Chapter 3

10K 292 156
                                    

Nag-sleep over si Denny sa bahay kaya ang ending sabay kaming tatlo papasok ng school. It takes twenty minutes at most to walk from Grandpa's house to Ravenwood High.

"Wow bagay sayo yun uniform namin," pagpuri ni Denny kay Dash.

Napakamot na lang ng ulo ang binata at mahiyain na ngumiti habang nakatitig sa sahig. Kagabi lang nakarating si Dash sa bahay namin subalit ay kinabukasan ay sinabak na agad siya sa unang araw ng pagiging estudyante ng Ravenwood High.

"What do you think?" tanong niya sa akin.

Tinaas ko ang akin mga kilay at tinuro ang sarili. Ako ba ang kausap niya?

"May crush ka ba sa Bessy ko?" pang-aasar ni Denny. Iniwas ni Dash ang tingin niya sa amin dalawa subalit nahuli ko ang pag kulay rosas ng kanyang mga pisngi.

"Sobrang hiyain mo naman," sabi ni Denny habang hinampas ang likod nito.

"Kawawa naman si Dash, hayaan mo muna siya mag-adjust," sabi ko kay Denny upang tantanan ang nananahimik na binata. After all he's our guest baka pagalitan ako ni Grandpa kung pababayaan ko si Dash umuwi ng maraming pasa dahil sa pambubugbog ng aking best friend.

"Sige," tugon ni Denny.

"Hindi ko na masyado asarin si Dash," dagdag ng best friend ko at nag gesture ng pledge sign kahit nakatalikod si Dash.

"Bilisan natin yun paglalakad natin baka ma-late tayo sa first class," pagpapa-alala ko sa kanila subalit hindi kumibo si Denny at tinitigan lang ang ulo ni Dash.

Itinuro ni Bessy ang buhok ng binata, "Labag sa school rules yung lagpas tenga na haba at asul na buhok ni Dash. Papasukin kaya siya sa klase?"

"Wala naman kinalaman yun kulay ng buhok ko sa pag-aaral," sabi ni Dash.

"Teka, kalma," sabi ni Denny habang itinaas parehas ng kamay niya upang ipaalala sa binata na hindi sila yun magkalaban.

"Concern lang naman ako at baka hindi ka makapasok sa school," dagdag ng best friend ko.

Mahigpit ang patakaran sa amin school lalo na sa dress code. Pinagbabawalan ang lalaki magsuot ng mga hikaw, at pinagbabawalan naman ang mga babae magsuot ng magarbong accessories. May kailangan kaming sunurin standard sa sukat ng amin uniform. Napaka-limitado ang approved na estilo, haba, at kulay ng buhok namin.

Subalit nagkakaroon naman kami ng kalayaan upang express ang sarili tuwing last Wednesday of the month o mas kilala sa tawag na Washday Wednesday.

Nakarating na kami sa harap ng school gate at tulad ng pangamba ni Denny ay hinarangan kami ng guard. Akma na akong iimik subalit pinakita lang ni Dash yun kanyang ID at pinayagan siyang pumasok sa loob.

"Teka Kuya ang unfair naman pinapasok mo yun may kulay ang buhok," reklamo ni Denny, agad ko naman tinakluban yun bibig niya at hinila papasok sa loob.

Nang makalayo na kami mula sa security ay binitawan ko ang pagkakahawak sa bibig ng akin best friend. Tinitigan ko ang mukha ni Denny ang kanyang morenang balat ay namumutla at nagkulay abo. Imbis na bibig ang akin takpan ay aksidente kong naharangan yun kanyang ilong.

Huminga ng malalim si Bessy bago magsalita, "Papatayin mo ba ako Mihan?"

"Bessy kanina lang concern kang baka hindi makapasok sa school si Dash pero bakit ngayon nilaglag mo siya?" tanong ko sa kanya.

"Na-inggit lang ako kay Dash," sabi ni Denny habang nag-peace sign. Minsan talaga lumuluwag yun turnilyo nito sa utak pero mahal ko parin yun best friend ko.

"Hindi ako pinapasok ng guard kasi kinulot ko ang aking buhok ko," pangangatwiran niya.

Napatitig ako kay Dash at hindi maiiwasan magtanong out of curiosity, "Paano ka nakapasok sa loob ng campus?"

Everything At OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon