Sabi Nila Ang Crush Daw

23.2K 914 576
                                    

Sabi Nila Ang Crush Daw

Ang crush daw iba-iba ang ibig sabihin para sa iba’t-ibang tao. Para sa ibang tao, ang crush daw eh paghanga. May hinahangaan ka daw sa tao na iyon. Maganda daw, gwapo, matalino, mabait, nakakatawa, at kung anu-anong rason. Yung iba sabi nila ang pauna daw yun ng pagmamahal. Doon daw nagsisimula. Pwedeng pagi-start ng obsession, pagiging stalker, pagiging kaibigan, o talaga naman pagkamartyr. May iba’t ibang klase nga ng crush:

1.       May crush ka, pero hindi ka niya kilala.

May gusto ka sa isang tao. Pwede namang taga-school mo, kapitbahay, kaibigan ng kaibigan mo, o kahit sino pa naman. Kapag may crush ka at hindi mo alam kung sino ang gusto niya, ibig sabihin nun hindi mo pa siya masyado kilala. Hindi mo rin kilala ang barkada niya. Minsan ang alam mo lang sumasakay siya sa jeep ng ganitong oras, pero ayun na yun. Wala kang alam sa kanya kung hindi kung ano lang yung nakikita mo sa malayo. No harm done. Hindi ka masasaktan, pero hindi nga lang din nagmo-move forward unless nagpakilala at nakilala ka na niya.

2.       May crush ka, pero may crush na iba.

Ayun lang ang masakit. Feeling mo na heartbroken ka na. Kapag  may nalaman ka na kay crush sa #1, malalaman mo na may crush pala siya na iba. Hindi ka kilala nung crush niya, at hindi mo rin kilala yung crush niya. Basta nanghinayang ka lang na may gusto pala siyang iba. Hopeless romantic ka sa kanya, pero hopeless romantic pala siya sa iba.

3.       May crush ka, pero anime, celebrity, fictional character o kung sinong imposible.

Sabi nila paunang crush daw yun. Excuse daw para hindi mo sabihin sa mga kaibigan mo kung sino yung totoong crush mo. Minsan wala ka talagang cute na nakapaligid sa iyo kaya nadadaan na lang sa anime, celebrity, at fictional character yang crush mo. Yun nga lang, tumataas naman standards mo sa tao kaya wala ka ng magustuhan na normal. Kapag tumataas lalo standards mo, lalo kang nage-end up na single. In the end, fangirl na lang ang labas mo.

4.       May crush ka, pero dine-deny mo.

Kunwari wala, pero meron naman. Nahihiya kang aminin kasi baka tuksuhin ka. O kaya naman, natatakot ka na malaman ng crush mo na may crush ka sa kanya, tapos mag-end up na #2 at natatakot ka na mapahiya. Pwede rin namang may fantasy ka na gusto mo siya ang mauna na magsabi na crush ka niya. Minsan nagiinarte ka lang, o natotorpe. In the end, wala lang. Walang nagsasalita, walang nangyayari.

5.       May crush ka, pero kaibigan mo.

Takot ka nga na aminin dahil baka masira yung friendship niyo. Minsan naman, friendzoned ka lang talaga. Kumbaga, na-develop ka lang talaga sa kabigan mo. Ang maganda lang, madalas mo siyang nakakasama at alam mo ang bagay-bagay tungkol sa kanya. Ang masaklap lang, baka hanggang kaibigan ka lang talaga.

6.       May crush ka, pero crush din ng kaibigan mo.

Siyempre ayaw mo namang maging kumpetisyon. Hindi mo tuloy maamin na yung crush mo eh kaparehas pala ng sa kaibigan mo. Una-unahan nga lang daw yan eh. Kaya nga kapag #4 ka, chance nun magiging ganito ka. Dine-deny mo pa kasi. Ang nagpapa-ubaya, nauunahan. Pero minsan naman, pinipili mo ang kaibigan kaysa sa crush mo. In the end, pwedeng panalo, pwede rin namang talo.

7.       May crush ka pero biglang nawala.

Pwede namang literal, umalis tapos naiwan ka. Hindi mo alam kung saan nagpunta. Basta bigla na lang nawala. Pwede rin namang nawala sa mundo. Biglaan na lang ng hindi mo inaasahan. Epic crush mo na lang na hindi pa nagsisimula, hindi ka pa nabigyan ng chance.

8.       May crush ka pero taken.

Yun lang yung masaklap. Mas gugustuhin mo na may gusto na lang siyang iba kaysa naman taken na. Iniisip mo rin na kung sabagay ikaw nga na nagkagusto, malamang meron ding may gusto sa kanya. Istorya ng buhay mo na panoorin sila na masaya tapos ikaw namamatay sa selos. Iniimagine mo na sana ikaw na lang yun. Tapos iniisip mo rin na masama ang ugali nung girlfriend o boyfriend niya at maghiwalay na lang sila. In the end, ang positive, hindi pa sila kasal at may pag-asa ka. Ang negative, maghihintay ka.

9.       May crush ka, pero bawal.

Teacher mo ba yan? O baka naman hindi kayo talo? Minsan bawal lang talaga na magka-crush sa iyo yung tao. Kapag bawal, malamang dapat subukan mo ng humanap ng ibang crush. Unless, okay ka lang. Sus, crush lang naman. Paghanga lang.

10.   May crush ka na may crush din sa iyo.

Well, congratulations. Bibihira na yung crush mo, may crush din sa iyo. Ingatan mo na. Malay mo, mag-move pa sa kung ano. Kilalanin mo na, magpa-cute ka, at gawin mo na ring masaya. Ano bang sabi nila na kung saan daw nagsisimula ang lahat? Kapag crush niyo ang isa’t isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sabi Nila Ang Crush DawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon