Chapter Fourteen- Self Realizations

304 7 13
                                    

Author's Note:

Weeeeee, sobrang maraming salamat sa mga sumusubaybay dito sa novel kahit pa hindi ko nakakapag-update ng madalas. I'll do my best. Minsan kasi nawawalan ako ng isusulat o kaya ay tinatamad. Sana magustuhan niyo po ang bagong update. Comment naman diyan. Pag may 5 na nagcomment, ilalabas ko na agad ang next update. LOL

Ang arte ko di ba?

Pansin niyo ba na bago ang cover ng book? Awoooo~ 

Modeled by me and the person who inspired this story, dahil akala ko talaga siya iyong nasa harap namin, pero ibang tao pala. Luckily, hindi nangyari ang eksenang ginawa ni Princess. Anyways, enjoy!

Add niyo ako sa FB! :D Search Aki Ryouko or Galium. Iaaccept ko kayo. 

Lablab,

Ryouko <3

---------------------------------- 

Sa wakas, natapos na din ang shoot sa EDSA. Makakapagpalit na din ako pagkatapos naming kumain. Pero iyon lang pala ang akala ko, dahil after naming kumain, sinabi ni Bryce na tutuloy daw kami sa next shoot.

Lagari? Feeling ko tuloy artista na ako na madaming taping kung saan-saan. Tinanong ko siya kung pwedeng magpalit muna ng damit. Sabi niya, hassle daw para sa akin, kasi gagamitin pa namin iyong Alice na costume para sa next shoot.

“Akala ko ba madhatter ang susunod?” Tanong ko sa kanya.

“Madhatter nga. Pero kasama si Alice.” Seryosong sagot lang ni Bryce habang binabrowse ang mga pictures na kinuha niya kanina.

“Gusto ko na kasing magpalit, feeling ko amoy pawis na ako dito sa damit ko.” Ngumuso lang ako at inayos ang wig ko habang ganoon pa rin si Bryce, nagchecheck pa rin ng pictures sa camera.

 “Wag kang mag-alala, di iyan maaamoy sa picture.” Saka sumenyas siya sa waiter para kunin ang bill namin.

Kinapa ko sa bulsa ng damit ko ang pitaka ko, pero wala doon. Wala din ang cellphone ko, naiwan ko lahat sa kotse.

“Ay Bryce, naiwan ko kasi iyong pera ko sa bag ko. Bayaran ko na lang mamaya ha.”

“Don’t worry, my treat. Para sa pagpapaaraw ko sa iyo sa EDSA.” Ngumiti lang si Bryce at inabot ang bayad sa waiter.

“May gusto ka pang kainin? Dessert? Ice cream? Gusto mo DQ?” Tanong ni Bryce habang nakatitig sa mukha ko.

“Busog na ako, gusto ko lang ata ng Krushers na halo-halo. Namimiss ko na.” 

“Tara, bili tayong krushers.” Pagkakuha ng sukli ay tumayo na si Bryce at kinuha ang camera niya sa mesa. Inalalayan niya akong tumayo at hawak ang siko ko, sabay kaming lumabas ng Max.

Tinahak namin ang daan papuntang KFC, hawak pa rin ni Bryce ang kamay ko, pero this time iyong wrist ko na ang hawak niya. Nababagalan siguro siyang lumakad sa akin, kaya karay-karay niya ako habang papunta ng KFC.

Suot pa rin pala ni Bryce ang tophat, mukha kaming wirdong magpartner na naglalakad sa mall. Partner? LOL Natawa na lang ako sa naisip ko, natatawa din ako sa mga mukha ng taong nakakasalubong ko. Lahat sila napapalingon sa amin. Kaya naman ginagawa ko, nginingitian ko silang lahat.

Umakyat kami sa escalator at ganoon pa rin, lahat ng pababang mga tao, panay ang tingin sa amin. Kung nakakalusaw ang titig, kanina pa ako lusaw. Baka di na ako makarating sa 4th floor.

Pag-akyat pa namin ng susunod na floor, may nakasalubong kaming magboyfriend na sweet na sweet sa isa’t isa na pababa ng escalator. Naulinigan ko ang sinabi ng babae sa boyfriend niya. 

Otaku Lab- LabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon