PROLOGUE

44.2K 503 67
                                    

Updated: May 17, 2014

"Where have you been Sasa? It's 4 o' clock in the morning, right? Gawain ba iyan ng matinong babae?" galit na sita sa akin ni kuya pagkapasok ko pa lamang ng pintuan. Salubong ang kanyang kilay habang pinapasadahan ako ng tingin.

Napairap naman ako sa kawalan. Saka tuluy-tuloy na pumasok. Naramdaman ko namang sinundan niya ako ng titig na ikinataas ng aking kilay. Dire-diretso na sana akong aakyat sa hagdanan ng biglang tumayo ito sa sofa at galit na sinigawan ako. Napatigil tuloy ako sa paghakbang at hinarap siya.

"Where have you been?! Answer me Sasa!" Sigaw niyang muli na nagpanginig sa akin. Napaatras tuloy ako habang mahigpit na hawak ang aking bag.

Lumambot ang ekspresiyon nito ng makita ang takot sa mukha ko. Ngunit napakunot-noo ito ng makita ang suot ko na halos makita na ang aking kaluluwa. Muling sumama ang timpla ng mukha niya at napabuntung-hiningang umupo sa sofa.

Nakahinga ako ng maluwang. Napansin ko na tila kanina pa niya inaabangan ang aking pag-uwi, na madalas na mangyari lately.

Why he's still awake at this time? Nagsumbong kaya si Mommy sa kanya? Siya lang naman itong sumbungera kay kuya. Ala-una ako umuuwi noon pero noong inaabangan na niya ako, naisip kong alas kwatro nalang dahil kadalasan naman siyang mahimbing ng tulog sa kwarto niya ng ganitong oras. Nahuli kasi ako ni mommy noong isang gabi, malamang sinabi ni mommy sa kanya. Pakialamera talaga ang mommy ko. Hindi nalang nila ako pabayaan, tutal wala akong ginagawang masama.

Tsss! Nakakainis talaga! Sabi ng hwag sasabihin kay kuya ang pag-uwi ko ng madaling-araw. Sinumbong pala ako. Sabagay magkakakampi naman kasi sila.

"Why do you care kuya? Wala kang pakialam kung anuman ang ginagawa ko!" I blurted in anger. Nakabawi na ako sa pagkabigla kaya nasagot ko siya.

Tsaka, ano ito plastikan? Kelan pa siya nagkaroon ng concerned sa mga ginagawa ko? Hindi ko na nga siya pinapakialaman sa gusto niya kahit nakabuntis at nag-uwi ito ng babae sa bahay tapos ngayon pakikialaman niya buhay ko?

Galit ako sa kanya. Hindi gusto ang nabuntis niya at kinakasama niya dahil masyado itong pa-baby sa kanya. Ako lang dapat binebaby niya. Pero dati iyon. Hindi na ngayon. Iba na ngayon.

Magsimula noon ay hindi ko na siya kinausap. I'm against with the girl. Naiinggit ako eh. Ako dapat ang nasa lugar nya at sa akin lang dapat ang atensyon ng kuya ko. Inagaw niya ang atensiyon ni kuya. Naitsapwera ako at napabayaan.

Simula noon naging malayo na ang loob ko sa kanya. Gumawa ako ng sarili kong mundo. Madalas ako sa labas at madaling-araw na umuuwi. Gusto ko lang naman magpapansin. But I was wrong, hindi niya ako napapansin kahit ano pang gawin ko.

Pero simula ng makarating sa kaalaman niya na boyfriend ko si Crayon ay lagi na niya akong napupuna. Madalas na din siyang nakaabang sa pag-uwi ko at lagi akong tinatanong kung naghiwalay na ba kami ni Crayon. Nagtataka na ako sa kanya kung bakit tanung siya ng tanong kung naghiwalay na ba kami ng boyfriend ko. Subalit ipinagkibit-balikat ko nalang iyon dahil baka ayaw lang niya kay Crayon. Wala naman akong pakialam kung ayaw niya dito. Quits lang kami dahil ayaw ko din naman sa nabuntis niya.

Dati naman hindi siya ganito I mean hindi sila ganito. Pati yung wife niya kasi nakikialam na. Na kesyo layuan ko daw ang boyfriend ko dahil lolokohin ako, ganito ganyan.

But nah! Dineadma ko lang ang mga pangaral echos nila. I'm happy with my boyfriend at walang makakapigil sa akin.

He's my life...my everything.

Hindi naman bad influence si Crayon coz he taught me how to love and be loved.

Ang masamang naiambag lang niya siguro sa akin ay ang madalas naming paglalagi sa condo niya. Doing some hot steamy sex. Hindi ko mapigilan eh. Lalo na at masarap siyang magmahal.

MY EX-BOYFRIEND GIFTS...[SPG] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon