Chapter 26: Lab op may layp

156 11 6
                                    

Continuation from the last chapter

“Ha? Yun ba ang buong akala mo? Hindi Hatenah. Kasi kaninang umaga nakita ko kayo ni Ken, napagusapan nyo pa nga yung about sa dream date mo. Hindi nyo ako nakita kasi nagtago ako sa puno. Ako yung narinig nyong kumakaluskos. Timing nga eh, may pusa agad na lumabas kaya nadistract kayo. Namutla pa nga si Ken eh.. Hahahahaha!!!”- sabi niya na tawa nang tawa.

Luhan sorry pero magpapakatotoo na ako, yung dream date ko kasi, uhmm , pano ba to? Sa dream date ko kasi hindi ka kasali.”- sabi ko habang nilalaro yung mga daliri ko at nakayuko.

“Ganun ba?”- sabi niya halatang ikinalungkot niya.

“Naiinindihan ko Hatenah, ang gusto mo si Ken. Tama ako no?”

*TANGO**TANGO*

“Pero bata pa tayo para diyan. 3rd year pa tayo no?”- sabi ko para hindi siya masyadong madown.

“Pero at least nakapili ka na.”

“Oo nga eh, sorry Luhan ha? Pero si Ken talaga eh.”- nakokonsensya kong sabi.

“Wala kang dapat ihingi ng sorry Hatenah. Upo muna tayo, may sasabihin akong secret sayo.”

He motioned me to sit at saka umupo na rin naman siya.

“Kasi, nagkagusto ako sa isang babae.”

“Talaga?”

“Wag kang feeling dahil hindi ikaw yun!”

“May sinabi ba kasi ako?!”- pang-aasar ko sa kanya.

“O sige na! Tapos nagkaroon kami ng deal na dapat magkagusto ka sa akin para maging kami na. At kasali na doon sa plano ko ang dream date na ito na palpak naman. Kaya inaamin ko na sayo ngayon kasi baka mas mapahiya pa ako sa iyo kasi kahit anong gawin ko, palpak pa rin ang kalalabasan dahil sa may Ken ka na.” - bigla siyang nagfrown that explains his emotions.

“Naku ang saklap naman niyan, pero bakit ako nadamay diyan sa love story nyo?”

“Yan nga rin ang hindi ko alam  . Sa dinami dami ng mas magagandang babae diyan ba’t ikaw pa?”

“Hoy! Sinasabi mo bang pangit ako?”

“Wala akong sinabi na kahit ano ha?”- feeling inosente pa.

“Teka nga lang, sino ba yang babaeng yan at pepektusan ko?! Dinamay pa ako sa kahibangan niya!”- naiinis kong sabi.

“Hindi ko pa muna sasabihin sayo, sa tamang panahon na lang.”- seryoso niyang sabi

“Masyadong mysterious si girlaluuush! Ano ba siya?! Kriminal at ayaw magpakilala?”

“Tandaan mo Hatenah, LAB OP MAY LAYP ko yang ino-okray mo. Pero di nga, kailangan makipag-cooperate ka sa tamang panahon, na sasabihin ko ring kung kalian sa tamang panahon. Gulo no? Kailangan mong magpanggap na nagkagusto ka na sa akin sa tamang panahon.”-

“Tamang panahon, tamang panahon. Ang gulo! Ano ba naman kasi yan! Ayoko! Baka mapahamak pa ako diyan.!”

“Sige na Hatenah please, ang daming effort na ang naexert ko para magkagusto ka sa akin pero wala pa rin. Maawa ka na sa akin please.”- sabi niya with his puppy eyes.

“Anong pinagsasasabi mong madami?!”- naguguluhan kong sabi. 

“Ako yung nagpadala ng siomai sa bahay niyo at pati na rin yung cake na natanggap mo.”

“HAAAAAAAA?!!”- nagulantang ako sa sinabi ni Luhan. “Ang akala ko kay Ken nangggaling ang lahat ng yun!”- napaisip tuloy ako.

“Wag ka nang mag-isip di ka mukhang cute!”

I glared at him, “Anong sinabi mo?! Langya! Hindi ka pa rin nagbabago simula pa nung unang araw mo dito! Palagi mo na lang akong pinagti.tripan!”

