DanLene Episode: Kapatid

2.8K 110 70
                                    

Hashtags for tonight's episode:

#PBBLTEDanLeneEpisode #PBBLTEShortFilm

Characters: 

Daniel Padilla as Danilo

Sharlene San Pedro as Anika

Liza, Jerome, Jon as themselves

"Kapatid"

DanLene (Daniel Padilla and Sharlene San Pedro episode)

Mahal mo siya bilang kapatid, mahal mo rin siya bilang isang babaeng alam mong gusto mong makasama sa panghabang buhay. Ano ang mas mananaig? Ang pagiging kapatid mo sa kanya o ang walang kasiguraduhang pagmamahal mo?

Thirteen years. Thirteen years nang magkasama ang magkapatid na si Danilo at Anika Rodriguez. Three years old si Anika nang ampunin siya nang mga magulang ni Danilo na anim na taong gulang sa panahong iyon. Wala silang naging problema. Kahit na hindi magkadugo ang magkapatid ay tinuturing nila ang isa’t isa na isang tunay na kapatid.

Taga protekta at sandalan—‘yan ang tingin ni Anika kay Danilo. Kuya niya ito pero mas higit pa sa isang kuya ang tingin niya sa kapatid. Nang mamatay ang mga magulang nila, si Danilo na ang tumayong taga-alaga ni Anika. Siya na rin ang naging nanay at tatay ng dalaga. Ni minsan, hindi niya naramdamang kulang ang pamilya nila dahil sobra sobrang pagmamahal ang pinaparamdam ni Danilo sa kanya.

Kasalukuyang labing anim na taon na si Anika at labing siyam na taon naman si Danilo. Graduating student na sa kolehiyo si Danilo at magtatapos na rin si Anika sa high school. Kahit na wala na silang mga magulang, may natitirang suporta pa rin para sa kanila na inilaan ng kanilang mga magulang bago ito namatay. Malaki ang namana nila mula sa kanila. At si Danilo na nga ang susunod na magpapatakbo ng kumpanya nila na naiwan ng kanilang magulang.

Isang umaga, nagmamadaling pumasok si Danilo papunta sa ekswela…

“Kuya, ‘yung baon mo eto na, nakahanda na! Tapos inilagay ko na rin ‘yung panyo mo doon sa mesa at may kasama na ‘yung tubig ah!?” sambit ni Anika habang nag-aayos ng sarili niya. Suot suot niya ang kanyang high-school uniform habang nakaharap sa salamin.

“Sige. Salamat Niks.” sigaw ni Danilo mula sa loob ng kwarto niya.

Ilang sandali lang ay nagmamadaling lumabas si Danilo. Nakaayos na rin ito at handa nang pumasok sa eskwela, “Kuya, breakfast ka muna bago ka pumasok.” aniya Anika. Napatingin ito sa repleksyon ng kuya niya sa salamin na kaharap niya ngayon. Kasalukuyang nagsusuot ng sapatos ang kanyang kapatid. “’Wag na, malelate na ako.” sagot nito.

Nagtungo si Danilo sa mesa para kunin ang baon na inihanda ni Anika, “Alis na ako ah. Bye!” papalabas na sana si Danilo ng bahay nila pero bigla siyang tinawag ni Anika, “Teka! Kuya!”

“Oh? Bakit?” napahinto naman agad ang binate na may bahid na pagtataka.

Hinintay niyang makalapit si Anika sa kanya, “Nakalimutan mo!” sabi nito. “’Yung ano?” tanong niya sa kapatid.

Ngumiti si Anika bago magsalita, “’Yung kiss ko. Eto oh! Mwa!” at walang alinlangang inilapat ang labi niya sa pisngi ng nakatatandang kapatid.

Napangiti si Danilo at nagsalita, “Hahaha. Ikaw talaga bata ka.” pangugulo nito sa buhok ni Anika.

“Kuya! Di na ako bata! Dalaga na ako.” nakasimangot na sagot ni Anika.

Pinoy Big Brother Love Team EditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon