Chapter 25: A Not So Dream Date

178 13 4
                                    

You can play the video while reading,  for best results :D hahaha ENJOY! :D

HATENAH's POV

Nung nagbell na para sa aming recess, nagulat ako nang biglang may nagpiring sa mga beautiful eyes ko.

"Sino to? Saan mo ako dadalhin?"- wala akong makita. Puro kadiliman lang talaga. Nagpupumiglas na rin akong tangalin ang piring pero hinahawakan ng kung sinong gago ang kamay ko at tinalian ito.

"Uwaaaa!! Kidnapper!!"- nararamdaman kong inaalalayan niya akong maglakad. Ang ipinagtataka ko eh kung kidnapper to, bakit walang pumipigil sa kanya? Bakit wala man lang akong narinig na, 'wag kang malikot, gigilitan kita'. I really can't stand this anymore!!!

"Kung sino ka man! Maawa ka sa akin! Wag mo akong sasaktan! Marami pa akong pangarap sa buhay! Gusto ko pang magtour around the world!!"

"OA mo! Wag kang maingay diyan baka pagalitan tayo!"

"LUHAN? Anong ginagawa mo? Tinakot mo pa ako!"- Nakilala ko siya sa dahil sa boses niya.

"Dahan-dahan, may hagdan, aakyat tayo."- sabi niya ng mahina malapit sa tenga ko, nakikiliti tuloy ako. (ang harot mo Hatenah.. That's Bad!!) Oo na author behave na ako. (Good dog.) Uy! hindi ako aso!

"Saan ba tayo pupunta Luhan?"

"Basta sa Dream date mo."

"Ha? Dream Date?"- natahimik na ako nang marinig yun. Nalungkot ako kasi akala ko si ken ang gagawa ng Dream Date ko. Pero kahit na sinabi ko lang ang lahat ng yun para hindi niya ituloy, umaasa pa rin naman akong siya ang tutupad. Ewan ko lang kung paano niya gagawin eh, wala naman siyang alam. Ang kinababahala ko eh, baka sinabi lang ni Ken kay Luhan yung about sa Dream Date at ipinubaya na lahat kay Luhan. T.T Pero think positive Hatenah baka si Ken naman talaga at hinihintay ka lang sa taas.

"O ayan last step na lang, dahan-dahan. Ayan Ok na." - sabi niya habang inaalalayan parin ako sa pag-akyat.

"Uhmmm Luhan, tip ko lang ha? Sa susunod, kung pipiringan mo ang isang babae, gumamit ka naman ng mabangong panyo, yung may perfume naman. O kung di mo afford, kahit downy na lang. Ang baho nito eh. "- sabi ko dahil sa kanina ko pa tinitiis ang amoy nito.

"Ay ganun ba? Kasi ginamit ko yan kanina nung pinawisan ako. Dibale tatanggalin ko na rin naman"

Pagtanggal niya sa piring, kumurap-kurap muna ako at medyo blurry ang paningin ko. Puro Blurred Lines lang eh.

"Flowers for you. Bagong pitas ko pa yan sa flower shop."- pitas o kinuha? hahaha... pero binigyan niya ako ng isang red rose na nakangiti pa rin. Alam kong nasa school campus pa rin tong lugar na to. At mukang nasa labas kami ng auditorium ng school, kung hindi ako nagkakamali. Malaki ang lugar kung titignan mo sa labas. Pero mas maluwang kung nasa loob ka. Pero maiba, confirmed, sinabi nga siguro ni Ken kay Luhan, kasi naman kaming dalawa lang ang nakakaalam nun, pati nga ang Zorro and Friends hindi alam eh.

Lady with a BIG BAG 웃❤유Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon