"TUOD" [scene 1]

Magsimula sa umpisa
                                    

Katahimikan….

“Oras na.” wika ng isang katakot-takot ng nilalang, isang tuod na maraming sanga na waring nagsisilbing galamay nito. Nang oras ding iyon, nabulabog ang yungib ng mga mga paniki, napuno ang lugar na iyon ng ingay at di maunawaang uri ng kaluskos at huni ng mga hayop. Sa kalagitnaan ng gabi, naroon ang mga nilalang na nag-aabang ng bibiktimahin…

Samantala…

Nakaramdam ng pananakit ng sikmura si Kate, dahil madilim, naisip niyang magpasama kay Flor.

Habang nakaupo sa isang sulok si Kate, may kung anong ingay siyang narinig, udyo ng takot, napatayo soya at laking gulay niya…

Isang tuyong puno na animo’y halimaw ang kaharap at umatake sa kanya, kasabay non ay isang sigaw ang pumalis sa malalim na katahimikan.

Isang sigaw na nakaagaw ng atensyion ni Flor.

“Kate?” tinawag niya si Kate, binalak na sundan ngunit may kung anong sanga ng punong kahoy ang pumigil sa kanyang paa. Hindi niya maintindihan ang mga pangyayari, bago pa nakasigaw si Flor ay ballot na siya ng mga sanga na waring bumibigkis buo niyang katawan at pagkatao. Kasabay non ang mabilis na pagdaloy ng dugo na sinisimsim ng buhay na lupa patungo sa ugat ng buhay na tuod.

“Ang tagal naman nina Kate.” Wika ni Grace, mahigit isang oras na ang nakaraan, mula ng umalis sina Kate at Flor. Maya-maya ay may kung anong kaluskos ang narinig ng grupo.

“Ano yun?” nagtatakang natatakot na tanong ni Gab. Na nasundan pa na isa.

May bumabato sa tent ng grupo mula sa labas.

“Silipin natin, baka may tao.” Wika ni Bob.

“Tayo na, sabi ni Gab. Dala ang flashlight at lisensiyadong baril. Ngunit bago pa lumabas ang dalawa’y nasundan na naman ang katakot-takot na kaluskos sa labas ng tent. Lumabas si Bob at Gab. Naglakad lakad. Halos nanginginig sa takot si Gab ng matapakan niya ang isang sanga ng puno. Kasabay non ay biglang  bumulagang pagkabuhay ng sanga, pumulupot agad ito sa kanyang paa.

“Saklolo!” sigaw niya. Napalingon si Bob, ngunit bago pa siya nakakilos ay busal na ng galamay ng puno ang kanyang bibig. Buhay ang punong ito, tunay na nakakatakot at walang awang pagkitil nag buhay ng kahit sinuman. Kasabay  non ay ang pagbuka nito ng bibig.  At ang walang tigil na pagdaloy ng dugo sa lupa.  

Samantala…

Tuluyan nang nawasak ang tent ng grupo. Inabala sila ng mga nilalang na hindi nila kayang paniwalaan.napakaimposiblen naman atang magkaroon ng mukha ang mga punong nakapalibot sa kanila. Sinalakay sila ng mga ito. Natangay na ang apat sa kanilang grupo!. Nasaksihan ni Tess kung paano pagpiyestahan ng mga punong buhay ang dugo at laman ng apat nilang kasamahan. Nakatakbo pa palayo ang takot na takot na sina Alex, Grace at Paulo, ngunit wala sa mga ito ang atensyion niya kundi nasa halimaw na kaharap, bigla ay natakot siya at nakita ang sariling tumatakbo palayo sa lugar na iyon. Kung makakalayo pa siya na buhay!.

Isa lang ang nasa isip ni Tess sa mga oras na iyon, ang mkalayo at mailigtas ang sarili mula sag alit na kalikasan dahil sa pagsasamantala ng mga taong katulad niya. Ngayon ay uhaw ang mga punong ito, at dahil tigang na ang lupa’t walang tubig, wala na ring resistensiyang makukuha doon kaya dugo at laman ng mga tao ang nagging pantawid uhaw nila.

Naisip niyang napaklupit naman ng kalikasan dahil walang awa itong kumitil na mga tao. Ngunit naisip kaya nila na mas malupit ang mga tao? Sila ang sanhi ng pagkasira ng kalikasan!

Pagod na si Tess sa kakatakbo, ilang beses na rin siyang nadapa ngunit pilit na tumatayo sa takot na maabutan ng tuod. At minsan pa siyang nadapa, pinuluputan ng mga sanga ng puno ang kanyang paa at kamay. Halos masugatan na siya sa sobrang higpit na pagkakapulupot rito. Puno na luha ang mga matang tumitig sa kaharap, malaking puno na may mukha ng tao!...

Pamilyar sa kanya ang mukhang ito.

Si Kate! Balot ng galamay ang buong katawan nito, maputla ang mukhang lumulyha rin tulad niya. Nang magsalita itoy hindi boses ng kaibigan ang lumabas ditto kundi…

Nakakahindik…. Nakakapangilabot!

“Kasalanan ng mga tao kaya nagging ganito ang kalikasan, kung hindi niyo kami inabuso ay hindi sana kami maghihiganti at magagalit.”

Huli na ang lahat nang mapagtanto ang kaibiga’y nagging taong tuod.

“Kasalanan niyo itong lahat…. Kasalanan niyo itong lahat!”

Ngayon ay ballot na ng sanga ng puno si Tess, nanghihina at namumutla, wala na siyang lakas pagkat ang puso niya ay nanghihina na sa pagtibok. At ngayoy handa na ang isang sangang lalamon sa kanya ng tuluyan.

“HUWAG!”

Tuluyan nang nagising si Tess. Humuhingal at yakap ang sarili.

__________________________________________________

Treasure's Note:

Thanks for reading....  ^_^

4th year h.s. ako nung sinulat ko to... sana magustuhan niyo.

ABANGAN PO 'YUNG SCENE 2 (nakz!) ^_^

______________________________________________________

"TUOD" [scene 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon