(6_6) BOYS meet GIRLS (n_n) by Pao

10.8K 125 161
                                    

Prologue

Niyel's POV

Ako si Daniela Dominguez...

Tawag sakin ng mga friends ko ay Niyel. Isa akong senior student sa isang all girl's school. Ngayong araw na ito ang first day ng school year at ngayon rin ay iwewelcome ko ang mga magiging schoolmate ko na lalaki for this school year. Ok you might be wondering why on earth I'm welcoming boys in our school. Well kagagawan kasi ito ng may-ari ng school namin. Ang Mary's All-Girl's School ay pagmamay-ari ng pamilyang Aviolles. Sila rin ang may-ari ng Joseph's All-Boys School na mga 5 buildings 'lang' ang layo samin.

Dahil sa kakaunti na lamang ang mga parents na gustong papasukin ang kanilang mga anak sa isang exclusive school for boys or girls at puro Co-ed na ang mga schools ngayon ay naisipan ng mga Aviolles na pagsamahin na lamang ang 2 school. Binili na nila ang 5 building na pumapagitan sa  2 school para magawang isang campus na lang ang 2 school. Pero dahil sa protesta ng ibang parents at estudyante na kasalukuyang pumapasok sa school namin ay pangkasalukuyang hininto ang plano. Napagkasunduan sa last school year's parents meeting na magkakaroon muna ng isang experiment. Magpapadala sa amin ng 10 boys mula sa kabilang school at magstay sila dito sa school namin this whole school year. Kung magiging maayos ang kinalabasan ng experiment ay itutulong ang pagmemerge ng 2 schools. Kaya nga heto ako nakatayo sa entrance lobby ng school namin at hindi nakaattend ng unang homeroom namin.

Bakit ba kasi kabilang pa ako sa piling estudyante na magwewelcome sa kanila. Sa totoo lang hindi naman talaga dapat ako nandito. Kasalanan kasi ng madaldal kong bunganga last school year.   :-X  :-[

>>flashback

Miss Gonzaga: (pinaliwanag ang planong pagmemerge ng 2 school) Kaya next school year ay may dadating ditong boys para mag-aral kasama nyo. Hindi ba't maganda ang naisipan ng mga may-ari na pagsamahin na lang ang 2 schools. Hindi na kasi uso ngayon ang mga exlusive schools.

Nainis ako dahil hindi naman ako sumasang-ayon sa mga sinabi nya. Kaya naman hindi ko sinasadyang mapasimangot ng husto at masabi ng malakas ang bulong ko sa sarili ko..

Niyel: Sus tama ba naman yun, makikiuso?

Miss Gonzaga: Miss Dominguez, may sinasabi ka??

Niyel: Miss wala po.  :-X

Miss Gonzaga: Hindi eh, may narinig akong sinasabi mo. Baka gusto mong ishare sa buong klase ang mga sinasabi mo sa sarili mo.

Niyel: Ok Miss. Naisip ko lang naman po na kailangan po ba talaga tayong makiuso? Para sa akin ay hindi basehan ang uso sa pagsukat ng kredibilidad ng isang paaralan. Naniniwala rin ako na ang pagiging exclusive ng 2 school ay isa sa mga bagay na nakaka-atrract sa mga tao. Sa tingin nyo po ba ay mas mapapansin tayo kung tayo ay co-ed na rin? Sa akin ko po kasi ay mas lalong hindi. Mas nakilala tayo sa pagiging exclusive natin for almost a hundred years na at sa pagigigng magandang school. Marahil ay hindi ang pagiging exclusive ang problema kaya't mas kakaunti na ang pumapasok dito. Mayroon pa pong ibang anggolo na maaaring tingnan na maaaring sanhi ng problema kaysa sa pagiging exclusive.

Miss Gonzaga: tulad ng??

Niyel: Umm.  ??? Tulad po ng pagtuturo?

Biglang sumama noon ang mukha ni Miss Gonzaga. Oppss. Mali pala ang example ko. Oh-oww.

Miss Gonzaga: Ahh. So ibig mong sbihin ay hindi maganda ang pagtuturo ditto kaya't kumakaunti na ang mga nag-eenrol.

Niyel: No Miss hindi po yun an gusto kong sabihin.

Miss Gonzaga: Hindi Daniela. Naintindihan ko naman ang mensaheng gusto mong iparating. Hindi ka nagagalingan sa turo ng mga teachers dito. Nga pala class, since pinapapili ako ng ating principal ng 2 representative mula sa klaseng ito at since alam ko namang mas masisisyahan si Miss Daniela kung iwewelcome nya ang mga ka-exclusive school nya kaysa sa makinig sa mahinang pagtuturo ng teacher sa first day ng school year ay sya na lang ang isa sa mga magwewelcome. At Miss Dominguez.. :o

(6_6) BOYS meet GIRLS (n_n) by PaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon