My Stalker...is a GHOST? (short story)

396 8 0
                                    

"meow meow"

"wala ka na namang pagkain? teka lang, ha. hintayin mo ko. babalik ako"

Ako nga pala si Misa. ordinaryong babae na nakapagtapos ng nursing at kasalukuyang naghahanap ng trabaho

papunta na ako ngayon sa isang convenience store para bilhan ng gatas yung pusa. araw-araw ko kasi syang nadadaanan at lagi siyang gutom. hindi ko nga alam kung bakit ayaw umalis ng pusa dun. wala na ngang nagpapakain sa kanya, andun pa rin siya. ayaw niyang gamitin ang instinct niya para umalis na dun. buti na lang at napapakain ko siya sa twing dumadaan ako dito.

nawala ako sa iniisip ko ng may narinig akong malakas na busina. nakabili na pala ako ng gatas at tumatawid na, hindi ko pa rin namamalayan. yung pusa kasi ang nasa isip ko, eh. nawala yung isip ko sa ginagawa ko

pagkapunta ko sa may pusa, nilabas ko ang lalagyan na binili ko para sa kanya at nilagay ko na yung gatas

"masarap ba?"

"meow meow"

"i'll take that as a yes"

nawala na naman ang atensyon ko sa pusa ng may bigla akong narinig na sigawan ng mga tao

"ano kaya meron dun?"

sinilip ko ang pinagkakaguluhan nila at nakita ko ang isang tao na nakadapa sa lapag

"okay ka lang ba?"

hindi siya sumasagot. maya-maya pa, may lumabas na dugo mula sa kanyang ulo

"bilis. tumawag kayo ng ambulansya. registered nurse po ako kaya bibigyan ko muna sya ng fist aid. please lang po, tumawag kayo ng ambulansya"

"sige"

nakita ko ang mga tao na pursigidong tulungan yung lalaki

nilabas ko na yung mga gamit na kailangan para magamot ko siya

buti na lang at may dala akong oxygen pump at ginamit ko yun sa kanya

di ko sya magalaw agad kasi baka mas lumala pa ang sitwasyon niya

maya-maya pa, narinig ko na ang ambulansya kaya naman umatras na ang mga tao para magbigay daan

"kuya, dito po"

"anong nangyari sa kanya?"

"na-hit-and-run po"

"binigyan mo na ba siya ng first aid?"

"opo"

"kaano-ano ka ba niya?"

"wala po. registered nurse po ako na napadaan lang dito"

"ah ganun ba? nasan ang pamilya niya?"

"di ko lang po alam"

"sige. maraming salamat, iha"

"wala pong anuman"

umalis na ang ambulansya kaya naman umalis na rin ako

pagka-uwi ko sa bahay, may nakita akong lalaki na nasa sala

"paano ka nakapasok dito?"

pagtingin niya, parang kilala ko siya o parang nakita ko na siya pero di ko maalala

"nakabukas kasi yung pintuan, eh. kaya pumasok na lang ako"

"pero, hindi naman nakabukas yung pinto, ah"

"di mo ba ako namumukaan?"

"hindi ko nga maalala kung san tayo nagkita, eh"

"kanina lang, ako yung tinulungan mo"

My Stalker...is a GHOST? (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon