Paunang Mensahe

4.2K 72 9
                                    

Ang sulating ito ay mula sa isang English translation at mula rin sa orihinal nitong Ethiopian language na matagal na panahong hindi ginalaw kung kaya ang mga pahina ng aklat na kinuhanan ay may kaunting kakulangan upang mabuo ang mga talata na nilagyan ng (...) tatlong tuldok. Palatadaan na ang pangungusap ay sadyang putol at nawawala ang kapirasong bahagi.

At mula sa English translation ay naisip kong isalin ito sa nakasanayang salita nating Tagalog upang nang sa ganoon ay marami ang mas makaunawa na ang aklat ay isa sa pinaka mahalagang bahagi ng kasaysayan ng buong daigdig at ng buong paniniwala at pananampalataya na mayroon ang tao. Bukod sa aklat ito tungkol sa mga kasalanan ng nakaraan at kasalanan ng kinabukasan, na siyang ating kaharap ngayon, ay isa rin itong mainam na paraan upang maituwid ang iyong liko-likong paniniwala tungkol sa mga pinaglipasan na ng panahon.

Ang mga salitang iyong mababasa ay isinalin ayon sa pangungusap nito hindi ayon sa kung paano ako nagsasalita at sumusulat.

Maging bukas sa pang-unawa at humiling ng pang-unawa bukod sa taglay mong pang-unawa na inaaral sa paaralan at tahanan dahil iba ang pang-unawa na mula sa mismong Diyos na tagapaglikha natin.

Salamat.

Masayang pagbabasa!

Book of Enoch (Tagalog Version) Where stories live. Discover now