Untitled..

24 0 0
                                    

Chapter 1

        Nasa kuwarto niya si Jhennicah na hanggang ngayon ay nakadapa pa rin sa kama niya at nakatingin sa kanyang alarm clock niyang kari-ring lang. Ala-sais na ng umaga ngunit hindi pa siya bumabangon, habang ang kanyang roommate na si Kym Angealie aka Kylie ay gising na at nakapaghanda na ng almusal nila.

Si Kylie ay kaibigan na niya noong nasa kolehiyo sila. Naging magkaklase slia noon. At dahil mas matanda ito kaysa sa kanya, parang ate na rin ang turing niya rito. Madalas nga rin silang mapagkamalang magkapatid dahil lagi silang magkasama. Halos parehong-pareho rin ang ugali nilang dalawa. Sa isang bagay lang sila nagkakaiba. Pala-kaibigan ito. Siya naman, may pagka-anti-social.

"Jhennairah," anito nang kumatok at pumasok sa kanyang silid. "Bumangon ka na riyan at kumain ng almusal. Maliligo na ako kaya mauna ka nang kumain," dagdag nito saka kinuha ang suklay nito na hiniram niya kahapon.

"Opo," tinatamad na sagot niya. "'Eto na nga po," aniya saka bumangon nang panlakihan siya nito ng mga mata. "Wait, what is today's event?"

"The owner of Coffee Paradise will check on our branch today. Just that," sarkastikong sagot nito.

Ang Coffee Paradise ay isa sa pinakasikat na coffee shop and restaurant sa Pinas. Kilala at sikat ito dahil sa kakaibang sarap ng kape doon. Kilala rin ito sa kalidad ng kape dahil ang kape sa Coffee Paradise ay puro. At isa pa, dahil sa lalaking nagpapatakbo at nagmamay-ari niyon, si Kitsuno Hirumi. Isa sa mga may pinakamalalaking lupaing sakahan ng kape at isa rin sa pinakamalaking personalidad sa bansa. Ngunit dahil sa karamdaman nito ay ang anak nito pansamantalang hahawak ng responsibilidad nito sa trabaho. Hanggang ngayon rin ay hindi pa nito ipinapaalam ang pangalan nito. Bakit kaya?

"Sana naman ay kasim-bait ni Sir Kitsuno ang magtse-tsek sa atin ngayon"

"Magdasal ka at mag-ingat sa mga sasabihin mo sa mga kausap mo. 'Di natin alam, baka iyon na ang anak ni Sir Kitsuno."

"Sabi ko nga," sambit niya nang mawala na sa harap ang kausap. Pagkatapos mag-ayos sa sariling kuwarto ay dumiretso siya sa kusina. "May bisita rin pala iyon kaya naligo muna. Siguro, biglaan ang pagsulpot ng boyfriend ng babae na iyon. Hmm.." sabi niya sa sarili nang may mamataan siyang isang lalaking nakaupo sa isang upuan sa kusina nang palapit na siya roon.

Marahil ay naramdaman nito ang kanyang presensiya kaya nilingon siya nito at tumayo. "Hi! You must be Kylie's friend and roommate here. I'm Janruo Shiruka. You can call me Jan-jan for short," pagpapakilala nito saka inilahad ang isang kamay sa kanya.

"Hmm..." sambit niya nang bawiin niya ang kamay mula rito. Guwapo ito ngunit wala na namang bago sa kanya kung may guwapo man siyang makita dahil marami na siyang nakitang ganoon. Medyo nasasanay na siya sa ganoon. "So, you're Kylie's what?....,"  tanong niya rito nang maupo na uli ito. Nanatili siyang nakatayo.

"Boyfriend."

"Hmm..." sabi na lang niya at saka hinarap ang refigerator. Kinuha niya roon ang gatas saka nagsalin sa isang baso at kumuha rin siya ng tinapay sa ibabaw ng ref matapos ibalik sa loob ang gatas. Ilang minuto rin silang nakapag-usap ng boyfriend ng kanyang kaibigan nang lumabas ito mula sa kuwarto nito na naka-uniporme na. "Maiwan ko na kayo," pagpapaalam niya sa mga ito saka naglakad patungo sa kuwarto niya.

Pagpasok niya sa kanyang silid ay narinig niya ang tunog ng kanyang cellphone. Nang kunin niya iyon sa side table  ay gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Si Jhenrich ang tumatawag sa kanya. Ang kanyang dakilang kakambal. "Hello," bati agad niya nang sagutin ang tawag.

"Sugar cupcake, kumusta ka na?" tanong agad nito sa nag-aalalang boses.

"Okay lang ako rito, sweetie pie." Nakasanayan na nila ang tawagang iyon dahil iyon ang mga paborito nilang matatamis na pagkain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untitled..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon