PROLOUGE

10 1 0
                                    

Chloe's POV

"I love you, Chloe." iniwas ko ang aking tingin sa kanya. Kailangan ko nang gawin ito. Kailangan ko nang makipaghiwalay sa kanya.

"Ayoko na." walang ganang sabi ko kay Aron. Kakatapos lang namin mag date sa Gigi's Restaurant, isang sikat na restau rito sa Manila.

Tiningnan ko si Aron dahil kanina pa siya
hindi nagsasalita. May hawak siyang isang box na maliit, kulay asul ito, ang paborito kong kulay. Nang makita niya na nakatingin ako sa kanya, tinago niya ito sa bulsa ng kanyang tuxedo.

Inalis ko sa aking isip ang kung anong dapat niyang gagawin. Kahit na gustung-gusto ko siyang yakapin at bawiin ang aking sinabi, isinantabi ko iyon. Pinigilan ko ang aking luha sa pagbagsak at nilunok ko ang kung anong nagbabara sa aking lalamunan.

"Can't you hear what I've just said? Ang sabi ko, Ayoko na!" sinigaw ko ito sa kanya. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Nakita ko ang pagtakas ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Tinaasan ko siya ng kilay at nginisian.

"Totoo pala ang sinasabi ng mga kaibigan mo." ani niya. Pumeke ako ng tawa kahit na gusto ko ng umiyak. Tumingin ako sa kanya at lumapit. Sinampal ko siya ng ubod ng lakas.

"So, nagising ka na talaga sa katotohanan?" nginisian ko siya, "Alam mo kung ano ang problema sa'yo? You're too kind, Aron. You're too dumb and you're so stupid! Nandiyan na ang mga ebidensiya pero nagbubulag-bulagan ka pa rin!" sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi ngunit nasalag niya ito ng kanyang kamay.

Tumingin siya sa aking mga mata. Parang niya kong hinihigop gamit ang kanyang titig. Binitawan niya ang aking kamay, "I'm not kind, Chloe. Alam mo kung ano ang problema ko? Nagmahal ako ng sobra sa isang tao na walang puso," nasaktan ako sa kanyang sinabi dahilan kung bakit ko siya sinampal muli. Pinigilan ko ang aking luha upang hindi niya ko makitang nasasaktan.

"You," dinuro ko siya, "I did not love you." Parang sinasaksak ang puso ko sa sobrang sakit na aking nararamdaman. "Kahit ni katiting wala akong naramdaman na pagmamahal sa'yo." Nakita kong pumatak muli ang kanyang mga luha ngunit iniwas ko na ang aking tingin mula sa kanya. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.

"Chloe," tawag niya sa akin, dahilan upang mapahinto ako sa paglalakad, "You're right. I'm so stupid!" humalakhak siya ngunit naramdaman kong malungkot ang tawa na iyon. "I'm so stupid for loving a girl like you. I am so stupid!"

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha at kusa na itong bumuhos. Nanginginig ang aking labi pati na rin ang aking mga tuhod. Pinilit kong maglakad palayo sa lugar na iyon kahit na labis ang sakit na aking nadarama.

Nagawa kong saktan ang isang tao na nagmahal sa akin ng totoo. Sinaktan ko ang nag iisang tao na nakakaintindi sa akin. Sinaktan ko ang lalaking nagturo sa akin kung paano magmahal at kung ano ang pakiramdam ng may nagmamahal sa akin. Parang pinatay ko na rin ang sarili ko dahil sa aking ginawa.

Patuloy lang akong naglalakad at umiiyak. Ngunit, biglang nakisabay ang ulan sa aking pag-iyak. Bumuhos ang malakas na ulan, nanghina ang aking tuhod at tuluyan na akong napa-upo sa daan. Tulala ako at patuloy lang ang pag-agos ng aking mga luha.

I am Chloe. This is me. I can easily break a heart of someone who loves me. I can throw away relationships in just a second. At isang malaking pagkakamali ang magmahal sa isang taong katulad ko. Isang taong bato ang puso at hindi marunong magmahal.

Ngunit, tao pa rin ako. Marunong masaktan at kayang matutong magmahal. And I promise, that this is the last time that I will cry just because of love.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling In Love AgainWhere stories live. Discover now