chances (short story)

417 16 7
                                    

PROLOGUE

may isang babae akong kinaiinisan.

nung una naman, okay lang sya saken. pero simula nung umalis si papa, papuntang Saudi, nagsimula syang magreyna-reynahan sa bahay.

hindi ko nga maintindihan kung bakit napakapakelamera, bungangera, at napakaepal nya. ilang beses ko na ngang pinagdasal na sana mawala sya sa buhay ko. gusto ko kasi maging malaya! yung walang pipigil sayo na gawin lahat ng gusto mo. yun lang naman yung gusto ko sa life.

sino tong taong to? actually, dun sya nakatira sa bahay. kaya nga, impyerno talaga yung pakiramdam ko sa bahay namin. as much as possible, ayokong umuuwi dun. pero saan naman ako matutulog no?! isa pa, 2nd year college pa lang ako kaya dependent pa talaga ako. so, NO CHOICE, kailangan ko syang pagtiisang samahan, pero hindi ako required na pakisamahan sya. NO WAY! oh, by the way, Ginalyn yung name nya.

----------

----------

----------

nasa school ako ngayon kasama yung barkada ko. andito kami sa likod ng building at nagse-“session” habang class hours. obvious naman, di ba? nag-cutting kame. wala trip lang.

inabot saken ni Jamie yung foil paper at straw. kinuha ko yun habang hawak-hawak naman ni Ken yung lighter. humithit ako ng konti pero ramdam ko na yung paggaan nung pakiramdam ko.

“woooooo! eto yung feeling e! wooooo!” ~napasigaw ako sa sarap ng pakiramdam ko. yung feeling na wala kang problema sa mundo. ang gaan. pero sa tuwing naha-high ako, lagi na lang umuulan. ewan ko ba, pero sinasabe naman samen ni sarah na never daw umulan.

tapos pinagpasa-pasahan nila yung straw hanggang sa makaikot na sa lahat. maliban sa isa.

“t-tama na to.. balik na tayo sa classroom.” ~si sarah yun. sya yung pinakamabait sa tropa. 

“sus. kj na naman si sta. sarah o!”

tapos nagtawanan kami.

inakbayan sya ni ken. “wag ka naming ganyan, babes. hindi ka ba masayang nakikita akong nag-eenjoy?” ~si ken naman yung heartthrob. gwapo talaga sya. marami nga lang bisyo. alak, sigarilyo, babae at eto.

namula naman si sarah. pero yumuko na lang sya at hindi na nagsalita pa.

tuloy-tuloy lang yung session naming nung may narinig kaming sigaw.

“hoy! anong ginagawa nyo dyan?!”

“sh*t! si erming na naman!”

“pulasan naaaaaaaaaaaaa!”

nagtakbuhan kami palayo habang hinahabol kami ni erming. yun yung guard ng school. hindi nga namin alam yung pangalan nya kaya erming na lang tinawag namin sa kanya.

chances (short story)Where stories live. Discover now