Part II of Chapter One:

31 1 2
                                    

Hindi ako makaimik. Nginitian lang ako ni Andrew at pinisil niya ang ilong ko.

 “Ano ba yan?! Alam mo namang sensitive ilong ko e.”

Ngumiti siya, “Matangos lang ilong mo ganyan ka na a?”

Kinuha ko na lang piattos ko. Nakakainis naman ‘to. Sinundo lang ako para mang-asar.

“Ang taray mo naman honey.” Napatingin ako sa sinabi niya. Hindi niya kasi ako tinatawag na honey sa personal.

*Hachooooooo*

Tinawanan pa niya ko. “Kung mang-aasar ka lang ‘wag mo na kong samahan ANDREW,” inis kong sabi.

“Sorry Les.” Pagtingin ko, seryoso mukha niya. Bigla kong naalang hindi kame magkaayos. Hindi ko tuloy alam kung para saan ‘yung sorry niya, kung para sa hindi niya pagpaparamdam o dahil sa pang-aasar niya. Naguguluhan pa isip ko nang may dumating na jeep. Walang laman. Nagpaalam ako sa kanya at sumakay. Laking gulat ko nang sumakay din siya.

“Bayad po, dalawang estudyante,” sabay abot ng bayad.

“Bakit? Baka pagalitan ka sa inyo ha?” Ito ang unang beses na ihahatid niya ko samen.

Nginitian niya lang ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Kilig na kilig ako at hindi ko maiwasang ngumiti. Paano ba naman, buong biyahe kameng magkaholding hands. First time din kase nameng magholding hands. Andami namang first time ngayong araw na ‘to.

Andito na pala kami. Nagbitaw kami at bumaba ng jeep. Mahaba-habang lakaran pa ‘to.

“Malayo pa ba kayo dito?” sabay hawak ulit sa kamay ko. Namumuro na ‘tong lalaking ‘to ah. Pero kinikilig naman ako.

“Ah, eh, medyo.”

“Papagalitan ka ba Les ‘pag late ka na umuwi?”, tanong niya.

“Hindi naman. Bakit?”

“Baka kasi bagalan mong maglakad para makaholding hands mo ko e,” tukso ni Andrew.

“Ang kapal ng mukha mo. Ikaw ngang kuha ng kuha ng kamay ko tapos ako pa!”

“Biro lang. Pero ang liit pala ng kamay mo. Pero malambot,” sabi niya.

“Bawi-bawi rin. Bolahin mo pa ko.”

Tinawanan niya lang ako. Kanina pa ‘to a. Pero aminin ko man o hindi, sino ba namang aayaw na ka-holding hands si Andrew.

Naglakad kami. Dire-diretso lang naman papunta samen nang biglang lumiko si Andrew.

“Hindi diyan samen.” Nginitian niya na naman ako. Nawi-weirduhan na ko sakanya. Pero sumama na lang ako. Baka may kakilala siya dito. Ilang minuto pa nakarating na kami sa playground. Oo nga pala, may playground dito.

Binitawan niya kamay ko at umupo sa swing. Sinundan ko siya nang maalala kong hindi pa siya nakakapunta dito.

“Andrew, paano mo alam na may playground dito?” tanong ko sa kanya.

“Les, naaalala mo ba nung first year magkaklase tayo for three days?”

“Oo. Pero hindi ko pa alam pangalan mo nun.” Umupo rin ako sa isa pang swing.

“Ako rin. Pero ikaw lang lagi kong tinitingnan noon. Sobrang torpe ko talaga noon kaya hindi ko matanong kung anong pangalan mo. After ng qualifying exam, nalipat ako. Naisip ko, ang tanga ko.  Mahihirapan na kong makausap ka lalo. Doon ko nakilala si Brent. Sa kanya ko pa nalaman pangalan mo. Alam mo ba binanggit pa niya ‘yun sa adviser ko? Hiyang-hiya ako nun. Pero tuwing dadaan ako sa classroom ninyo, lagi kitang dinudungaw. Gustong-gusto ko ngang mag-cr parati kasi gusto kitang dungawin e. Naalala mo ba ‘yung maingay na kalabog sa pintuan ninyo dati?”

“Hindi e.”

“Tinulak kasi ako ni Brent sa pintuan ninyo,” at may ngiti sa labi niya habang kinukwento niya ‘yun.

“At lagi kitang sinusundan pauwi. Kaya alam ko ‘tong playground na ‘to. Nakikisakay ako kay Brent sa motor niya. Kahit hindi mo ko kilala talaga, ina-assure kong safe kang makakauwi. Kasi mahal kita.”

Tiningnan niya ko. Seryosong-seryoso ang mukha niya. Pero umiwas ako ng tingin. Naluluha na kasi ako sa sinasabi niya. Tumayo siya at lumapit saken. Umupo siya sa harap ko at tiningnan niya ko.

“Huwag kang umiyak. Hindi naman ako makikipaghiwalay Honey,” nakangiti siya saken.

“Hindi ako umiiyak. Napuwing ako ‘pag lapit mo sa ken,” nagsinungaling pa ko.

Lumuhod siya sa harap ko. May kinuha siya sa bulsa.

“Les, alam ko nag-away tayo. Na-realize ko na ang babaw lang ng pinag-awayan natin. Andame na nating napagsamahan at ayaw kong masayang lahat ‘yun dahil lang hindi kita nakatabi. Akala ko igi-give up mo na ko nung hindi mo na ko tinetext. Natatakot akong isiping baka iwan mo ko. Pero ngayon, nakita ko kung gaano ka nagstay saken. Gusto kong bawiin lahat ng pagkukulang ko sayo. Kasi mahal na mahal kita. Happy anniversary Honey.”

Kinuha niya ang kamay ko at isiunot ang singsing. Oo nga pala, sa sobrang negative ko nawala sa isip kong anniversary namin.

“Wala kong regalo Ney.”

“Regalo ka na saken Les.”

Napayakap ako sa kanya sa sobra kong tuwa. Naiiyak ako sa tuwa.

“I love you Les,” bulong niya.

“I love you more Andrew.”

At hinagkan niya ko sa noo.

“Tara Honey, hated na kita sa inyo,” at muli kameng naghawak-kamay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love and VengeanceWhere stories live. Discover now