1000 Things

911 22 11
                                    

Today is Wednesday. Wash Day.

Ilang oras nalang sa wakas matatapos na ang klase. Maryosep! Gusto ko nang umuwi. =__=

Tapos ang init-init pa. First semester diba dapat naulan? Pssh. Nasanay na kasi akong tag-ulan tapos madalas suspended. Pero hindi waterproof ang college! Nakaw. Ched talaga oh. 

Knock. Knock. Who's there? Ched. Ched who? 

Huy! Tingin. May Ched na lumilipad oh. Ched plane. 

Opo. Ako na ang korni. Suri naman! Gusto ko na talagang umuwi. Flat na ang pwet ko. Lalo pa naging flat. 

*Ring*

Napatayo ako nung lumabas na yung Prof at napasigaw ng "Yes! Uwian na."

"Julie! Excited?" sabi ni Chris.

"Hindi ba halata?"

"Tara SM Manila." singit ni Rachelle.

"Pass. Depressed ako e."

Hindi dahil sa test ha, kagabi kasi habang nasa UV ako, nagbabasa ako ng ebook. Yung She's Dating the Gangster. Grabe para akong tanga. First ebook na binasa ko yun tapos ganun ang ending. T__T

"E kaya nga mageesm diba? Tara Videoke!" panunuyo ni Chris.

"Sige na nga!" Batukan ko kaya sarili ko. Papayag din pala.

Sa Sm matapos naming kumain sa McDo. Gumala muna kami. Tingin dito, tingin dyan. Punta roon, pasok dito. Maya-maya, naisipan na naming pumunta sa aming destinasyon.

Habang papunta na kami ng Quantum.

"Kapag mahilig kang magJollibee, dapat ang pangalan ng mga anak mo e -Jojo-Lili-Bibi!" sabi ni Rachelle.

" Aba. Hanep ah! E paano naman pag McDo?" tanong ko.

" Mack Mack. Do Do" sagot naman ni Chris.

"HAHAHAHAHAHA" kaming tatlo.

"Bastos Chris!" 

Pumili na ng kanta. Kumanta at sumayaw. Sumayaw? XD Anyway, ilabas na ang dapat ilabas! Haha. Tapos umuwi na kami pagkatapos. 

Pumunta na ako ng Central. Sa TUP ako nag-aaral. Cavite ang uwi. Tapos lagpas lang ng konti ng Central Station ang Park n' Ride.

Yung pwesto ko e nasa second row ng UV. Pangalawa sa left side mula sa window.

Napatitig ako sa lalaking nakatabi ko dito sa gawing kaliwa. Shet! Ang gwapo niya. Gwapo kahit side lang mukha niya yung nakikita ko. Lande Julie? Harot? Pbb te---. Wag kayo, matagal nang isyu 'yan. 

E bakit ganun. Nakatabi ko lang e, ang lakas na ng pintig ng puso ko. Kasi naman magkadikit yung.. yung mga braso namin. Oh! Di ako nanachansing ha. Di ko alam ang meaning nun. I'm innocent. 

Bale ang ginawa ko yung usual habit ko pagpauwi. Ano pa nga ba edi matulog. Lamig. Payakap Kuya. Di pala Kuya, Mr. PLM pala. Pero kahit kayakap ko siya sa isip ko, di parin ako makatulog. 

 Haisst. Walang magawa.

Tumingin nalang ako sa kaliwang bintana kung saan siya nakasandal. Grabe ayaw niya talaga gumalaw. Statue?

Knock. Knock. Who's there? Statue. Statue who?

Alam niyo na ata e. Oh ito na. 

Huy Pare, statue? 

Ako na ulit ang korni. Ganun talaga si Julie e este si vanillafloat23. 

Ang ginawa ko habang nasa biyahe ay titigan ang bintana. Sshh. Yung binata talaga ang tinitigan ko. Huwag niyo akong isumbong ha? Ang gwapo niya talaga e. Tangos ilong. Maputi. Hay, hindi ako marunong magdescribe. Basta gwapo. Gwapo siya sa paningin ko. Side view palang nakikita ko ha! Ano pa kung whole view? Aber.

1000 ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon