Chapter 8 [Part 2] - Stickers

4.5K 116 23
                                    

[Jake's POV]

"Sorry na pare. Sorry na", paulit-ulit na sabi ni Ken sa akin.

"Ang engot Ken", natatawang paulit-ulit din na sabi ni Aaron.

Nakaumpok kaming lahat sa labas kung saan naghihintay kaming lahat sa pagdating ni Laureen.

"Buti na lang, matalino 'tong si Lance at si Gi", sabi ko sa kanila.

Kumindat sa akin Lance.

Umabante naman si Luigi sa paglalakad. Paparating na ang sasakyan ni Laureen.

Sinalubong niya ito agad. Nang makaparada si Laureen ay pinagbuksan niya ito ng pinto.

Walang kupas talaga ang dalawang ito. Pagkababa ni Laureen ay agad siyang hinalikan ni Luigi sa pisngi.

Ng makalapit ulit sila sa amin ay nagbago na ang mood ni Gi, nakangiti na ito, hindi katulad kanina na sobrang nagaalala.

-----------------------------------------------------------------------------------------

[Kat's POV]

"Yiheeeeee", ngingiti-ngiting sabi ni Sarah sa tabi ko habang nagmamasid kami sa party.

"Anong problema mo Sars? Kanina ka pa ganyan. Baka maihi ka na niyan!", sabi ko sa kanya.

"Eh kasi ang gwapo pala talaga ni Feminine Wash Guy. Kaya pala hindi siya basta-bastang 'okay lang' sa paningin mo Kat. Yiheeee!"

"Sira ka talaga!"

Totoo naman ang sinabi ni Sars. Gwapo naman si Jake.

"Good evening everyone....."

Narinig naming sabi ng isang lalaki sa microphone.

"Magsisimula na Sars, alis na ko."

"Kat, mag-stay ka na."

"'Di na. Kaya niyo na ni Rics 'to. Parating na 'yon don't worry."

"Aalis ka na agad-agad Kat?"

"Sars.... Alam mo naman...."

"Okay, sige. Kung hindi na kita mapipilit. Mag-ingat ka", sabi sa akin ni Sarah.

"Thank you. Magtext ka kung may problem ha", pagpapaalam ko, "Ingat mamaya pauwi."

----------------------------------------------------------------

[Jake's POV]

Galing ako sa labas dahil inutusan ako ni Luigi na kunin ang USB drive niya kung saan meron daw siyang naka-save na mga photos nila ni Laureen.

Papasok na sana ako ng makasalubong ko naman si Kat na palabas ng event hall.

Nag-alinlangan akong ngumiti at binalak ko pang mag-iba ng daan pero, nauna na siyang ngumiti ng bahagya kaya ngumiti din ako sa kanya.

Nilagpasan niya ako pagkatapos noon.

Ewan ko kung bakit, gusto ko sanang tanungin kung aalis na siya pero nahiya ako kaya hinayaan ko lang siyang mawala sa paningin ko.

Inabot ko kay Charm ang USB gaya ng instruction ni Luigi.

Maya-maya pa ay nagfa-flash na ang mga photos nina Laureen at Luigi sa harap habang nagsasalita si Luigi at hinahayag ang pagmamahal niya kay Laureen sa harap ng maraming tao. "I can't wait to spend the rest of my life with you Laureen. My Laureen. My Love. My everything", pagtatapos niya.

Nakita ko si Laureen na nagpupunas ng mga mata niya. Magkaharap silang dalawa. Tinulungan siya ni Luigi na punasan ang mga luha niya.

Ngumiti ako sa ideyang ang tagal-tagal ng magkasama ng dalawang ito pero parang walang nagbago sa kanila. Saglit lang ang ngiti ko, hindi ko alam kung anong mayroon, pero napalingon ako sa isa sa mga entrance sa event hall at nakita si Kat na nakatayo doon. Nagpupunas din ba siya ng luha? Akala ko ay umalis na siya kanina.

-----------------------------------------------------------------------------------------

[Kat's POV]

....My everything....

Kasi naman Kat, sabi ko naman sayo umalis ka na eh. Hindi mo kaya ang ganito. Hindi mo pa din kaya ng hindi naluluha.

Tinanggal ko ang sticker tag ko pagkatapos kong magpunas ng luha at tuluyan ng umalis sa event hall.

----------------------------------------------------------------------------------------

;)

The Right WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon