I courted a heartthrob (Ongoing)

684 11 23
                                    

CHAPTER ONE

"Mahal na mahal kita Hayley."

Totoo ba 'to?

Nakatingin kami sa mata ng isa't isa.. Ang bilis ng tibok ng puso ko.. Nag SLOMO lahat ng nasa paligid namin. Ang lamig ng simoy ng hangin. Ang init ng mga kamay nyang nakahawak sa aking mukha.

Para kaming nasa teleserye. Yung tipong, ending na.

"Mahal na mahal din kita Cade."

Tapos eto na yung scene na parang umiikot sa aming dalawa yung camera. Totoo pala yung butterflies in tummy pag kinikilig, maiihi na ko. Grabe!!

-

"HOOOOOOOOOOY! MISS HAYLEY ATHENA WALTER, FOR YOUR INFORMATION RECESS NA, KAYA GUMISING KA NA PWEDE?!"

"GISING NAAAAAAAAA!"

"Haa? anoo?" Papikit pikit kong tanong.

WHAAAAAT?! It was only just a dream? No! This can't beeeee! Napaupo ako ng maayos at hinawi ang buhok kong nakaharang sa aking mukha.

"Hindi pwede 'to! Waaaaaaah! Panaginip lang yon? Chay! Hindi pwedeeee! Sabihin mo sakin na hindi panaginip yon! Sabihin mo! Sabihin mo!!"

"sasampalin na kita! Panaginip lang." pagalit pero mahinahon nyang sagot.

"Panaginip nga lang." Huminahon na ko.

"Alam mo bang nasayang na yung 3 minutes ng recess natin dahil sa pag gising ko sayo?" Galit na tuloy si Chay.

Di ko matanggap. Sadnu. Mahal daw ako ni Cade.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan Chay!" Lumabas na kami ng pinto para pumuntang canteen.

"Ano bang hindi ko naiintindihan? Yung math? Oo. Di ko na talaga maiintindihan yon. Ikaw nga tinulugan mo eh."

"Hindi yon! Ano ka ba!! Napanaginipan ko na yung taong mamahalin ko habang buhaaaay!" Niyakap ko si Chay. Hihi!

Haba ng pila sa canteen. Sabay sabay kasi nagrecess lahat ng year levels e. Nag daldalan una kami ni Chay.

"Baliw ka na ba Hayley? Habang Buhay? Walang ganon bes. Pero sino ba yang MAN IN YOUR DREAMS?" Kahit kelan talaga! ang bitter nya. Hindi ko nga alam pano kami naging magbestfriends, ako 'tong naniniwala sa forever, na may happy ending, na masaya ang may lovelife..sya naman 'tong bitter na bitter.

Lumapit ako sa tenga nya, para ibulong...

"si Cade. Shhh!"

"SI CA---?!" tinakpan ko yung bibig nya. Pagpigil ko sa kanya.

"Para san pa't binulong ko kung isisigaw mo lang rin pala? Sana ako na lang sumigaw non, ayokong mapagod ka"

Natigil ang pag uusap namin nung kami na ay oorder.

"One carbonara at mineral water po." order ko.

"Hotdog sandwich and coke please." Order ni Chay.

Humanap na kami ng mauupan para makakain. Hay ang daming tao

"alam mo kasi Chay, bago ako matulog nung MATH time. Sabi ko sa sarili ko, kung sino man yung mapapanaginipan ko, sya na yung mamahalin ko FOREVER!"

"Wow. FOREVER? Big Word! Ingat, baka mabiktima ka. Buti di mo napanaginipan yung janitor natin! Hahahahahahahahaahah!" Wala na kong pake kung mabiktima ako ng Forever na yan! Nang asar pa si Chay, buset. Pero buti ngang hindi yung janitor napanaginipan ko.

"Bakit ba? Ganito kasi yon, Para kaming nasa ending na ng isang teleserye. Grabe. Hawak nga yung pisngi ko. Nakatingin kami sa mata ng isa't isa. Mabagal ang kilos ng nasa paligid namin. At higit sa lahat, binanggit nya ang mga salitang "Mahal na mahal kita Hayley" tapos, narinig ko yung tibok ng puso ko. Ang bilis bilis pa. Grabe Chay!"

"Pagi-pag-ibig ka dyan! Kumain ka muna pwede? Di mo pa nagagalaw yang pagkain mo oh!"

 Sinunod ko sya, kumain naman ako.

"Ayyyyyy! Bakit mo kinuwento yung napanaginipan mo? Sabi nga nila, hindi daw natutuloy o mangyayari ang isang panaginip pag kinuwento!"

Napatakip ako ng bibig. Weh?! Totoo ba yon ha? Wag naman! Feel na feel ko na talaga! Cade is harthart hahahahahahahahaha

"Wala kong pake.. liligawan ko na siya!" Pagkontra ko sa pamahiin nya.

SINAMPAL NYA AKO.


"ARAAAAAY!!" Ang lakas ng sampal nya, bakit ganon

"Bahala ka na bes ha? Support na lang ako sa mga ka-aningan mo sa buhay. Di ko na kinakaya eh. Nung una, Nabunggo mo si Chris sa may gate, bumagal kamo lahat ng nasa paligid nyo. Eto pa! Nung nakaraang Linggo lang, bumagsak yung mga gamit mo sa locker, tapos pinulot ni Mark, sabi mo "Sya na talaga Bes!" kasi ang bilis bilis kamo ng tibok ng puso mo di ba. Oh? anyare? Anyare sa kanila? Nganga! Lagi na lang bumibilis tibok nyan!" tumuro sya sa may puso ko "di kaya may sakit ka sa puso?"

*the bell rings* Tapos na recess.

"Bes naman.." malungkot kong sabi "Last na talaga 'to. Liligawan ko na si Cade. Pag binusted nya ang puso kong nagmamahal, titigil na ko. Promise bes!" raising my right hand na sign as promise.

"Oo na. Ano pa bang magagawa ko di ba? Kahit magmumuka kang tanga, basta dun ka masaya. Babae manliligaw?! Support lang ako bes! Sige, loveyou!"

"Loveyou too!" Hinug ko sya. Clingy bestie

"tara na sa room bes."

Paano ko liligawan ang isang lalaking gwapo, basketball player, tinitilian ng kahit na sino, mayaman, madating, heartthrob dito sa school na 'to...

I courted a heartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon