Maid Of Honor

907 18 9
                                    

 ~~~~~~~~~Edited~~~~~~~~~~~

MAID OF HONOR

by: ImAfraidToFall

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ate, excited ka na ba?" tanong ko kay ate.

"Ahm, medyo oo na medyo hindi." sagot ni ate habang inaayos ko yung buhok niya kailangan niyang maging maganda para sa kasal niya mamaya.

And guess what, this wedding is a surprise wedding. Actually, fixed marriage para sa company namin to. and di namin kilala yung groom.

Pero sabi ni Papa, gwapo naman daw yung groom, infact hearthrob daw yun sa campus nila kaya lang medyo bad boy raw, lagi napapasabak sa away pero sobrang gwapo daw.

Pero teka, ngayon ko lang napansin, pareho ata ang magiging asawa namin ni ate ah?

Yung boyfriend ko kasi, si Mico, campus hearthrob yun, bad boy, suplado pero napaamo ko. charoot. sakin lang kasi yun nagbago eh. ahh basta. 2 years na kami. at mahal na mahal ko siya sobra,

Pero di ko na ikukwento ang aming napakasweet at napaka-OH-SO-Nakakakilig love story.

Pero dahil sa mahal ko kayo,kahit one Shot story lang to, edi ikukwento ko din sainyo kung pano naging kami. pero summary lang..

Kasi.. Nag laro kami ng truth or dare ng aking napakapilyong mga kaibigan na sina Bree, Dave, Angel, Nicole, Noel, Blad and Precy. Nung tumapat sakin yung bote, di ko naman pwedeng aminin na inlove ako kay Blad noh? kaya sabi ko dare.

Tapos ang dare nila, pa amuhin ko raw ang badboy na gwapings pero suplado ngunit napaka-YUMMY na nilalang sa mundo. joke. sa school lang. At yun ay si

Mico Briones...

Sinimulan ko yun siyempre sa pagpapakilala sakanya. Lahat pick up lines ang ginagamit ko.

Grabe kapag nasa campus, wala na akong pakialam kung pagtinginan nila ako, wala akong pakialam kung pag usapan nila, at wala akong pakialam kung sinisigaw sigawan ako ng gwapo sa unahan ko.

Isang araw, pumick up line ako sakanya..

"Mico! Kutsara ka ba?" hinahabol ko siya, ambilis maglakad. haba ng legs eh. hanggang balikat niya lang ako. pero 5'5 naman height ko noh? what do you expect from a 6 footer guy?

"-____-" as usual. dedma. di ako pinansin, poker face lang. ano ba to? ang gwapo niya. pero mas gwapo si Blad para sakin noh?

Inunahan ko siya. napatigil siya tapos nakakatakot yung glare niya.,

"Kasi, pag lumalapit ka, napapanganga ako eh. *__*" w/ sparkling eyes pa yan

"-____-" dedma ulit. and guess what? binunggo pa ako. Lintik. kung di lang dahil sa dare na yan.

Hello? pag di ko ginawa yung dare, hahalikan ko lips to lips si BLAD. kun sabagay, ayos lang yun, gusto ko naman eh. yaks! ano ba? Napaka pervert mo talaga Sabrina!

Oh yeah! sorry kung late ako magpakilala, Sabrina pala name ko. HAHA.

"Huy! kausapin mo naman ako!" hinawakan ko yung sleeves nung polo niya, hinihila hila ko pa.

kina career ko na ang pagiging FEELING CLOSE ko dito. Humarap siya. nakakatakot mukha niya. 

di pa ako nasanay. 3 months nang ganyan yung pagmumukha niyan eh. 3 months ko na yang sinusuyo. mag fofour months na. haha Grabe na paghihirap ko...

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon