Lagi naman eh (One shot)

3.5K 99 72
                                    

Lagi naman eh | BlueGreenfinite

Her Narration: 

"Alin mas magandang poster? Kay Castro o kay Sanchez?"


Napatigil ako sa pagsusulat ng notes ko. Narinig ko na naman ang pangalan kong kakabit ng pangalan niya. Gusto kong makinig, pero 'di ko pinahalata.


"Sus, tinatanong pa ba yan? Syempre yung kay Castro noh." Napangiti ako. Sabi na eh.


"Syempre. Shaira Castro yan eh."


"Artist of the year na siya for sure!"


"Ang swerte naman talaga ng mapapangasawa niya. All in one na s'ya."


Compare dito, compare diyan. 'Yan na ang lagi nilang ginagawa. Hindi ba sila nagsasawa? Alam na naman nila kung sino ang pipiliin diba? Pinatong ko ang hawak kong ballpen sa desk ko.. Napatitig ako sa notebook ko habang nakangiti.


Kailangan pa bang i-memorize yan? Shaira. Shaira Castro. Gasgas na yang pangalang yan. Napangisi ako ng wala sa oras at napabulong sa sarili ko. 


"Mas magaling na naman siya kesa sa akin... Lagi naman eh."


Napalunok ako. Nagsisimula na namang bumigat ang pakiramdam ko. Hay. Pa-ulit-ulit na lang pero ganito pa rin ang nararamdaman ko.


Bakit ba kasi 'mas' siya?


Mas maganda, mas mabait, mas matalino...


Bakit ganon?


"Class! Go back to your proper seats and stop making unnecessary noise!" sigaw ng MAPEH teacher namin. Tumahimik naman ang buong klase at nakinig na sa kanya. 


"Okay, you have an art activity that will be by pair and pass that tomorrow. Whatever grade you'll get, that will be recorded as your chapter test. Is it clear?"


"Yes sir," they said in chorus. 


"Abad, stand up. Choose your partner."


Dug. Dug. Dug. Dug. 


Haaay. Drake Abad. Pangalan pa lang niya, ganito na kaagad ang epekto sa akin. Paano pa kaya kung makita ko yung napaka-gwapo niyang mukha? Tapos ang bait niya, gentleman at matalino.. Tatlong taon na pala ang nakakalipas simula nung magkagusto ako sa kanya. Simula pa first year, pinapabilis niya na ang tibok ng puso ko nang ganito... Ganito ko ba talaga siya kagusto?


"Shet. Swerte ni Drake! Magiging partner niya si Shaira!"


"Pipiliin niya yang si Shaira para mataas grade niya! Sure ako."


"Oo. Tama tama. Ang galing kaya ni Shaira."

Lagi naman (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon