ϯ ϯ First Encounter ϯ ϯ

137 16 5
                                    

First Encounter: Janine De Bellen

Nasa canteen kami'ng lahat na mga estudyante dahil break time namin. Maingay. Hindi mo mapipigilan na mapatakip ng tenga dahil sa sobrang ingay. Hindi mo na nga makikilala 'kung may teacher pa na nananaway o wala dahil sa halo-halong boses na naririnig mo. Nakakairita.

Hindi ko na nakayanan ang ingay kaya naman sumigaw na ako ng napakalakas.

"Tabi nga sa dadaanan ko!!! Bibili ako at ng maka-alis na sa palengkeng ito!!!"

Nagtabihan namn silang lahat. Psh. Mabuti na lang at sikat ako sa school na 'to. 'kung hindi talaga, matutuyutan ako ng utak dahil sa ingay ng lugar na 'to.

"Nice, Janine. Mabuti na lang makakabili na tayo at makaka-alis dito. PLUS tumahimik pa sila ha?!"

Mayabang at sarcastic na pagpuri sa 'kin ni Lean. Bestfriend ko. Pangalawa sa 'kin sa pagiging TOP1 sa buong skwelahan na ito.

"Hindi nila maaatim na nagagalit ako, Lean, dahil hindi na sila makakakopya sa 'kin ng mga homeworks at hindi ko na sila tuturuan sa mga subjects na hindi nila maintindihan."

Nilakasan ko talaga ang boses ko para hindi na sila makapag-ingay pa habang nakikita pa nila ako. Bakit ba kahit na araw-araw naman na ganito ang buong canteen tuwing break time ay hindi ako masanay? Masyado kasing nakaka-irita ang mga boses ng iba ko'ng mga ka-eskwela. Ang titinis. Ang iba pa parang mga nakalunok ng Mic. Chk.

"I know, right!-- Ate, isang ham and egg nga po at Mogu-Mogu na strawberry and Lycee. Thanks!!"

Libre nanaman. Ito ang gusto ko kay Lean eeh. Lagi na lang ako nililibre ng Mogu-Mogu.

"Here. Lycee mo. And this is mine. Strawberry."

Kitams? Sabi ko na, sa 'kin ang Lycee eeh.

"Thanks, Lean.-- Ms? Salad nga po and tuna sandwich. Thanks."

Matapos namin makuha ang mga binili namin, nagbigay kami ng bayad at dali-daling lumabas ng canteen. Pagka-apak na pagka-apak ko pa lang sa labas ng canteen, as if on cue, lumakas nanaman ang mga usapan sa loob ng canteen. Haysss.

"Anak, bakit hindi ka na lang magtambay sa canteen para laging tahimik?"

'yung janitor ng school namin 'yun. Nagbibiro ata.

"Manong... alam 'nyo naman na parang impyerno sa 'kin ang canteen. Ang daming baboy. Ang tatakaw. Ang ingay-ingay na nga, may mga nambuburaot pa. Ayaw ko. Ayaw ko 'dyan."

"Onga naman manong. You heard her right."

"Ha-ha. Ikaw talagang bata ka. Sige na, enjoy mo na lang ang salad mo at tuna sandwich. Itatapon sa tamang tapunan, ha?"

I rolled my eyes heavenwards at tumalikod na sa kanya.

"As if I don't know where to put my wastes? Ako kaya ang TOP1 sa school na 'to."

And after ko sabihin 'yon, sabay kami tumawa ni Lean.

Nasa loob na kami ng room at may naramdaman akong kakaiba at hindi tama. Nilibot ko ang mga mata ko pero wala naman akong kakaibang napansin. I think pinaglalaruan lang ako ng pakiramdam ko. Well, makakain na nga lang.

Umupo ako sa upuan ko sa 2nd table sa harap ng teacher's table at duon kumain. Ayaw ko kasi na umupo sa unahan o sa hulihan kaya sa pangalawang upuan ako nag-request na umupo. Afterall, kahit saan 'ko naman i-request na umuppo, they know na matututo ako sa lahat ng mga tinuturo ng bawat teacher na papasok sa room namin. And what's good is minsan, 'mas alam ko pa ang itinuturo ng teacher namin kaysa sa kanila.

ᴡᴇᴀᴋɴᴇѕѕ [ву ᴇɴсоᴜɴтᴇʀ ♕ ɢ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon