His Bite: Transfusion of Love

1.3K 19 2
                                    

His Bite: Transfusion of Love

by: Janjaran™

© All Rights Reserved. 2012

Prologue 

Kabanata XVII- Aklat ng Propesiya

Para sa napiling Mortal,

Ang buhay mo ay kaugnay ng buhay ng magiting, sa pamamagitan mo’y muli siyang babangon sa matagal na pagkahimlay. Nasa iyong buhay nakasalalay ang muli niyang pagdating, Ikaw ang magiging mata niya upang bantayan ang huling linya ng dugong maharlika- na siyang pag-asa ng sangsinukob.Ang mararamdaman mo’y mararamdaman din ng magiting- -sakit, tuwa, pagkalito pati na rin ang pag-ibig, dahil kayo’y iisa .Babangon ang magiting sa muling pagsasama ng kanyang dugo at ng dugo ng maharlika, nasa iyong kamay kung papaano mangyayari iyon.

--

“Chronos dahil sa ginawa mong iyon ay muntik mo nang baguhin ang mga nakatakda sa aklat ng Propesiya” kalmadong sabi sa akin ni Rufinus- ang pinakamatanda at pinakamakapangyarihang bampira sa lupon.

“Ginawa ko iyon upang iligtas siya, iyon ang tungkulin ko hindi ba?” nanghihina na ako, hindi ko na kayang pumalag pa, madaming lakas ang inubos ko upang siguruduhing ligtas siya. Hawak-hawak ako ngayon ng dalawa sa pinakamalalakas na bampira sa aming samahan, sila ang namamahala sa ikaaayos ng pagsasama ng mga mortal at naming mga bampira.Sila rin ang may alam ng pinakatatagong lihim ng aming uri.

“Ngunit dahilan rin iyon ng muntik niyang pagiging…”

“Walang nangyaring masama sa kanya! buhay siya! ligtas parin siya!” sinigawan ko si Rufinus, hindi ba nila maintindihan na mamatay siya kung hindi ko ginawa iyon? Importante para sa akin ang buhay niya, buong buhay ko iginugol ko para sa kanya. Sana’y hindi na lamang nila ibinigay ang tungkuling iyon sa akin.

“Wag kang bastos, Chronos!” saway sa akin ni Lexus kasama rin siya sa Lupon ng makakapangyarihan.

“Hayaan mo siya Lexus, karapatan niyang ipagtaggol ang kanyang sarili” mahinanong sabi ni Rufinus, itinaas pa nito ang isang kamay tanda ng pagpigil kay Lexus.

“Ayaw man naming gawin ito Chronos ngunit kailangan namin ikaw patungan ng karampatang parusa, buong samahan ay kamuntik mo nang ipahamak dahil sa mali mong disisyon” - Rufinus

“Bakit hindi na lamang natin sabihin sa kanya ang tunay na nakasaad sa aklat ng propesiya?”anang nagsalita, napalingon ako kay Diggory sa tatlong pinakamakapangyarihang miyembro ng Lupon si Diggory ang pinakabata at pinakamisteryoso, ang  nagyeyelo niyang titig habang nakatingin sa akin ay tumatagos sa aking kalamnan, mas lalo akong nanghihina.

“Hindi maaari ang iniisip mo Diggory, hayaan nating ang kapalaran ang siyang humusga sa kung anong nararapat mangyari” – Lexus

“Ngunit iniiba niyo ang nakasulat sa propesiya” - Diggory

“ Itinatamang muli ang mga bagay na iniba niya sa propesiya” pagtatama ni Rufinus

Nagtiim-bagang si Diggory, noon ko lamang nakitang nanlilisik ang mga mata nito.

Nilapitan ako ni Rufinus, hinawakan niya ang aking baba

“Napakaamo ng iyong mukha, sinong makapagsasabing ang isang magandang nilalang na katulad mo ay nakapatay na ng libu-libong bampira at tao.” Nakikita ko ang paghanga sa kanyang mga mata.

“Ipinanganak kang Mandirigma Chronos, iniligtas mo ang ating lahi sa nagbabadyang sakuna noon, nararapat ka naming pasalamatan, dahil diyan bababaan namin ang iyong parusa”

Itinapat niya ang kanyang bibig sa aking tenga, naamoy ko ang dugo niya, dugo ng pinakamakapangyarihang bampira sa mundo, naamoy ko na ito rati hindi ko lamang alam kung saan at kailan.  May ibinulong siya sa akin, ngunit hindi ko maintindihan, siguro’y lumang salita ng mga Romano.Bigla akong nakaramdam ng takot, sa buong buhay ko’y ngayon ko lamang naramdaman ang bagay na iyon.

Biglang bumaba ang kanyang bibig sa aking leeg nararamdaman ko ang mainit niyang paghinga. Nararamdaman ko ang unti-unti pagbaon ng kanyang mga pangil, gusto kong magpapalag ngunit hindi ko magawa, hinang hina na ako. Hanggang sa naramdaman kong namamanhid na ako. Binitawan niya ang aking leeg.Nakita ko ang nakakatakot na hitsura ni Rufinus, nawala ang kakisigan nito, mukha itong halimaw na hayuk na hayuk sa aking dugo.

“Dugo ng magiting” nakangising sabi niya sa akin, umiikot na ang aking paningin.

“Matagal ko nang inaasam-asam ang makatikim ng ganitong klaseng dugo”  unti-unti nang bumabalik sa dati ang kanyang hitsura.

“Chronos ika’y mahihimbing, tadhana lamang ang makapagpapasya sa iyong muling pagbangon” pagbibigay alam niya sa akin.

Pabagsak na ang talukap ng aking mga mata ng marinig kong sumigaw si Diggory.

“Mabubuhay kang muli Chronos! Sa pamamagitan ng isang…-“

Hindi ko na marinig ang sinasabi niya.

A-ako si Ch-chro-nos….

i….sang man….di rig…

---------------------------------------------------------------------------------

A/N: Irepost ang His Bite hahaha namiss ko to promise :D

His Bite: Transfusion of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon