XIII : "PANAGINIP O KATOTOHANAN?"

1.1K 53 10
                                    

"PANAGINIP O KATOTOHANAN?"

-mynameisLynlee♥

Nagawi sa tabi ng karagatan

Upang kalungkutan ay pansamantalang makalimutan

May papalapit na parang malaking isda

Kataka-taka talaga ang aking nakikita.

Isang lalaking isda ang buntot

Please naman oh, ako nga'y pakikurot!

May naramdamang hiwaga't mahika

Mga paa ko'y naglalakad palapit sa kanya.

Ako'y kanyang nginitian

Ang aking kamay ay biglang hinawakan

Walang takot na nadama

Lungkot ay biglang napalitan ng saya.

May ibinigay siyang kabibe

Katahimikan ay tila nakabibingi.

Bigla ako'y kanyang hinila't napapikit ako sa gulat

Ako'y namangha sa aking nakikita ng mga mata'y tuluyang iminulat.

Nakakagulat ang aking natuklasan

Ako'y nakakahinga sa ilalim ng karagatan.

Sa kabibeng hawak nagmula

Ang di kapani-paniwalang hiwaga.

Sa ilalim ng tubig ay nakamamangha

Maraming iba't ibang uri ng mga isda.

Sa mga libro ko lang nababasa

ang lalaking aking kasama.

Merman ang tawag sa kanya

Gwapo at makisig siyang talaga.

Ang kanyang ngiti ay nakabibighani

Di ko alam kung bakit ako ang kanyang napili.

Sa ilalim, langoy kami ng langoy

Sa itaas, mga alon ay tumataghoy.

Ang kanilang paraiso'y aking napuntahan

Ang lalaki ay Prinsipe pala ng karagatan.

Isang saglit kami ay napahinto

Mga hawak niya'y tila nakakapaso.

Mukha niya ay unti-unting napapalapit

Sa braso niya ako'y napapakapit.

Nang mukha niya'y papalapit na

Mga mata ko'y napapikit ng di sinasadya.

Nang mata'y idinilat ako'y nasa dalampasigan

Di ko alam kung ang nangyari ay panaginip o katotohanan.

NOTE : Nagawa ko ang tulang ito dahil sa pagkakahumaling ko sa mga myths hahahahaha, lalong lalo na sa mga mermaids, merman at iba pa. Ang tulang ito ay kathang-isip lamang. Hahahahaha

GALING SA PUSONG UMIIBIG [Mga Tula]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon