Chapter 1: The Bestfriends

3.8K 41 3
                                    

Tumunog ang alarm clock ni Jiselle. Rrriiinnngg! Rrriiinnngg!

Jiselle: Haaay, first day ng pasok. (yawn) Nakakatamad! (Humiga ulit)

Manang Josie: Ma'am? (Knock! Knock!) Ma'am Jiselle? Gising na po, baka ma-late po kayo. (Knock! Knock!) Ma'am?

Jiselle: Oo na, oo na! Manang Josie naman eh. (yawn)

Bumangon na si Jiselle at dumiretso sa banyo. Pagkatapos magbihis ay agad siyang bumaba.

Jiselle: Manang, si Daddy?

Manang Josie: Ay, maaga pong umalis si Sir. May business trip daw po.

Jiselle: (Habang kumakain) Business trip na naman? Sa'n naman daw po?

Manang Josie: Sa, Paris daw po. 2 weeks daw po ata.

Jiselle: Paris?! 2 weeks?! Grabe, ni hindi man lang siya nagpaalam! Naku naman. Mang Simon, tara na po!

Mang Simon: Ah, sige po Ma'am. Akin na po yang gamit nyo.

Sumakay na si Jiselle sa kotse pero naalala niya na wala pala ang tatay niya kaya lumabas siya ng kotse at sumakay sa bike niya.

Jiselle: Wag na pala, Mang Simon. Magba-bike na lang po ako.

Mang Simon: Hala, eh Ma'am. Mukhang uulan po ah.

Jiselle: Di yan, Manong! Sige po, una na ako!

Mang Simon: Ingat Ma'am! Ingat po!

Manang Josie: Oh? Bakit ka pa nandito? Si Ma'am Jiselle?

Mang Simon: Eh, nag-bike. Ayun, umalis na.

Manang Josie: Bakit mo hinayaang mag-bike? Baka madisgrasya yun, uulan oh!

Nag-bike na si Jiselle at di nagtagal ay nasisilayan na niya sina Carlo at Darren kaya binilisan niya ang pag-pedal.

Jiselle: Hello!

Darren: Uy, Jiselle! Naku, hulaan ko, wala na naman Daddy mo noh?

Jiselle: As usual.

Carlo: Oh, Darren. Bakit bigla kang bumagal? Ahh, nandito na pala ang mahal na prinsesa. Dumating ka lang ---

Jiselle: Ang yabang mo! Hoy, mauunahan ko kayong dalawa noh!

Carlo: Talaga lang ah?

Jiselle: Talagang talaga!

Carlo: Sige ba! (Binilisan ang takbo)

Jiselle: Hoy! Ang daya nyong dalawa!

Nagpabilisan ang tatlo. Nangunguna si Carlo, sinusundan siya ni Darren at huli naman si Jiselle. Naabutan ang huli ng trapik, at ng ulan. Huminto si Darren sa pag-bike.

Darren: Hoy, pare. Di ko na makita si Jiselle!

Carlo: Andyan lang yun. Baka nagtatago lang yun.

Darren: Hoy, Carlo! Di ako nagbibiro! Lumalakas yung ulan!

Huminto si Carlo at tumingin sa likod. Wala nga si Jiselle.

Carlo: Mauna ka na, Darren. Hahanapin ko si Jiselle.

Darren: Sira ka ba? Sasamahan kita!

Carlo: Ikaw ang in charge sa Opening program di ba? Tsaka ikaw na magpaliwanag kay Ma'am pati sa teacher nila Jiselle na mali-late kami.

Darren: Sigurado ka ba? (Bigala nang umalis si Carlo) Hoy, Carlo! Ingat kayo!

Bumalik si Carlo sa mga dinaanan nila. Lumalakas lalo ang ulan at basang-basa na siya.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now