“Hindi naman talaga kasi. Aba’t gagawan mo pa ako ng kasalanan dahil gusto mong sabihan  kitang cute kahit di naman! Hmmph”- sabi niya with confidence in his voice.

“Pero kahit na! Pwede namang hindi ka na lang nagsalita para hindi ka makasakit ng damdamin ng iba! Kahit kailan harsh ka talaga. Hindi na talaga ako papayag sa plano mo. BAHALA KA MAGISA MO!!”- lalabas na sana ako ng auditorium pero

“Uy sorry na!! Cute mo Hatenah!! Lalo na kung nag-iisip ka.!!”

“Sus! Hindi naman masyado.!”- sabi ko habang naglalakad pabalik.

“Yan lang pala katapat mo eh! Pero baka nagawa lang niya yung pagsisnungalin sayo, na sa kanya nanggaling yun kasi mahal ka niya. Wag ka nang magalit sa kanya.”

“Pwede ba? Wag mo nang mabanggit-banggit yang salitang love nay an? Allergic ako eh!”- sabi ko na kunyaring nangangati.

“O sige na pumapayag na ako dahil sinabi mong cute ako. At saka kawawa ka rin naman. Pero may kondisyon. Dapat magselos si Ken ha?”

“YES!! Thank you so much Hatenah!!! Payag ako sa kondisyon!”.- yayakapin na sana niya ako pero napigilan ko siya.

“Ops ,ops ,ops!! Tapos ka nang magpanggap na may gusto ka sa akin, wag kang umarte!”-I said na nakaakmang susuntukin siya.

“Hehehehe, oo nga pala, nasanay lang ako.Tara lumabas na tayo , habang nandito ako sa loob naaalala ko lang ang  EPIC FAIL kong pagpa.piano”

“Oo nga tara na at naiinis akong isipin yang lab op yor layp mo na yan”- sabi ko habang naglalakad papalabas ng auditorium.

“One last thing Hatenah, pwede wag mong ipagsasabi sa iba? Kasi supposedly ako lang at si Da-- ay!*napakamot siya ulo niya* si lab op may layp lang ang nakakaalam nito.”

“Sige na!”- anong problema nito?

Paglabas namin at pagbalik namin sa classroom na dala ko pa rin yung rose, naging usap-usapan na yung ginawa ni Luhan, na siyang halatang-halata na ikinainis ni Ken na nakaupo lang sa upuan niya na hindi man lang sinasagot ang nagtatanong sa kanya na classmate ko. Oh may ghad! Selos much??!

Pag-upo ko sa upuan at eksaktong nag bell na para sa next class at ang ibig-sabihin nun tapos na ang recess, biglang sumakit ang tiyan ko. Ano to? Tawag ng kalikasan? At naalala ko na hindi pa pala ako kumakain dahil nga sa letsugas na Dream Date na palpak naman. At dahil sa wala pa naman ang teacher, lalabas na muna ako papuntang canteen . Pero nung nasa pintuan na ako, siya namang  pagpasok ng subject teacher. Kaya no choice, balik muna ako sa upuan. Pero pagbalik ko, may dutchmill at lemon square cheese cake na sa upuan ko. At may sticky note pang kasama na nagsasabing: Alam kong hindi ka nakakain kanina dahil sa lokong Luhan na yun. Kaya binilhan na kita.Hinanap ko kung sinong pwedeng magbigay nito at paglingon ko, nakita ko siyang naglalakad pabalik sa upuan niya, Napangiti naman ako sa ginawa niya, puro paborito ko pa naman to. Kakainin ko na lang to pagwala na si Ms.

Sa tuwing napapalingon ako sa kanya, palagi na lang siyang nakatulala, nakatingin sa kawalan, parang hindi na nga siya nakikinig sa mga lessons eh. Ganun pa rin ang ikinikilos niya hanggang sa afternoon classes namin at aba!Hanggang sa paguwi. Ang bilis naman gumana ng plano ko, napagselos na agad namin siya ni Luhan. HIHIHI..

Lady with a BIG BAG 웃❤유Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon