Chapter 32: Hold my hand

5.2K 95 2
                                    

"Marco, eat or I'll never buy you a toy car? Choose! Anong oras na, sabi mo kanina kakain ka 'pag 10 na, pero anong oras na oh!" Sabi ni Amber sa anak na limang taong gulang.


"No! I want tita Sab! I want tita Sab!" Humagulgol na ang bata. Akmang papaluin na sana ni Amber ang bata ng biglang pigilan siya ni Ezekiel.




"Don't. Hindi yan makakatulong,why not call Sabrina ng matahimik na sa kakademand si Marco, you know how much he loves Sab." Sabi ni Ezekiel. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Amber.





"What? Sa ganitong oras? Okay ka lang? It's 12 midnight for Christ's sake!" Sagot naman niya.


"Wala na tayong ibang choice, hindi talaga kakain si Marco hangga't hindi mo sinunod ang hiling niya!"Sagot uli nito.



"We are his parents Kiel, and it's our obligations to take care of Marco, may sariling buhay si Sab, she has more important things to do than this." Pinandilatan na niya ang asawa. Yes! They were married for almost six years at ngayon nga'y may anak na sila, si Marco Ysmael Monteverde. Sasagot sana uli si Ezekiel ng biglang may nag doorbell. Sabay silang napakunot ng noo at nagkatinginan. Nahinto naman sa pag-iyak ang bata at biglang napalitan ng saya ang kaninang malungkot na mukha nito.





"I'm sure, That's tita mommy!" Dagli dagling bumaba ito sa kinakaupuan at mabilis na tumakbo para mapagbuksan ang bisita. Mabilis namang sinundan nila ang bata. "Tita Sab tita Sab." Masayang nagtatatakbo ito.




"Hey baby, don't just open the door. Hey...Hey..Hey!" Muntikan ng nahawakan ni Ezekiel ang laylayan ng damit ng bata kung hindi lamang ito nadapa. Napahinto naman sa paghabol si Amber ng makitang nadapa ang asawa. Tinawanan niya pa ito kaya nakalimutan niyang habulin ang anak. Tinulungan niya pa ang asawa para makatayo.





"TITA SAB!!!!!!!!!" Sigaw ng bata. Napatingin naman ang mag-asawa sa bisita. Mali, mga bisita. Laking gulat nilang dalawa ng makita ang kasama ni Sabrina. No other than Blue. Nadako din ang tingin ng bata sa katabi ni Sabrina pagkatapos nitong yakapin ang dalaga. "Tito Blue?" Takang tanong ng bata. Nakakunot noo pa si Marco, kaya natawa silang dalawa ni Blue.



"Oh yes baby, ako nga. Did you miss me?" Lumuhod si Blue para pantayan ang bata.


"Why should I miss you tito? I missed tita." Nabaling ulit ang mga mata nito kay Sabrina at ngumiti ng malapad. Nagpabuhat pa ito.



"Ow!You're hurting me Marco! Ayaw mo bang ako magbuhat sa'yo?" Nakangiting sabi ni Blue sa bata. Tumayo na siya ulit. Tumingin naman ito sa kanya sabay irap.




"I don't want you, you destroyed my toy car!" Sabi ng bata.


"But I already bought you ano......." Hindi na naituloy ni Blue ang sasabihin ng biglang nagsalita si Amber.

"Ahm! Finally you're together again! I'm so happy for you both." Masayang sabi ni Amber. Akmang yayakapin na sana sila nito pero bigla siyang nagsalita.






"You owe me an explanation Amber! I already heard her side, now, it is your turn to explain! Geez! You knew all along, but why didn't you tell me?And mom knows it too, except dad of course!" Pagak na natawa si Blue. Napahawak naman si Sabrina sa braso niya kaya napatingin siya sa dalaga. Umiling pa ito sa kanya hudyat na huwag na siyang makipagdebatehan sa kapatid at sa asawa nito. "No! I want answers here Sab. I want to hear their sides." Tinanggal niya sa kanyang braso ang kamay ng dalaga at muling tumingin sa mag-asawa. "Now! Let's talk!" Matigas na utos nito.






Battle Scar (Completed but Under Revisions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon