Para Po!

3.9K 279 83
                                    

Nainspire ako sa isa sa mga UST Files, kaya eto, ginawan ko ng full story.

To those who believes in serendipity, this one's for you.

Para po!

Binuksan ko yung payong ko dahil biglang buhos ang malakas na ulan, mag gagabi pa naman. Kamalas malasan nga naman oh. Nang may makita akong jeep, pumara ako para sumakay. Pagkasakay ko, shet si manong heavy metal mga tugtugan. Dun ako sa pinakadulo sumakay, yon kasi ang paboritong pwesto ko. Dahil uwing uwi na ko at baka magbaha, tiniis ko nalang yung napakalakas na tugtugan ni manong. Nakahinto lang si manong, naghihintay ng pasahero. May ilan na sumakay hanggang sa may grupo ng lalake na maingay na sumakay, nagkakagulo sila, kanya kanya ng sinasabi, tawanan dito, asaran at halatang naligo sila sa ulan dahil basa ang mga buhok nila. Tumingin nalang ako sa kawalan habang nagiingay sila, kapansin pansin yung ingay nila, at aaminin ko, gwapo sila hehe. Tig apat sila sa side, at may tumabi sakin na nakaplain white, samantalang yung mga kasama niya nakasoot pa ang uniporme nila. Aaminin ko, gwapo siya. Ok. Pagkaandar nung jeep dahil medyo napuno na, naglabas ako ng bente. Medyo malayo layo rin ang bahay ko, mga twenty minutes na byahe.

"Bayad po, pakisuyo nalang po." Medyo malakas
kong sabi.

Tumingin yung si kuyang nakaputi sakin saka inabot yung bayad ko. 

"Salamat." Mahina kong sabi.

Habang ako, inaaliw ko ang sarili ko sa pagtitig sa madilim na kalangitan, sila sinasabayan pa nila ang ingay ng heavy metal music ni manong sa pamamagitan ng pagkkwentuhan ng napakalakas. Mga panttrip nila yung pinagkkwentuhan at pinagtatawanan nila. Hindi naman yung trip na nakakainis, yung trip na cute, yung mga pangbarkada. 

Ilang minuto na ang lumipas at di pa binabalik ni manong driver yung sukli ko. Gusto ko nang sumigaw pero baka hindi marinig ang boses ko dahil sa kumakalampag na heavy metal music ni manong at sinabayan pa ito ng napakalakas na tawanan nung mga lalake. Baka di lang marinig ni manong mapahiya lang ako, pag five minutes at wala parin saka nalang ako sisigaw.

Dumaan ang five minutes at wala parin yung sukli ko. Aba puta manong? Sayang twelve pesos na pang kwekwek! Wala akong choice kundi...

"Manong, yung sukli po nung bente, sa may palengke lang po yun. Estudyante po!" Sigaw ko.

Hindi ako pinansin ni manong kagaya ng kinatatakutan ko, at mas nakakatakot pa, tumahimik yung mga lalake at tinignan ako. Awkward.

"Manong, yung sukli po nung bente! Sa may palengke!" Sigaw ko ulit, medyo mas malakas.

Ngunit hindi parin narinig ni manong driver. Tinignan ko yung mga lalake na nakatitig sakin, bakit kelangan ako titigan?! Gusto ko nang magpalamon sa kinauupuan ko sa mga panahong ito.

"Manong, yung sukli daw po nung isang palengke." Biglang sigaw ni kuyang naka white.

Di ko alam kung magtthank you ba ako sakanya o hindi kaya tumingin nalang ulit ako sa labas para di na maging masyadong awkward. 

"Ate... asdfghjkl." Sabi sakin ni kuyang naka-white pero yung ate lang yung naintindihan ko dahil sa lakas ng tugtugan ni manong. Inabot niya sakin yung sukli.

Tumingin ako sakanya, "ha?" Sabay kuha sa sukli ko. Tinignan ko yung sukli ko, at nakita kong eight lang yung bigay sakin. Aba, di ata makatarungan 'to ah? Twelve dapat 'to!

"Ate, kulang daw po yung sukli nyo." Sabi ni kuyang naka-white.

Biglang pinatay ni manong yung malakas na heavy metal music niya saka tumingin samin. 

"Miss, pasensya na, wala akong barya, yan lang ang sukli ko." Sabi niya.

Ba puta? Gabi na wala pang barya? Kainis! Wala naman akong magawa kaya padabog kong nilagay yung sukli sa bulsa ng palda ko.

"Hala, baka wala nang pamasahe si Ate kaya inis?" Sabi ni kuyang naka white.

Di ko nalang siya pinansin hanggang sa lahat silang magbabarkade tinatawag ako. Oo, lahat sila tinatawag akong ate. Lumingon ako at nakita ko si kuyang naka white na nagaabot sakin ng bente. Teka, kikiligin ba ko dahil gwapo siya at medyo sweet o maiinis at maiinsulto dahil akala nila wala akong pera?

"Wag na po, may pamasahe pa po ako. Salamat nalang!" Sabi ko with matching smile.

"Awwwwwwwww!" Sigaw nilang magbabarkada.

"Tangina ano ba 'tong pinasok ko?" Bulong ko sa sarili ko.

Tumingin nalang ako sa labas ulit, medyo wala na palang tao, ako nalang, isang ale at yung kasama niya, saka yung grupo ng lalake. Mamaya-maya, binuksan ulit ni manong yung radyo niya, pero this time hindi na heavy metal yung tugtugan ni manong. Palipat lipat siya ng kanta, tas may isang kanta na di ko masyadong narinig pero nagreact yung grupo ng lalake.

"Kuya dun nalang! Balik nyo dali, pakibalik!" Sabi nung isa.

"Balik nyo kuya!" Sabi naman nung isa.

Si manong na tumatawa at nilipat naman, jusko kinonsinte pa yung mga lalake. Nilakasan ni manong yung kanta at mukang familiar.

"One, two, three..." Sambit nung isang lalake at...

"Kung wala'y ano itong nadarama..." 

"Ayoko nang pumara kahit san mapunta, ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama~" Pasigaw nilang kanta kaya naman napatingin ako sakanila at pagtingin ko sakanila, lahat sila nakatingin sakin.

Pucha. Kumakanta sila ng malakas with matching hand gestures at muka namang enjoy na enjoy sila sa ginagawa nila. Tapos bigla nilang tinulak si kuyang nakawhite papalapit saakin. Hiyang hiya na ako bwisit na mga lalakeng 'to! Gusto ko na bumaba! Tumingin ako dun sa ale at kasama niya na tumatawa tawa lang, mukang nageenjoy din. Tuloy tuloy sila sa pagkanta hanggang sa palapit na ng palapit yung jeep sa palengke, finally!

"Aww, bababa na si ate." Sabi nung isa kaya naman tumigil sila sa pagkanta.

"Awwwww." Reaksyon nilang lahat sakin habang si kuyang nakawhite, ay nakatingin lang sakin habang tumatawa tawa.

"Bago ka pumara, pwede ko bang mahingi pangalan mo?" Sabi niya sakin.

Shet, tumaas balahibo ko at parang nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ko.

Nang tumapat na sa palengke yung jeep huminto si manong.

"Para po!" Sigaw ko ng malakas.

"Bye ate!" Sabi nung mga lalake habang tumatawa.

"Ate, yung panagalan mo?" Tanong ni kuyang nakawhite.

Bumaba ako ng jeep, at bago pa makaandar yung jeep, sa di malamang rason bigla akong humarap ulit at sumigaw...

"Patch." 

Para Po!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon