-3- Getting To Know Her

84.3K 2.3K 144
                                    

***3*** GETTING TO KNOW HER

Sa lumang apartment ko dinala si Yasmin. Hindi naman ito gaanong kalumaan. Sa katunayan, bagong renovate pa nga ito. Dito kami tumatambay ng X10 noong nasa highschool pa kami. Wala ng umookupa dito kaya wala namang masama kung dito ko siya dadalhin. Maayos naman ang unit na ito, yun nga lang, bukod sa malaking couch, pool table, drum set at dining set good for 10 persons ay wala ng ibang gamit dito. Ni walang kama o TV man lang.

"Dito ako titira?" Tanong niya na agad ko naman sinagot ng pagtango. "S...sinong makakasama ko dito?"

Naglakad ako patungo sa pool table at umupo dito. "Wala. Gusto mo ba ng kasambahay?"

"Naku! 'Wag na!" She waved her hands on me. Umupo siya sa couch habang pinagmamasdan ang paligid. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta dito. Tatlong taon na rin. "Ang ibig kong sabihin, ako lang talaga mag-isa ang titira dito? Walang renta?"

I smiled. "Wala. Tubig, kuryente at kung ano-ano pang bill... You won't pay anything."

"Sigurado ka? Matrikula, allowance, kuryente, tubig... Wala akong iintindihin? Ano'ng kapalit?" She asked back and continued, "Nakooo! 'Wag mong sabihing puri at dangal ko ang kapalit!?" Tumayo siya at akmang lalabas na. Kumunot tuloy ang noo ko. "Yung mga ganyang mukha, kunwaring mabait pero nasa loob ang kulo!"

Hinabol ko siya hanggang sa pinto at pinigilan siya sa braso. "Yasmin, 'wag kang paranoid. Walang kapalit." I let go of her arm and eyed her seriously. "All you need to do is study. 'Pag nakagraduate ka na, ititigil ko na ang pagtulong sayo. Unless, you would want to ask for help para makahanap ng trabaho?"

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ilang taon ka na ba, Alex? Parang magkasing-edad lang tayo ah. Parang parehas pa yata tayong estudyante. Saan ka nakakakuha ng pera?"

Dun ako natigilan. Napaiwas agad ako ng tingin, parang naghahanap ng tamang salita na maisasagot sa kanya. Kung sabihin ko kaya sa kanyang ako mismo ang tumutulong sa kanya, pag-iisipan pa kaya niya ako ng malisyoso?

"M...May kilala akong willing magprovide ng financial assistance. He's a good friend of mine. Ako ang... ang humingi sa kanya ng pabor na tulungan ka niya," I then breathied deeply. It is a white lie. "Bale, instrumento lang niya ako sayo."

"Kung ganun, maaari ko ba siyang makausap?"

Nagkibit-balikat ako. Eto na nga eh. Kausap mo na. "Gusto niya lang tumulong. Masyado kasing busy ang taong yun at mahirap makapagset ng appointment sa kanya. Don't worry, I'll tell him that you want to meet him in person."

Tumango siya. "Okay." Pumasok na ulit siya ng unit at bumalik na sa pagkakaupo sa sofa. "Pakisabi sa kanya, maraming salamat ha?"

I nodded and smiled. 'You are very welcome' I thought. "Did you bring your school transcripts? Kung oo, pwede ka nang mag-take ng Entrance Exam bukas at pagkakuha ng pagkakuha ng resulta, ieenrol na agad kita. Yun ay..." I paused and looked at her with scrutinizing eyes. "--Makakapasa ka."

Sinimangutan niya ako. "Hoy! Kahit ganito ako, may utak naman ako. Aba, nakagraduate ako sa highschool ng Valedictorian. Dean's lister din ako nung First year college."

"Then, that's good. Pagtiyagaan mo muna ang maliit na couch na yan. Bukas na bukas mamimili tayo ng gamit dito sa bahay mo. I'll pick you up at 8 tomorrow. Be ready..."

Hindi na siya sumagot pero sapat na yung pagtango ng ulo niya para malaman kong nakuha niya ang sinabi ko. Lumabas na ako ng unit niya at dumiretso na sa kotse ko, pero bigla akong may naalala.

"Nakakain na kaya siya?"

Hindi ko man alam ang sagot sa sarili kong tanong ay nakita ko nalang ang sarili ko na pumunta sa pinakamalapit na fastfoodchain at binilhan siya ng pagkain. Pagkatapos ay bumalik ako sa apartment unit niya at kumatok ng dalawang beses sa pinto nito.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon