(Oneshot) "Pa-print"

347 18 9
                                    

(Oneshot) "Pa-print"

( Kay Fipina Wattpad talaga 'to, ang ganda kasi kaya ni revived ko , parang kanta lang )

--

"Precious!!! Ikaw na magbantay ng shop! Aalis lang ako!" sigaw ni Mama sa'kin.

"Ha?! Madami pa akong assignments!!!" tutol ko dahil ayaw kong magbantay.

"Dali na!" agad na sabi ni Mama sabay alis ng bahay.

Napakunot na lang noo ko. Bwisit naman kasi oh! May assignments pa kaya ako!

Ako nga pala si Precious E. Kasalukuyang galit na umuupo sa may computer chair kung saan nagbabayad

ang mga nagrerent ng computer sa'min. At oo, meron kaming computer shop sa tabi ng bahay.

"Pa-print" narinig ko yung kakapasok na isang lalaking may tirik tirik na buhok at naka-uniporme pa.

Mukha s'yang lider ng isang malaking grupo ng mga lalaki na parating nag cucut ng class at nakatambay

sa mga corridors.

"Tss" inis kong inabot yung usb n'ya at kinonect sa PC.

"Anong file name?" tanong ko sa kanya kasi ang daming laman nung usb n'ya.

"Research" sagot n'ya kaya agad ko yung hinanap at pinirint.

Ha-ha?! Sa mukha n'ya, parang hindi s'ya yung tipong gumagawa ng mga research. Siguro s'ya

nakatokang mag print non. Pakiramdam ko kasi, s'ya yung tipong hindi tumutulong sa ganitong group work. S'ya yung tipong, nagpapaasa sa mga babae.

"8 pesos" sabi ko sa kanya habang binibigay yung pinirint n'ya sa kanya.

Dahil tila di n'ya kinukuha ito, napatingin ako sa mga mata n'ya at nagkasalubong ang mga ito. What the fuudge?! Anong nangyayari't bakit bumilis ata tibok ng puso ko?!

Mamaya din naman ay kinuha n'ya sa'kin yung mga pina-print n'ya at binigay sa'kin ang saktong 8 pesos.

Agad naman s'yang lumabas ng shop matapos yun.

Makikita ko ba ulit s'ya?

Huh?

Wait? Ano? Anong sabi mo Precious? Anong tinatanong mo?!

Matapos naman ang 3-4 hours(?), "Precious, ako na magbabantay. Pumasok ka na sa loob baka may assignments ka pa" rinig kong tawag at sabi sa'kin ni Papa nung makita ko s'yang pumapasok ng shop.

Agad naman akong tumayo.

Nung sumunod na araw,

"Precious, magdedefense ang mga 4th years! Dahil next year ay tayo naman yung mag gaganun, required daw na manunuod tayo!" rinig kong sabi ni Lee, bestfriend ko (babae s'ya).

"Sus, ano namang mapapala ko d'yan? Pwede naman akong manuod sa youtube. Isa pa, sila sila lang din naman yung magkakaintindihan" sabi ko habang nagbabasa ng advanced para sa long quiz sa Chemistry next week.

"Hay naku Precious! Napaka GC mo!"

"Anong magagawa ko? Ganito ako?"

"Eh kung mataas kasi nakukuha mo, di ako mangungulit"

"Sama mo rin" nakanguso kong sabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

(Oneshot) "Pa-print"Where stories live. Discover now