Chapter 2

38 1 2
  • Dedicated kay Daphne A. Irinco
                                    

Riley's POV

Hello sa inyo (^_____^)

Ako nga pala si Riley. Hmm.. gwapo naman ako. Hehehe.. madami kasing nagsasabi nun sa'kin. Mayaman din naman....... yung mga magulang ko. Hindi ako. Haha. Magkaiba kasi yun. Nakakairita kasi yung mga batang lumaking mayaman ang mga magulang, feeling nila mayaman sila, hindi kaya, yung mga magulang lang nila yung mayaman... hayy.. magkaiba yun kasi nga di naman nila pera yung nagiging reason ng pagkamayaman nila.. Hehe.. wala lang, naisip ko lang na sabihin.

College student pa lang ako. Sabi ko nga, engineering student ako. Hayy.. napilit lang naman ako eh. Ayoko naman talaga nito.. nakaka-pressure masyado, kaso sabi ni Dad and Mom pati na si Tito, eto daw bagay na course sa'kin. Ewan ba. 

Nililinaw ko lang huh, HINDI PO AKO BAKLA. Hayssst.. iniisip nilang bakla ako kasi nga wala daw akong gf. Eh ayoko pa kasi talaga eh, pinipilit nila ako. Actually, may first girlfriend na'ko kaso lang... alam nyo na.... broken-hearted ako pagtapos ng 2 years. 

Sabi ni Dad at ng mga relatives namin, kelangan daw may gf naman ako kasi sayang daw lahi namin. Hehe. Kung sinu-sino na nga inaalok nila sa'kin na babae. Kaso, iba talaga taste ko. Ewan ko ba. Kakaiba kasi eh. Simula nung na-broken-hearted ako.... hmm.. parang ang hirap na magtiwala ulit. Well, malalaman nyo din naman yun eh. Tiwala lang (^__^)

That night hindi ko na talaga alam gagawin ko kaya naisipan kong magtago sa puno ng mangga. Yun naman talaga lagi yun taguan ko. Ewan ko nga baka nagagalit na yung mga "nilalang" na nakatira dun kasi lagi akong tumatambay dun. Hehe. Di nga ako nahahanap nila Dad kapag dun ako nagtatago. Safe place ko yun. Secret lang ah :))

Nung nakita ko si Kaezi... grabe. Ewan. Ganda. Ganda. Ganda. Ganda. Kakaiba eh. Basta. Siguro crush lang toh noh. Grabe naman, love agad-agad?? PEE-BEE-BEE TEENS?! Crush lang yun. Masyado naman kayo. Maganda lang naman sya... hmm tsaka mabait... tsaka mukhang matalino... tsaka... ay wait nga! Andami ko ng sinasabi.

Back to the scenario. Yun nga. Nung sinabi kong gf ko na sya... well, for that night lang naman... inakbayan ko kaagad. Malay ko ba sa utak ko. Tas yun biglang tinabig kamay ko tas sinagawan pa'ko. Sungit ah.

"Hoy! Di porket tutulungan mo ko sa trabaho ko mamanyakin mo na ako ha! Umayos ka!", sabi nya.

"Ah, eh sorry naman. Di ko na uulitin", sabi ko.

"Mabuti. So, ano na?", sabi niya.

"Let's go (^_________^)", sabi ko.

Humanap ako ng bakanteng table kaso wala. So, tayo lang kami. Daming tao grabe. Sosyalin talaga tong si Tito. 

"Huy, akala ko ba pupunta na tayo sa Tito mo?", tanong nya.

"Wait lang. Hapit naman oh. Mamaya na para grand entrance. Kasi alam ko pagsisigawan nya pangalan ko mamaya. Tas yun, labas na tayo (^___^)", sabi ko.

--------------------------------------------------------- ♫ ☼ ♫ -----------------------------------------------------

Kaezi's POV

Tsk. Daming alam netong lalaking toh. Haysstt. Gusto ko na ngang umuwi eh. Pinapatagal pa trabaho ko netong mokong na toh. 

"Tagal naman. Magso-SONA pa yata yang tito mo eh", sabi ko.

"Hehe. Toh naman. Wait lang. Saglit lang yan", sabi nya.

Tahimik na lahat. Magsasalita na yung manong na mayaman.

"Isang magandang gabi sa inyong lahat. Ako'y nagpapasalamat na napakaraming tao ang nagdatingan sa celebration na toh. Nagpapasalamat ako sa aking mga kamag-anak na tumulong sa'kin sa paghahanda ng engrandeng celebration na toh....blah blah blah blah", sabi nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The best capture of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon