FINAL EPISODE

Magsimula sa umpisa
                                    

 

At sa mga oras nay un,

Napag tanto ko, sa mga oras na yun ang tanging gusto ko lang ay sumaya siya..

SUMAYA SIYA KAHIT SA PILING NG IBA.

Yung dahilan kung bakit umiwas sina Mika sakanya ay para din naman sakanya yun. Dahil ayokong may ilangan na namamagitan sa aming dalawa, lalo na nasa iisang barkada lang kami.

“Okay lang naman daw siya Zach huwag kang mag alala.” Pina kakamusta ko kasi siya lagi kay Xander. Si Mika ayaw niyang kausapin si Jasmine kase daw baka hindi niya mapigilan yung emosyon niya.

“Zach kailangan ba talagang gawin mo toh?” tanong sa akin ni Mika.

“parang pinapatay mo yung sarili mo sa ginagawa mong yan. Ano toh? Nag papanggap kang manhid at nag kukunwaring hindi ka nasasaktan?? Zach, may chance pa na—“ hindi ko na pinatapos yung sinasabi ni mika.

“Hayaan niyo ako. Ang gusto ko sumaya siya. Intindihin niyo nalang ako.”

 

(a/n:nasa may episode 46 tong scene na toh)

*apat na araw bago ang Prom..

Gustong gusto ko siyang lapitan dahil parang may sakit siya.. Kahit hindi niya nakikita, tinitignan ko siya. Pinag mamasdan..

Hanggang sa sumigaw yung si Dumbo ng si Jasmine. Nakita ko siya na naka handusay at walang malay.

“JASMINE! JASMINE!!!” tinapik tapik ko siya sa mukha..

“gumising ka!! Jasmine!!!” anak ka naman ng! Wala akong pake kung sa hagdanan ako bumaba. Sumunod naman si Xander dahil siya ang mag mamaneho.

Agad naman siyang inasikaso sa hospital. Tinawagan ko yung mama niya para may kasama siya dito. Dapat kase maka alis na ako ditto bago paman siya magising. Ayokong maabutan niya ako na nandito ako…

Binilhan ko siya ng Mogu-Mogu nagiging energetic kasi siya pag umiinom siya nun. Ipinaabot ko yun kay Jane at umalis na…

PROM

Nagkasalubong kaming dalawa. At kagaya ng dati… ang ganda ganda niya pa din… Nginitian ko siya, at nginitian niya din ako. Ngiti niya lang solve na ako. Nang maka upo na kami sa table namin kasama ang barkada. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kinakaroonan niya..

 “isasayaw mo ba siya?” tanong sa akin ni Mika.

“hindi ko pa alam.” Sabay buntong hininga.,

“mahal mo paba siya?” ngiti nalang ang naisagot ko.

Tumayo si Xander at tinap niya ang likod ko..

SA MATA NG MGA SINGLE (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon