Sa Ikatlong Palapag

14.9K 78 22
                                    

                      Ang mga sumusunod na eksena ay ayon sa totoong mga kaganapan. Ang mga pangalan, lugar, ay pinalitan upang ma-protektahan ang kanilang mga sarili.   

                     Ako si Nico Gonzales at ako ay may undeveloped third-eye. Naalala ko noong 1st year High School ako nun sa isang sikat na paaralan sa Quezon City. Lagi akong pumapasok ng maaga noon dahil natatakot akong malate. Isang araw, ako ang pinaka-unang estudyanteng pumasok sa school namin. 

     

                     Patay pa ang mga ilaw sa mga buildings, ang ibang gate ng mga buildings ay kandado pa. Di pa kasi binubuksan ng guard dahil sobrang aga pa nun. E nagkataong yung building namin ay bukas, umakyat na ako. Yung building namin ay 3 storey- Dante Liban Building. Medyo may katagalan na itong building na eto pero maganda pa rin. Ikatlong room mula sa kanan sa ikatlong palapag ang kwarto namin. Bale 5 classrooms ang nasa 3rd floor.

     

                       Gamit ang flashlight ng cellphone ko, binaybay ko ang madilim na building upang makarating sa aming silid. Sa inaasahan ko, kandado pa ang room namin. Pero sa di inaasahang makikita ko, may nasilip akong babaeng estudyante na nasa loob ng kandadong silid namin. Nakadapa. Sigurado ako sa nakita kong ginagawa niya. Nagsusulat siya. Kinutuban na ako ng masama.

   

                       Dali dali kong nagmasid sa mga katabi naming room upang siguraduhing walang ibang tao. Wala akong nadatnan bumalik ako sa room para kausapin ang babae kung anong ginagawa niya sa room namin. Pero sa pagdungaw ko sa bintana namin, siya ay nakatayo na. Nkasuot siya ng ibang uniform hindi katulad ng sa amin. Wala siyang mukha, distorted, burado, pero alam ko nakatingin siya sa akin. Gusto kong tumakbo at magsisigaw pero hindi ko nagawa. Parang may pwersang pumipigil sa akin.

                        Naalala ko ang sabi ng mama ko: "Kapag natatakot ka, magdasal ka ng Our Father." Halos mabaliw ako dahil hindi ko memorize ang Our Father noon. Kaya ang ginawa ko nag personal prayer ako. Sa kabutihang palad, may naririnig na akong mga estudyanteng paparating at nakagalaw na ang katawan ko. Nagtatatkbo ako at umiyak na lumapit sa kanila na may nakita akong multo. Journalist ako nun at nakatambak sa room namin ang mga lumang yearbook at nakita ko ang eksaktong disenyo ng lumang uniform na nakita kong babae way back 1980's. Isa lang ang pinagsisihan ko sa experience na yun. Hindi ko natulungan ang babaeng multo. Hinanap ko ang sinulat niya pero wala akong nakita.

True Paranormal Experience (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon