Chapter 12

77.2K 2.1K 1.1K
                                    

Aemie's POV

Ilang minuto matapos akong kumain, nakaupo pa din ako dito sa harap ng lamesa. Iniusod ko ang plato ko palayo sa akin at saka pumangalumbaba sa lamesa.

"Ma'am Aemie tapos na po ba kayong kumain? Ililigpit ko na po ang mga plato."

Tiningnan ko si ateng kasambahay pero hindi ko pa inaalis ang pangangalumbaba ko. "Hayy!" Iniisip ko pa din kung bakit ganoon si Caileigh. "Naputulan po ba tayo ng cable?" tanong ko kay ateng kasambahay.

"Hindi naman po Ma'am Aemie." sagot nya habang inililigpit ang mga plato. Hindi naman pala naputulan. Eh bakit si Caileigh parang puro drama lang napapanuod sa TV. Ang sungit-sungit.

"Si Caileigh po ba kumain na?" tanong ko ulit.

"Hindi ko po alam kung kinain nya 'yung pagkain na dinala ko sa kwarto nya eh."

"Ahh." Isinubsob ko ang ulo ko sa ibabaw ng lamesa. Ano ba ang nangyayari? "Aakyat na po ako sa kwarto ate. Matutulog na po ako."

"Sige po Ma'am Aemie."

Hayy!

Tumayo ako at naglakad-lakad sa loob ng bahay. Didiretso sana ako sa kwarto pero mas pinili kong mag ikot-ikot muna.

Sobrang tahimik, at walang katao-tao. Kumpara noon na halos lahat ng kanto ng bahay laging may nakabantay.

Itinuloy ko ang paglalakad sa mahabang hallway hanggang sa—"Sino 'yun?" Mula dito sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko ang pigura ng dalawang tao sa labas ng bahay. Tumago ako at saka pilit na tinitigan kung sino yung dalawang 'yon.

Si ateng kasambahay 'yung isa. 'Yung isa may hawak na malaking baril at nakasuot na uniform pang guard. Yiii si ate lumalovelife. Siguro magboyfriend sila.

Teka—

Akala ko ba nagliligpit itong si ate?

Tumakbo ako pabalik ng kusina para silipin kung nailigpit na nya lahat ng mga plato. Pagkarating na pagkarating ko ay may ilang plato pa akong nadatnan sa ibabaw ng lamesa na hindi pa naiiligpit.

Ang ibang hugasin ay nakatambak lang sa lababo.

Kung nandito si daddy siguradong magagalit si daddy. Ayaw na ayaw pa naman nya na ng hindi maayos ang bahay.

Inumpisahan kong iligpit ang mga plato at naghugas ng pinggan. Hanggang sa matapos ako ay hindi pa din bumabalik si ateng kasambahay. Alam ko masama yung naiisip ko, pero hindi ko maiwasan na hindi mag-isip ng masama. Waaaa!

Nagtanan na kaya silang dalawa ni kuyang guard?

Dahan-dahan akong lumabas sa pinto sa likod para silipin kung nasaan na silang dalawa.

Nasaan kaya sila? Wala ng tao dito sa kinatatayuan nila kanina ah.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid, sobrang lawak nitong likod ng bahay ni daddy. Iilang parts lang din ang may poste ng ilaw kaya madilim sa ibang parte. Paano ko kaya sila hahanapin.

"Ano po ginagawa nyo dito sa loob Ma'am Aemie?" Halos mapalundag ako sa gulat nung madinig ko ang boses ni ateng kasambahay. Ni hindi ko man lang naramdaman na lumapit pala sya sa akin.

"Uhh, hinahanap kita ate, saka yung kausap mo kaninang si kuyang guard."

"P-po?"

Tumingin ako kay ateng kasambahay dahil napansin kong kinabahan sya sa tanong ko. "Okay lang yan ate, hindi naman masama magboyfriend. Hehehe." Paalala ko sa kanya. Baka naman kasi isipin nya pinapagalitan ko sya dahil nagkikita sila ni kuyang guard.

My Husband is a Mafia Boss (Missing Chapters)Where stories live. Discover now