pipiliin pa 'yung babae o lalaking may hitsura. Karamihan naman sa mga kababaihan ngayon ideal type nila ang mga K-pop star like Jinyoung, V ng BTS, Jungkook and so on. O di kaya sina Joao, James Reid, Daniel Padilla, at iba pang fafavols sa showbiz. At kung sadyang maappeal ka. Pangatlo, maaring torpe ka. Ito ang pinakamalupit sa lahat. Yung andyan na nga di mo pa masabi sabi. Nakakaba kasi umamin sa personal. Baka mabusted ka lang. Kaya mas pinipili nalang ng iba sa'ting magparaya at itago na lang sa sarili kasi takot masaktan. Lahat tayo may kinatatakutan lalo na sa #pag-ibig. Natatakot tayong mafriendzoned, seenzoned, at iba pang may zoned diyan. HAHA. Pag nagmahal ka kasi you have to get ready to its consequences in your life. Kailangan marunong kang tumanggap ng katotohanan kasi kung hindi. Panu ka na niyan? Pababayaan mo na lang ganyan sarili mo? Wag mong isuko ang buhay mo dahil lang sa heart break heart break na'yan. Kasi ako never kong sinuko ang isang hiniram ko lang na buhay kahit 'yung tatlo na'yun naranasan ko na dahil lang sa mga crush ko. Sandali lang mag iintro muna ako sa sarili ko hihi.

***
Ako si Daniella, 17 years of age grade 11. At kung panu ko mapatutunayang heart break is life nga? Well... Ganito kasi 'yun.

Naglalakad ako papuntang locker area. Walang katao-tao na sa bawat hallway na nadadaanan ko. Nagpractice pa kasi kami kaya ngayong magsisix palang ako uuwi. Di pa naman medyo madilim kaya napagisip-isipan kong dumiretso muna sa locker ko. May ilalagay lang akong libro. Masyado na kasing masikip at mabigat bag ko kung dadalhin ko pa sa bahay. Nakayuko akong naglalakad habang hug ko ang ilalagay kong libro. Di ko napansing may mababangga pala ako. Di ko alam kung ano ginagawa niya at kung bakit kami nagkabangga. "Ay! Sorry miss." Di ko pinansin ang sinabi niya't pinulot na lang ang nalaglag kong kanina pang yakap na libro. Mas lalong hindi ko alam na tutulungan niya pala akong kunin libro ko. Kaya ang nangyari nagkasabay kaming kunin iyon at ang mas nakakagulat kasi nahawakan niya ang kamay ko. Napatingin na'ko sa kanya nang mapasa'kin na ang libro. "S-salamat!" Nahihiya kong pagpapasalamat sa kanya. "Wala 'yun basta ikaw," Nakangisi niyang sabi sabay umalis. Nakanganga ko siyang tinignan habang papalayo sa paningin ko. "Ano daw? Wala 'yun basta ako?" At simula nun nagkacrush na'ko sa kanya kahit di ko pa alam pangalan niya. Basta ang alam ko basketball player siya. Inadd friend ko siya one time nang malaman kong Kiefner pala pangalan niya at super masaya ako kasi inaccept niya sa pag-aakalang 'kaya niya siguro inaccept friend request ko kasi crush niya'ko.' After how many weeks na pagkacrush sa kanya. Nalaman ko na lang may girlfriend na siya. At ang nakakainis pa kasi kaklase ko. Ang girlfriend niya ang muse sa room at ang Ms. Intrams ng school namin. Panu ko nalamang girlfriend niya pala 'yun? Sinurprise niya kasi ito nung first anniversary nila sa mismong classroom namin.. Take note sa classroom namin at kitang-kita ng dalawa kong mata na hinalikan niya pa ito sa forehead niya at nag exchange iloveyou pa silang dalawa. Nung time na'yun dali-dali akong nagpunta sa locker ko. Pinunit ang mga picture niyang nakadikit sa loob ng locker. Mabuti kasi walang masyadong nadaan kaya okay lang na magdrama ako.

HeartBreak Is LifeWhere stories live. Discover now