How to make a worthy story

35.8K 631 267
                                    

Para Sa Mga Gustong Matutong Magsulat

[TIPS AND SUGGESTIONS ON WRITING]

(c) Shupershimmer

Ang lahat ng suhestiyon, at payo na nakapaloob sa librong 'to, e, galing sakin. Wala akong kinopyahan o kaya na-plagiarize. Kumbaga, subjective ang mga tips na ilalagay ko at galing sakin mismong mumunting utak.

Ibabahagi ko rin sa inyo ang ilan sa natutunan ko sa Journalism course ko. Wala namang masama kung ayaw ninyong sundin--di kita pinipilit.

***

NO.1

HOW TO MAKE A WORTHY STORY?

Pag ang isang reader, naghalughog ng lahat ng kwento na makikita sa Wattpad (Filipino), obvious na obvious kung anong plot ang cliche, kung ano ang "mema" [Memasulat lang], at kung ano ang may sense.

Paano ako makakabuo ng kwento na aabangan ng lahat?

Kung beginner ka, medyo mahirap talagang gumawa ng story lalo na kung hindi ka mahilig magbasa ng mga novels, na pwede mo ring pagbatayan ng gagawin. Sa totoo lang, hindi maiiwasan ang cliche sa paggawa pero ang technique lang dyan, e, kung sa paanong paraan mo ito iibahin. Nasa iyo kung paano mo ito pahahabain at gagawing may "sense" ang storya.

Shimmer's Suggestions:

1. Make sure your story is realistic.

Kahit nasa wattpad site lang ang kwento mo, hindi ibig sabihin nun, e pasok na lahat ng imagination na nasa utak mo. Depende kung fantasy ang peg mo, pero kung pag-ibig ang genre mo, you have to look at some point. Kapani-paniwala kaya ang kwento ko? Masyado bang OA? Dapat na ba silang mag-break?

Tao rin kasi ang nagbabasa niyan, at iparamdam mo sa mga mambabasa na ang anumang eksena sa kwento mo ay pwedeng mangyari sa kanila. Hindi yung hanggang wattpad na lang. (Maraming ganyan sa wattpad ngayon.)

NOT LIKE THIS:

Nasubsob si girl sa hagdan, tapos nasalo siya ng lalake tapos na-love at first sight, tapos nag-kiss sila tapos... the fucking end na.

Utang na loob, kung sa totoong buhay ba, makukuha mo pang makipaghalikan sa isang lalake kung dumudugo na ang nguso mo sa pagsadsad sa hagdanan? Fuck, malantod na lang yata ang gagawa nun. At wag mong gawing modelo ng kalandian ang bida mo. Depende na lang kung bitch talaga ang attitude ng character.

Bottomline: MAKE SENSE.

2. Wag mamroblema sa Prologue, pag-isipan ang Ending

Believe it or not, I apply this whenever I think of a story. Ang prologue kasi, though importante para maakit ang readers, madali lang naman. Gawin mo lang kung ano ang unang pumasok sa kokote mo. Pero paano mo tatapusin? May time kasi na tatamarin kang tapusin ang kwento pero kung may goal ka, may ending na sa isip, at alam ang patutunguhan ng ginagawa, tatapusin at tatapusin mo 'yun.

P.S: Huwag bara-barahin ang Epilogue dahil dyan nakasalalay ang satisfaction ng mambabasa. Wag mong patayin ang characters dahil trip mo lang. Usong i-explain kung bakit siya namatay, o kaya magsingit ka ng chapter kung paano naaksidente or what.

Be convincing. Period.

3. Huwag masyadong madaming characters. Sakit lang 'yan sa ulo.

Natatawa ako sa mga post sa facebook, pag nanghihingi sila ng names ng characters dahil nauubusan na sila. Hello, bente yata o higit pa ang characters na hinihingi nila! Hindi ko keri 'yan. Wag mong lubusin lahat sa pagsusulat ng isang novel, may iba ka pang kwento na kailangan ng pangalan. Sa totoo lang, nakakawalang gana mag-basa kung ang daming characters. Pucha, ano ba 'to? Buong barangay?

Okay na yung may kaibigan ang mga bida (Two to three will do) pero di naman kailangan na buong class, e, papangalanan mo pa. Kung isang beses lang naman siyang magsasalita sa buong kwento mo, e, wag mo nang pag-isipan ng pangalan. Sayang utak.

Ang tanging exception lang, e, yung mga story na may gang, fraternity chorva, o kaya chique. Well, ikaw na bahala, di naman sila maaalala ng mambabasa mo.

4. Focus on your plot. Focus.

In connection sa mga kwentong madaming characters, gosh, masakit na nga sa ulo magmemorize ng names nila, pati ba naman lovelife, tig-iisa sila. Hindi porket, natuwa ang reader dahil nagmeet ang friends ni girl at friends ni guy, e sisingitan mo na sila ng sariling kwento. Baka matakpan ang tunay na bida. Di ko naman sinasabing wag gawin yon pero hangga't maari, slight lang ang part nila. Enough para ma-satisfy ang readers.

Kung sakaling magbago ang isip mo sa plot, it's alright. As long as it doesn't affect the previous chapters. Huwag mo rin ipahalata sa readers na nag-shi-shift ka ng plot. Make it gentle, hindi biglaan.

Alam mo naman, ang mga readers, e sobrang reklamador. Naku.

5. Panindigan ang characters

Kung lalaki ang bida or nagsasalita sa point-of-view, dapat lalaki ka rin habang nagtatype. Ang tunay na writer, versatile. Ibig sabihin, kahit ano pa ang sinsusulat, flexible ka dapat. Kung bading ang nagsasalita, edi magbading-badingan ka. Kung babae, dapat emotional. Ika nga, you must put your feet in their shoes.

Bago mo i-sulat ang update, isipin mo kung ano ang mararamdaman mo kung nasa sitwasyon ka ng characters mo. For example, nasa break up scene ang guy, kahit kailangang madrama, it doesn't mean na gagawin mo siyang bayot or bading.

Damhin mo kung paano masaktan ang lalake.

Syempre, iba rin pag babae.

Mararamdaman mo naman kung naiiba ang dating ng mga characters mo, eh. Pag binasa mo at nagmukhang bading si guy, aba, magdalawang isip ka na. Tsaka, please lang, wag mong pag-inglesin ang bida kung sa public lang naman. Nagmumukhang social climber. Gaya nga ng sinabi ko, panindigan ang bida.

NEXT: HOW TO MAKE YOUR STORY CREATIVE

Writing Tips (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon