Ako at Ikaw

1 0 0
                                    


Ako at Ikaw.

Ako na laging ikaw.

ikaw na walang Ako.

Ako na naghihintay sa isang ikaw.

Ikaw na hindi ko alam kung may ako.


Ako na umasa sa isang ikaw.

Ako na ikaw lang ang iniisip buong araw.

Ako na nagpatama sa pana ni kupido para sa isang ikaw

Ako na nangangarap na maabot ka balang araw,


At Ikaw na nagparamdam sa isang Ako,

Pinaramdam ang damdaming ngayon ko lang napagtanto

Damdaming bumulong sa aking puso

at bumuhay sa natutulog kong mundo.


ikaw na pumasok sa aking isipan, na sa oras-oras napapangiti at ayaw ka nang pakawalan.

ikaw na nagpahinto sa oras kong dumanas ng kapaguran, at binigyan mo ng kapahingahan.

ikaw na nagpuno sa mga pagkukulang ko,ikaw na naglalaro sa puso't isip ko.

sabi nga ng ilan nababaliw na ako, pero mas natutuwa ako dahil naman sayo.


Nagdaan ang mga araw tila may nag-iba,mas malamig pa sa yelo ang pinapakita mo,

Pinaramdam mong wala kang pake-alam sa isang ako.

HAHA.Nagpapansin ako sayo na parang aso.

Lumayo ka at Hinabol kita sa kabila ng mga rehas na nakaharang sa aking puso.


Pumasok sa isip ko kung gaano ka mag-alala sa isang ako.

Kung gaano mo iparamdam na mahalaga ako sa piling mo.

At kung paano mo sinasabi ang katagang "wag kang mag alala nandito lang ako"

At ang mga oras ,araw na masaya at magkasama tayo.


Oh Umasa lang pala ako sa isang ikaw na inibig ng isang ako

Ikaw palang guguho sa toreng itinayo ko para sa tayo.

HAHA. wala palang tayo umasa lang ako.

Akala ko may patutunguhan ang pinaparamdam mo, nagkamali pala ang isang ako.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TULAyWhere stories live. Discover now