45 Days of Summer

774 12 8
                                    

45 Days of Summer

“SIGURADO ka na ba dito, Summer?” naka-pameywang na tanong sakin nang ate ko.

“Ano ba, ate?” walang ganang tanong ko dito habang inilalabas mula sa travelling bag ang aking mga damit. “Ilang beses na nating nagpag-usapan ‘to, diba? Sina mama nga walang nagawa eh, ikaw pa kaya?”

“Hindi lang talaga kasi kita ma-gets eh!” maktol nito saka pasalampak na umupo sa kama ko. “Hindi ko ma-gets kung bakit mas pinili mong dito gugulin ‘yung summer mo kesa sa Singapore. I mean, Singapore, pinagpalit mo sa Batangas?”

Pinili kong hindi sumagot sa sinabi niya, imbes, tumayo ako at inilagay ang mga nakatuping damit ko sa cabinet na nasa loob nang kwarto ko. Nakatalikod ako sa ate ko na nakaupo sa kama at inaayos ang mga damit ko sa loob nang maramdaman kong may humigit saking braso dahilan para mapatigil ako sa pag-aayos nang damit at mapaharap dito.

“One last chance, Summer.” Matiim na sabi nito habang nakahawak pa rin sa aking braso. “Sasama ka samin sa Singapore o magpapakaburyo ka dito sa probinsyang ‘to?”

“MABUTI naman at napili mong dito magbakasyon, Summer.” nakangiting sabi nang lola Julie ko habang naglalagay nang kanin sa plato nang lolo ko.

“Oo nga, apo.” Sambit naman nang lolo Elmo ko kung kaya’t napatingin ako sa kanya. “Bakit nga ba nagpa-iwan ka dito at hindi ka sumama sa Singapore?”

Ngumiti ako nang matamis sa kanila habang naglalagay nang ulam sa plato ko bago nagsalita. “Eh miss na miss ko na po kayo ni mamang, eh.”

“Sus, miss na daw kami.” Natatawang sabi ni lolo. “Ang sabihin mo, gusto mo lang makasama ‘yung boyfriend niya kuno noong sampung taong palang ‘yan.”

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag ngiti ko, pero hindi naging sapat iyon dahil umalpas parin ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi na hindi naman nakaligtas sa paningin ni lola at lolo na naging dahilan para mapailing silang dalawa.

“SUMMER! Ikaw na ba ‘yan?”

Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko ang isang babae na sa tingin ko ay ka-edad ko lamang at may karga-karga itong bata. Napansin siguro nito ang pagkunot noo ko kung kaya’t nagpakilala ito.

“Ako ‘to, si Sandy!” nanlalaki ang mga matang sabi nito. “Yung seatmate mo noong grade three. Yung laging nakatirintas ang buhok.” Dagdag nito habang iminumuwestra pa ang kanyang buhok.

Napaisip ako saglit at napangiti nang maalala ko siya.

“Ah! Sandy!” sabi ko nang nakangiti habang tinuturo pa siya. “Yung batang laging naiyak kapag iniiwan nang nanay sa school!”

Nakita ko namang napangiwi siya kung kaya’t napabawi ako nang kamay at tipid na ngumiti. Napansin siguro nitong nakatingin ako dun sa batang karga niya kung kaya’t ipinakilala niya ito.

“Ah, anak ko nga pala.” Sabi nito saka iniharap sakin ‘yung batang babae. Bakas siguro sa mukha ko ang pagtatanong kung kaya’t nagpatuloy ito. “Anak ko sa pagkadalaga. Fourth year high school ako ‘non nang mabuntis kaya hindi na ‘ko naka-graduate.”

Napatango naman ako at tipid na ngumiti sa kanya.

“Ikaw?” pagkadaka’y tanong nito. “Napasok ka pa ba? Anong year mo na?”

“Napasok pa ko.” Sabi ko dito nang nakangiti. “Fourth year college na ‘ko sa pasukan. Graduating na.”

“Buti ka pa.” sabi nito nang nakangiti nang malungkot. “Ah, gusto mong pumasok?” sabi nito maya-maya. “Tara.”

45 Days of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon