May Hangganan ang Iyong Pag-iisa

1.4K 70 55
                                    

Para kay Keks

Mag-isa sa kabila ng di mabilang na tao

Walang kasama maliban sa anino mo

Malayo man ang daigdig ko sa iyong mundo,

Nararamdaman ko rin ang mga paghihirap mo

Mapagpanggap ang iyong mga ngiti

Hindi ko masukat ang nararamdaman mong pighati

Nais kong lumigaya ang puso mong sawi

At bumalik ang saya sayong labi

Kung may magagawa lang sana ko upang mapasaya ka

Kung makakasama lang sana kita upang damayan ka

Nais kong titigan ang iyong mga mata

At sabihin sayong "hindi ka nag-iisa"

Ang gusto mo lang naman ay may makasama

Taong sayo ay magpapasaya

Hindi man ako ang solusyon sa iyong problema

Dalangin ko pa rin na magkaroon ng hangganan ang iyong pag-iisa

May Hangganan ang Iyong Pag-iisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon