Chapter 1

22.8K 287 10
                                    

Chapter 1 



"Sabihin mo sa kaibigan ko na pupunta ako diyan mamaya, Jull." Sabi ni Red na kaibigan ni Mike sa kabilang linya.

"I will, Red. Bye," matipid kong sagot kay Red at napangiwi na lang ako. Tell his friend. The hell with his friend!

Kararating ko lang sa opisina nang tumawag si Red sa akin. Natagalan ako sa pag-gising kanina dahil may inayos pa akong report kagabi. At eto ako ngayon, medyo late.

I walked towards his office. Napalunok ako at dahan-dahang huminga.

Napabitin sa ere ang kamay kong kakatok sana sa pintuan nang makarinig ako ng ungol sa loob ng opisina niya. Napalunok ako at dahan-dahang huminga. Pangatlong beses na ito a. Napailing na lang ako. Why am I even counting?

Ang aga naman ata niyang magtrabaho ng iba. I smiled fakery.

Hindi ko dapat isipin ang bagay na iyan. Nandito ako para magtrabaho at gagawin ko ang trabahong ito.

Ipinagpatuloy ko ang pagkatok saka ko binuksan. Hindi ko na hinintay na sabihin pa niyang 'pasok'. Para saan pa? Eh, mukhang hindi naman nila ako maririnig kasi busy sila.

"Ano ba? Bakit basta-basta ka na lang pumapasok? Don't you know how to knock?"

And here's what I am talking about. Hindi nga niya narinig ang pagkatok ko. Just like what I imagined. Oh great my ass! Gusto kong tumalikod pero it's too late dahil nakita ko na. Napabuntong-hininga na lang ako at napalunok nang makita ko ang babae na nakaupo sa hita niya.

Pareho silang nakatingin sa akin na para akong pinapatay sa titig. Napataas ang kilay ko nang makita ang mukha ng babae. Wala itong bahid ng pagkasira o ano. Sobrang linis na para ng wala silang ginawa kundi magdasal lang at maglandian. Akala ko pa naman makakakita ako ng mukhang may nagkakalat na lipstick at buhok na ginulo ng hangin. Ano kaya'ng ginawa nila? Nag-usap lang? Nakakapagtataka naman.

Oh well, too much for my observation. I can sense fire already glowing in our stares.

"Sorry, Sir, but I am here to inform you that Red will be here later." I said while giving him a lousy smile. Dinaanan ko lang ng tingin ang babae na hindi ako sigurado kung pinasabog ba sa kamatis ang pisnge niya o madami lang talaga siyang lipstick at wala na siyang ibang mapaglagyan kundi sa pinsge na lang niya sa sobrang pula.  

"So?" sagot ni Mike na mas ikinataas ng kilay ko. Sobrang papipigil ang ginawa ko kahit na gustung-gusto ko nang ibato ang dala kong folder sa kanila. Palihim ko na lang na ikinuyom ang aking mga palad sa pagpipigil.

"As I said, I'm just here to inform you." Dahil na din sa masamang titig niyang ipinakita sa akin, napairap na lang ako at saka ko sinarado ulit ang pinto. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko at naisara ko iyon ng maayos.

"Bitch!" narinig ko pang sigaw ng babae sa loob.

Gusto ko sanang bumalik at pagsabihan ang babae na hindi ako bitch kasi hindi naman ako babaeng aso katulad niya. Pero bumalik sa isipan ko ang pagiging professional ko and I will never go down to her level.

 Funny how people call names to other people when infact the names they named were best describe if they throw it to their selves. 

We have different lives and I am just going to mind my life today. Whatever may occur later, well, I can negotiate with that which I am really good at.

Ikinalma ko na lang ang sarili ko at saka pumunta sa aking pwesto. Laging ganito ang eksena namin simula nung araw na ipinagtrabaho niya ako dito at naging mailap na kami sa isa't isa nang sabihin niya sa aking huwag ko na siyang pakialaman. And I learned the hardest way bago ko natutunan iyon.

Not Your Ordinary Jullian (Ruptured Series #1)Where stories live. Discover now