Chapter 10 : One of the Best Night of My Life

3.2K 29 3
                                    

I looked at the wall clock and then back to the TV. Nanonood ako ngayong ng Rise of the Guardians, ang gwapo ni Jack Frost, sobra. Matapos kong magawa yung bilin sa akin ni Sir ay tsaka ko lang narealize na ang tagal ko palang nanood kanina. Dumating kami ng alas sais, naligo ako at siya naman ang naiwan para mag-ayos ng mga kakainin namin. Nanood ako ng tatlong episode ng game of thrones, isang episode ay almost isang oras. Mag-iisang oras na rin simula nung si Sir naman ang umakyat para maligo, e bakit hanggang ngayon hindi pa siya bumababa? Ano yun? Gumaganti?


Gusto ko sanang gawin pa rin yung naging usual na pagsalubong ko sa kaPaskuhan, ang kaso iba na ngayon Allyzza, may Sir Patrick kang kasama na matagal ka na raw binabantayan at ngayon nalang din magkakaroon ng makakasama sa pagsalubong sa Pasko. Shems, hindi ko mapiglang mapangit pag naalala ko yung mga sinabi niya dati na yung mga ginagawa niya ngayon ay matagal na niyang gustong gawin. Ang creepy pa rin isipin kasi parang stalker ang dating pero mas lamang ang sweetness na nararamdaman ko.


Tumingin ulit ako sa wallclock at nagulat nalang, mag-aalas onse na?! Gaano katagal ba akong nag-iisip ng kung anu-ano?! Tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinayaan na bukas ng tv, mamaya nalang kita babalikan Jack Frost. Pumunta ako sa kusina para tingnan yung mga pagkain, okay na. Yung mango float, naglalaway ako mukhang ready na din. Yung ice cream tsaka nalang parang wala na siyang paglalagyan sa tiyan ko mamaya.


Matapos yun ay bumalik ako sa kwarto ko, maglilinis ulit ng katawan? Mahirap na baka may mangyaring alam niyo na. Baka akapin ako ni Sir mamayaa, dapat mabango ulit! Bilisan nalang Allyzza baka bumaba na yung mataray mong manliligaw. "OMG, manliligaw." bulong ko sa sarili ko at napabungisngis nalang.


10 minutes...


20 minutes...


30 minutes...


kalahating oras na ang nakakalipas simula nung naghugas ako ng katawan ko, nandito na ulit ako sa living room pero si Sir hindi pa din bumababa. Anong ginagawa nun? Sht, baka may nangyari na masama sa kanya? Hindi naman kaya nadulas siya or ano sa loob ng cr nung naliligo siya? Baka may pumasok na na magnanakaw at doon dumaan sa kwarto niya! Sobrang lakas ba ng panonood ko kanina at wala akogn narinig na ingay mula sa taas?


Nagtatakbo akong umakyat patungo sa second flood ng bahay at dumiretso sa kwarto niya. Sht, bakit to naka-lock? Ano bang nangyayari? Ilang minuto nalang malapit na mag-Pasko tapos may mangyayari pa na ganito? "Sir" tawag ko habang kumakatok sa pintuan niya. Ano ba Siiiir, ano bang nangyayari sayo jan sa loob?


"Sir Patrick!" sigaw ko habang mas nilalakasan ang pagkatok sa pintuan ng kwarto niya at pilit pa ring binubuksan ang pinto kahit na naka-lock. Si Tita Lina lang ang may hawak ng mga susi ng buong bahay! "Siiiir!" Ano ba sir! Buksan mo to! Kinakabahan ako!


"Ano ba--" muntikan na akong matumba nang biglang bumukas ang pinto, buti nasalo agad ako ni Sir. Buhay pa siya! Niyakap ko siya ng mahigpit na siya namang ikinagulat niya. "Anong nangyayari?" tanogn niya at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Hindi ko napigilan ang mapaiyak. "Allyzza, kausapin mo ako." naramdaman ko ang pagpulupot ng mga kamay niya sa katawan ko at ang pagdantay ng ulo niya sa ulo ko. Umiling ako at hinayaan na ganito lang kami.

Young Love ( Student Teacher Affair )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon