The Unexpected Ending (one shot )

130 12 1
                                    

Try ko naman na magdrama , try lang if kaya ng power ko haha, tsaka nakakasawa na puro happy ending haha =))

Enjoy =))

+++++

" ilove you " bulong ko sa kanya. Pero tiningnan lang nya ako sa mata at ngumiti. At umalis na. May pupuntahan pa daw sya ee. Siguro katangahan ang magmahal ng isang babaeng kung alam mong may mahal syang iba at reboound ka lang, pero anong magagawa ko mahal na mahal ko talaga si Marian.

Tiningnan ko ang papalayong sasakyan ni Marian, sabi nya pupuntahan nya si Anne, pero bakit nandito si Anne sa bahay ko. Hindi ko alam kung nagsisinungaling sakinsi Marian o baka may ibang Anne pa na kaibigan si Marian. Gusto kong kausapin si Anne, pero natatakot ako marinig sa kanya yung katotohanan , nagpapakatanga na ako, nagpapakamanhid , kahit sobrang sakit na tiniis ko na lang, mahal ko eh, , nagpapakamartyr, nagdadasal na sana dumating yung panahon na sana mahalin na rin ako ni Marian. 

Papasok na ako ng bahay nang bigla akong tawagin ni Anne. 

" Xander. " Ayaw ko syang lingunin, gusto kong magbingi bingihan kase alam ka na naman ang sasabihin nya pero kabastusan ang gagawin ko, afterall mag bestfriend kami ni Anne simula palang nung bata kame. Kaya in the end, nilingon ko sya, bago pako makapag salita, naunahan na nya ko. 

" Bakit ka ba nagpapakatanga, nagpapanggap na walang alam kahit alam mo kung saan pupunta si Marian! Manhid ka ba o tanga lang?! " 

" Anne, tama na , oo tanga na kung tanga, manhid na kung manhid, pero anong gagawin ko, MAHAL KO SI MARIAN , AT HANDA AKONG MAGPAKATANGA HANGGANG SA DUMATING YUNG TIME NA MATUTUTUNAN NYA DIN AKONG MAHALIN! " hindi ko na namalayan na umiiyak na ako. Oo nakakabading pero sa sobrang pagmamahal ko kay Marian, sobrang bigat na rin ng dibdib ko. Alam ko naman ang totoo e, alam ko na tuwing nagpapaalam si Marian na aalis na may pupuntahan sya, alam kong kakatagpuin lang naman nya si Alex, si Alex na mahal nyang sobra, alam ko na yun pero di alam ni Marian na alam ko. Nagpapanggap ako na okay lang ako, na masaya ako kay Marian, kahit ang totoo ang sakit sakit na. Sa sobrang sakit gusto ko na lang mamatay, Ang sabi nila kaming mga lalaki, malalakas, pero hindi totoo yun , kase once na kaming mga lalaki nagmahal na totoo, lahat binibigay namin , kahit ibenta ang kaluluwa namin sa demonyo magagawa namin para lang sa mahal namin. 

" Xander tama na tigilan mo na ang relasyon nyo ni Marian, ikaw na lang kumakapit  kase si Marian bumitaw na sa taling hindi naman nya hinawakan kahit kailan,  alam mo naman na kahit kailan hindi ka minahal ni Marian. bakit ba lagi mong pinipilit ang sarili mo sa taong ni walang katiting na pagmamahal sayo?! Xander naman! " 

" Anne, alam ko , alam na alam ko, pero mahal na mahal ko si Marian  at iisipin ko lang na mawala sya sakin para akong mamamatay. Hindi ko kaya Anne, mahal na mahal ko si Marian kahit sariling kaligayahan ko kaya kong ibuwis makasama lang sya. Intindihin mo naman ako Anne. HIndi ko kayang mabuhay na wala si Marian sa buhay ko. " patuloy ang pag agos ng luha sa pisngi ko kasabay ng luha ni Anne. Alam ko namang awang awa na sakin si Anne pero hindi yun ang kailangan ko, ang kailangan ko is intindihin nya ako. 

The Unexpected Ending (one shot )Where stories live. Discover now