Chapter 35: Queeny's Past

48.7K 731 22
                                    

"Queeny! Saglit!!" Sigaw nong lalaking tumawag kay Queeny. Pero hindi na niya talaga ito nilingon ulit. Hindi ko alam kung bakit pero sigurado akong kilala niya iyon pero iniiwasan niya lang.

"Pero tinatawag ka nong guy. Bakit parang iniiwasan mo? May utang ka ba sa kanya?" Tanong ko kay Queeny habang tumatakbo pa rin kami. Nagsi-tinginan na nga ang mga tao sa'min dahil para kaming hinahabol ng mga pulis kung makatakbo kami.

"Syempre wala noh. Ayoko lang siyang makausap. Aissh! Bakit ba kasi siya andito?"

"Sino ba kasi siya?" Tanong ko ulit kay Queeny.

"Mamaya na lang. Mahabang usapan ito. Dito tayo. Bilis!"

Lumiko kami ni Queeny papuntang kanan. Lumingon lingon ako sa likod at hindi ko na nakita iyong humahabol sa'min. Sa tingin ko nawala na namin siya.

"Wala na siya." 

Saka lang kami tumigil sa pagtatakbo ni Queeny pagkatapos kong sabihin iyon. Sobrang nakakahingal.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Queeny habang nakahawak ako sa dibdib ko at hinahabol ang hininga ko.

"Actually hindi, pero mas mabuti nang ganito kesa naabutan tayo nong lalaking iyon."

"Sino ba kasi iyon?"

"Uhhmm.." Parang nag-iisip pa si Queeny kung dapat ba niyang sabihin sa'kin ang katauhan nong lalaking humahabol sa'min.

"Sige na nga.."

Naglalakad kami ni Queeny papuntang parking space kung nasan ang kotse ni Queeny habang ikinukwento niya sa'kin ang lahat.

"Pero huwag mong sabihin ito kay Uno ha? Alam mo na, medyo sensitive ang usapang ito eh. Pero may tiwala naman ako sa'yo.."

Tumango lang ako.

"Iyong lalaking humahabol sa'tin, si Dionesio iyon.."

"Dionesio? Bakit parang ang panget ng pangalan?"

"Eh panget rin naman kasi siya kaya bagay lang sa kanya iyong pangalan niya."

"Panget ba iyon?" Binalikan ko iyong itsura ng lalaking humahabol sa'min kanina pero sa pagkaka-alala ko talaga eh hindi panget iyon. Gwapo nga iyon eh. Mas gwapo pa ngayon kesa kay Uno. Pero syempre bias ako dahil boyfriend ko si Uno kaya para sa'kin kung total package, si Uno talaga.

"Gwapo iyon! Naaalala ko." Sambit ko. "May itinatago ka ba sa'kin? I mean, ayaw mo bang sabihin sa'kin ang tungkol sa kanya? Kasi okay lang naman sa'kin kahit hindi eh."

“Hahaha. Joke lang Shane. Hindi Dionesio name non, si Jed iyon.”

“Manliligaw mo iyon ano?” Tanong ko sa kanya.

“Uhhmm. Ex manliligaw at ex boyfriend.”

Nagulat ako sa sinabi ni Queeny. Eh kasi, fiancé niya si Uno pero nagkaroon pala siya ng boyfriend habang nasa states siya.

“Huwag mo sabihin kay Uno ha?” Paki-usap ni Queeny sa’kin.

“Pero diba fiancé mo si Uno simula nong 10 years ago? Diba dapat pag may fiancé ka na, hindi ka na dapat nagpapaligaw? Tapos iyon si Jed sinagot mo pa.”

“Si Uno rin naman kasi ang may kasalanan, nalaman ko kasi na may girlfriend na rin siya kaya sinagot ko nalang din iyong si Jed. Hindi lang isa ang naging girlfriend ni Uno non pero marami pa. Syempre kahit alam kong fling lang iyong kay Uno nasasaktan pa rin ako.”

Naalala ko iyong mga naging girlfriend ni Uno dati. Marami nga iyon pero sigurado naman akong wala siyang sineryoso sa mga iyon.

“Queeny, pano kung nalaman mong may girlfriend pala si Uno ngayon? Tapos seryoso pa sila? I mean, malalim na pala iyong relasyon nila. Anong gagawin mo?” Tanong ko pagkatapos naming makarating sa parking space. Naglalakad nalang kami papuntang G section dahil do’n nakaparada ang kotse ni Queeny.

“Siguro mapapapatay ko iyong girlfriend niya. Actually, silang dalawa!” Mataray na sagot ni Queeny na biglang nagpakaba sa’kin.

Naalala ko iyong No Other Woman movie. Ganung ganun ang linya ni Cristine Reyes. Bigla akong napahinto sa paglalakad dahil do’n.

“Hoy Shane! Bakit ka napatigil sa paglalakad diyan?”

“Ha? Eh kasi..”

“Hay naku,  huwag mo na isipin iyong sinabi ko noh. Hindi naman kasi mangyayari iyon dahil alam kong walang sineryosong girlfiend si Uno. Alam ko ring wala siyang girlfriend ngayon, at kung meron man, fling lang iyon. Bakit mo pala naitanong iyon?”

“Ha? Ahh wala lang.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Queeny hanggang sa nasilayan namin ang pulang kotse niya.  Pero napahinto ulit kaming dalawa pagkatapos naming makita iyong lalaking humahabol sa’min, naka-upo siya sa hood ng kotse ni Queeny habang ngumingising tumititig sa amin, kay Queeny lang pala.

“Queeny, iyong ex boyfriend mo!” Sambit ko sa kanya.

Agad namang naglakad ng mabilis si Queeny papunta sa kanya saka niya ito sinapak ng mga paper bags na dala dala niya.

“Walang hiya ka! Ano bang ginagawa mo dito? Bakit mo ako sinusundan?” Sigaw ni Queeny.

“Aray naman Queen!” Hinarang ni Jed ang mga kamay niya pero patuloy pa rin si Queeny sa paghahampas sa kanya.

“Aray! Aray! Tama na Queeny! Hahalikan talaga kita pag hindi ka pa tumigil!” Pagbabanta ng lalaki na agad namang nagpatigil kay Queeny. Natakot yata ito.

“Hahaha. Alam na alam ko talaga kung anong weakness mo.”

“Walang hiya!” Sigaw ni Queeny saka niya ito ulit hinampas ng isang beses.

“Kamusta ka na? Bakit hindi ka man lang nagsabi na babalik ka palang Pilipinas?”

 "Paano mo nalamang andito ako?"

"Hehehe. Sinabi ko naman sa'yo kahit san ka pupumunta susunod ako. Kahit sa impyerno pa iyan. Kaya bakit ka pa nagtataka na andito ako eh ang lapit lang nama ng Pilipinas?"

"Tss. Alis ka na nga diyan! Uuwi na ako!"

"Hindi pwede Queeny. Kailangan na muna nating mag-usap."

"Bweset!! Alis ka na kasi Jed! May fiance na ako kaya huwag muna akong susundan."

"Fiance? Eh fiance lang naman pala. Hindi mo pa asawa iyon kaya may pag-asa pa ako. Isa pa, hindi pa tayo break."

Nagulat ako sa narinig ko. Akala ko ex boyfriend na ni Queeny si Jed pero hindi pala.

"Whatever! Naghiwalay na tayo a month ago kaya manigas ka diyan kung ayaw mong umalis. Sasagasaan kita! Shane.. Halika na.."

Dali dali namang akong pumasok sa kotse ni Queeny nang hindi tinitignan si Jed. Hindi ko alam kung anong relasyon talaga ang meron sila noon pero sa tingin ko hindi lang iyon fling. Dahil sa paghahabol ni Jed kay Queeny, sigurado akong mahal niya talaga ito. Hindi naman siya uuwi dito ng pilipinas kung hindi dahil sa pagmamahal niya.

*beep* *beep*

Ilang beses bumusina si Queeny saka pa umalis ang lalaki sa harap ng kotse. Ngumisi pa talaga ito bago ito tuluyang umalis. Nakakaloka siya! Pero infairness naman gwapo siya. Pero kasi maganda naman si Queeny. Bagay silang dalawa. Or dahil gusto ko talaga sila para sa isa't isa para wala na akong kaagaw kay Uno?

"Shane, huwag mo sabihin kay Uno iyong nangyari ha?" Paki-usap ni Queeny.

"Oo naman. Magkaibigan tayo eh."

----

AN: Sorry I wasn't able to update for the last two days. Mag uupdate ulit ako bukas. Promise! For dedications, comment lang po

Hired Girlfriend, Hired Mommy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon