Tula na kay GULO..

149 1 1
                                    

Torpe bang maituturing?

Kung ang damdamin at soloobin ay inililihim.

Hindi kasi kayang aminin.

Baka sa harapan mo'y himatayin.

Gusto kita hindi lang halata.

Kung isisigaw ko ba'y may mapapala?

Anong laban ko sa kanila?

Magaganda, mapuputi at may ibubuga.

Hanggang tanaw na lang ako sa'yo,

Pagkat hindi kita maabot.

Langit ka, lupa ako.

Galing ko bang humugot?

Ganoon ata talaga pag humahanga!

Paghanga nga lang ba?

Ah...ewan!! kahit ano pa man ito.

Mananatili ito at hindi magbabago.

Kapag nadiskubre ko kung ano,

Wag ka mag-alala ipapaalam ko sayo.

Gagawin ko pang General Information KO.

Sana'y matanggap mo..damdamin ko para sa'yo.

Sadyang traydor ang puso ko.

Akin man ito'y tumitibok naman para sayo.

Hindi ako nagbibiro,

Bumabanat oo.

'Wag kang magalit sa akin.

Hindi ko naman sinasadya ito.

Kusa kasing tumibok ang puso ko.

Ikaw lang ang tangi nitong dalangin.

May isang tanong lang ako,

Sino ba nagmamay-ari ng puso ko..ikaw ba o ako?

Anggulo ko rin ano?

Alangan naman kasing ikaw, edi namatay naman ako.

Inspirasyon ka para sa akin.

Tulad ng isang magandang tanawin.

Talento mo'y sadyang kahanga-hanga.

Lahat kami'y napapanganga.

Sa iyo ata ako'y na-inlove.

Yung imagination ko tuloy sagad.

Pangalan mo pa lang kinikilig na ako.

What more kung magka-apelyido na tayo.

Ang babae daw ay parang Adobo,

Hindi kumpleto pag walang toyo.

Ikaw ba ay nalilito?

Pasensya naman..straight-forward ako.

Pangarap mo nawa'y matupad.

Kasihayan mo aming hangad.

Alagaan mo ang sarili mo.

Wala kasi ako sa tabi mo.

Ano kayang personality mo?

Mahangin ka rin ba gaya ni Neo?

Baka naman sadista ala Lance Mariano?

Kung anu-ano na ang naiisip ko.

Ang tinggin ng iba sa iyo ay perpekto,

Eh hindi ka naman santo.

Ikaw ba ay macho?

Eh bakit ang payat mo?

Ako ay nagbibiro lang naman.

Huwag ka sanang magdamdam.

Isang tawa naman dyan.

O kahit ngumiti ka na lang.

Nung sinabi kong payat ka..hindi kita nilalait.

Tinatago ko lang, aking damdamin.

Kumakawala kasi sa dibdib ko ng pilit.

Maunawaan mo sana ang nais kong iparating.

Ngiti mong kabibighani.

Hatid ay kasiyahan na walang patid.

Kung may lapis akong hawak, tiyak na mabali.

Kung ako'y naglalakad baka mapatid.

Mga larawan mong pampakilig.

Ako ay napa paypay at na nginginig.

Ikaw ba ay nag gy-gym?

Kaya mayroon kang abs na lihim?

Pwede bang bumanat ako sa'yo?

Oo man o hindi.. sasabihin ko pa rin ito.
"Porket ba lumindol, katapusan na?!
Hindi ba pwedeng kinilig lang yung earth.. kasi sinigaw kong Mahal kita."

Hindi ka naman siguro bato?

Kahit papaano sana'y kinilig ka.

Paraan ko lang ito para sumaya ka.

Anong maaari kong gawin para mapansin mo?

Maglumpasay at kunwa'y mahihimatay?

O sisigaw ng walang humpay?

Magbaliw-baliwan gaya ni Anne?

Baka sa mall ako'y ma-ban!

Sana ay maunawaan mo.

Tula ko na sobrang gulo.

Alam ko ito'y nakalilito.

Huwag ka sanang mahilo.

AN.

Tamang trip lang po yan :) Hahaha! Epekto ng pag fa-fangirl ko kay Michael Christian Martinez!! Sana magustuhan nya at mabasa nya hopefully. ^_^ Hahaha!!

Hindi ko ma-idedicate sa kanya!!

TT^TT

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula na kay GULO..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon