FLAMES (oneshot)

101K 1.3K 274
                                    

                                                F.L.A.M.E.S
                           
a short story, written by: littlemisshershey 

-

Patty's POV 

Tapos na naman ang klase namin kay Mrs. Dimakita, ano ba yan. Dun ko na nga lang katabi si Benedict eh! Sigurado bukas ko na naman ulit yun makakatabi :(

Ah eh, guys! Si Benedict kasi, sikat siya sa school namin. Gwapo kasi siya, mabait at gentleman. Mahirap ko siyang mahawakan dahil nga palagi siyang may kausap na iba. Yung mga "FANS" niya dito sa school. Eh sino ba naman ako? Ako lang naman yung NERD na seatmate niya sa isang klase.

*Kring KRINGGGG*

Ayan bell na! >////< Papunta ako mag-isa ngayon mag-isa sa Canteen. Wala naman kasi akong kaibigan dito kaya ako lang mag-isa parati ang kumakain.

Pagkatapos kong umorder ng kakainin ko ay umupo na ko sa table na napili ko. Kain lang ako ng kain at maya-maya....nag-tilian na naman ang mga nasa paligid ko. AH! MALAMANG NANDYAN NA SI BENEDICT. Hays, ano namang mapapala ko kung makikipag-siksikan ako sa mga nagpapa-autograph sa kanya eh hindi niya rin naman ako mapapansin dahil PANGET AKO.

-

Lumabas na lang ako ng Canteen, ang init kasi dun! Dumami bigla ang tao dahil nandun na si Benedict. Nagpunta na lang ako sa Library at saka umupo at nagsulat.

F-
L-
A-
M-
E-
S-

Benedict R. Dela Rosa
Patricia L. Marcos

-Yan palagi ang ginagawa ko! hehe, kaso palaging Friends lang ang lumalabas >///< Nalagay ko na lahat ng number at 143 ang kabuuan. Binilang ko na at---

"LOVERS!?!?" O___O

Nako! Mukhang sa sobrang gulat ko ay napalakas ata ang boses ko, kaya tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko at nagpigil ng kilig. Hihihi :"""">

(A/N: Nasa multimedia po itong kanta ^_^)

-

Lift your head, baby, don't be scared

Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.

HALA!? Bakit parang----boses ni Benedict yung kumakanta?!

FLAMES (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon