EXTRA story: New Revelations

126K 2.2K 99
                                    

EXTRA story: New Revelations

 

            ILANG buwan na rin ang nakakalipas ng may mangyaring masama kay Kissa and he saw how devastated Kirra is. Kaya hindi na muna nila itinuloy ang kasal nila ayaw din niyang pilitin ito dahil alam niya kung gaano ito nasaktan. Pero may mas kilala akong isang tao ang nasasaktan ngayon and that’s no one else but Kissa’s husband---Pierce.

            Nawala ang supposedly twins nila maisip lang niya na may mangyayaring masama kay Kirra baka siya na mismo ang pumatay sa sarili niya. And what’s worst? Nagkaamnesia si Kissa at isa sa mga nakalimutan nito ay si Pierce.

            Tiningnan niya ang magkapatid na masayang nag-uusap sa di kalayuan they are shooting for their pre-nuptial photos. Nagpapahinga lang siya sa ilalim ng puno habang kinukuhanan ng mga solo shots si Kirra. Their wedding is few days from now at wala ng mas eexcited pa sa kanya.

            “Uy, tingin ka ng tingin kay Kirra baka magsawa ka sa kanya.” singit ng kaibigan ni Kirra na si Summer. Nakilala na rin niya ang ibang mga kaibigan nito and he also knew na Malaki ang naitulong nito upang baguhin ang isip ng fiancé niya ngayon. Ito din ang madalas na nakikita niyang kasama ni Kirra noon.

            “Cant get over her.” Nakangiting wika niya pero nakatitig naman sa babaeng mahal.

            “Ay sus, can’t get over pa raw. Nang-iinggit ka lang naman.”

            Napatawa siya ng biglang lumakas ang hangin at linipad ang suot nitong sombrero. Nakasimangot si Kirra na hinahabol ang sombrero.

            “Isn’t she lovely?” he uttered.

            Narinig niyang tumawa ito ng malakas. “Iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig ano president? Huwag mong saktan ang kaibigan ko ha kahit na palaging nakangiti iyan at ang tapang-tapang pero madali rin iyang masaktan.”

            “I won’t even think about it.”

            “Good, sige pinagkakaloob ko na sa iyo ng buong puso ang kaibigan ko sa ngalan ng mga kaibigan niyang nagmamahal sa kanya. And I swear to God na kapag nasaktan siya mumultuhin talaga kita.”

            Makahulugang ani nito although she is joking.

            “Thanks.”

            “NAKAKAALALA na si Kissa?” ulit niyang tanong sa asawa niya, nasa loob siya ng banyo at naghahanda para sa pag-alis nila. Gusto daw nitong makita ang kapatid nito at ayaw naman niyang pumuntang mag-isa sa Manila kaya sasamahan na niya ito. Yup, they are happily married now and they are doing it step by step.

Royale Series 8: Jailed Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon