Chapter 34: BFF?

53.5K 735 22
                                    

"Shane! Uno!" Bulalas ni Queeny pagkatapos niya kaming makita ni uno.

"Ahh. Queeny! Ikaw pala. hehe" Sambit ko sabay tawa ng mapakla.

"Bakit magkasabay kayo?" Tanong niya.

"Kasi Queen, girl---" 

Hahawakan sana ni Uno ang kamay ko. Alam ko kung anong plano niya, pero hindi ko pwedeng hayaan siya na sabihin iyon. Lumayo ako kay Uno at lumapit kay Queeny para pigilan si Uno.

"Eh kasi ano. Nagtitipid akong pamasahe.." Pagpapalusot ko kay Queeny.

"Honestly Shane, hindi kasi maganda tignan na lagi kayong magkasama ni Uno. As a fiance, nagseselos rin ako, palagi na kasi kayong magkasama sa bahay ni Uno tapos hanggang dito pa sa school kayo pa rin magkasama." 

Biglang lumungkot ang ekspresyon ng mukha ni Queeny pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Ahh Queeny! Eh kasi.. Wala naman.. Uhmmm.. Ano kasi..." 

Wala na akong ibang maisip na palusot.

"Hahaha. Ano ka ba Shane. Joke lang ulit iyon. Kung ibang girl ang kasama ni Uno magseselos ako at magagalit pero dahil ikaw naman iyon, syempre hindi ako magagalit. Kaibigan kita diba?" 

Bigla akong inakbayan ni Queeny sabay ngiti. Hindi ko talaga alam kung totoo ba ang sinabi ni Queeny na okay lang sa kanya. Jokes are half meant true kaya sa tingin ko nagseselos pa rin siya.

"Diba Shane? Bakit di ka sumasagot?" Tanong ni Queeny sa'kin dahil hindi ko siya nasagot agad.

"Ahh oo. Magkaibigan tayo."

"Shopping tayo mamaya?" Pagya-yaya ni Queeny sa'kin.

"Shopping? Ahh ano kasi. May work ako mamaya. Hindi pwede."

"Eh? Sige kung hindi pwede, don nalang ako sa bahay niyo ni Uno. Gusto ko sana magbonding rin tayo kahit papano kaya naman gusto ko sana eh magshopping tayo."

"Okay lang sa'kin kung hindi na muna magtatrabaho si Shane mamaya kaya pwede kayo mag shopping." Sambit naman ni Uno.

"Talaga Uno?" Lumapit si Queeny kay Uno saka niya dinikit ang katawan niya dito. "Ang sweet talaga ng fiance ko." Sabay ngiti ni Queeny.

"Mamaya Shane ha?"

"Ha? Eh ano kasi Queeny. Walang magbabantay kay baby Chan mamaya. Hindi kasi magaling si Uno magbantay." Pagpapalusot ko.

Ayoko kasing mag shopping hindi dahil sa ayaw kong makasam si Queeny. Uhmm.. Sa totoo lang, isang rason na rin iyan. Hindi kasi talaga ako comfortable sa kanya. Siguro dahil may competition pa rin sa'ming dalawa. I know hindi maganda makipag compete sa iba pero hindi kasi maiiwasan. Aside from that reason, ang isang malaking rason ko pa ay wala akong extrang pera.

"Okay lang sa'kin Shane. Sumama ka na kay Queeny mamaya." Sambit ni Uno.

Tinitigan ko siya ng masama. Kung pagbabasehan ang mga mata ni Uno, sa tingin kaya niya ako pinagtutulakan na sumama kay Queeny dahil ayaw niyang makasama ito mamaya. Parang gusto ko na talagang maniwala hundred percent na ayaw niya talaga kay Queeny.

"Eh kasi.."

Lumapit si Uno sa'kin para iwan si Queeny saka siya bumulong sa'kin. "Huwag kang mag-alala, kung pera lang ang  problema mo, i-aadvance ko ang sahod mo. See you later, enjoy and love you." 

Nag-wing muna siya sa'kin saka niya kami iniwan ni Queeny.

"Anong binulong niya?" Tanong ni Queeny sa'kin.

"Ahh sabi niya. I love you daw." 

Iyon yata iyong first time na nagsabi ako ng totoo sa kanya.

Hired Girlfriend, Hired Mommy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon