PROLOGUE

17 2 0
                                    

"Girl, yung crush mo, padaan na!" Pabulong na sabi ni Criselle sa kanyang bestfriend na si Ela habang nakaupo sila sa konkretong upuan sa hardin ng eskuwelahan.

Maalinsangan ang panahon noon. Todo paypay pa si Ela huwag lang mapawisan dahil ilang metro nalang ang layo sa kanya ng crush niya. Bawat yapak nito ay kumakabog ang dibdib niya ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang mahalata.

Samantalang ang bestfriend niyang si Criselle ay todo kilig habang nakikita ang kaibigan na pinipigilan ang emosyon niya. May pahapyaw pa itong pagsiko sa kaibigan. "Ayan na siya." Pigil niyang sabi.

Sa likod nila ay naglalakad ang isang maputing lalaking may itim na case ng gitara na nakasukbit sa kanyang katawan at khaki na messenger bag sa kanyang kaliwang balikat.

Siya si Arvie Perez, anak siya ng isang doktor at isang dayuhang businesswoman kaya naman biniyayaan siya ng maputing balat at buhok na bahagyang mapusyaw ang kulay. Mataas rin siya at may magandang pangangatawan. Bukod pa doon ay may talento rin siya sa paggigitara, kaya naman halos lahat ng babae sa eskuwelahan ay nagkakagusto sa kanya.

Maya-maya pa ay binati siya ng isang lalaking di-kaputian at may kakapalan ang kilay. "Pre, sama ka mamaya?" Tugon nito habang nakaupo sa kabilang upuan kasama ang iba pang mga kaibigan.

"Saan brad, sa inyo? Naman! Happy Birthday! Sagot ko na beer at roadtrip." Sagot ni Arvie na sandaling tumigil sa paglalakad upang makausap lang ang mga kaibigan.

Sa kabilang banda naman, ay palihim na sumusulyap sa usapan ng magkakaibigan si Ela na napapahampas na kay Criselle. Hindi na niya mapigilan ang kilig niya sa pagkakakita sa lalaking hinahangaan niya. "Shit Crissy, sobrang pogi talaga ni Arvie." Matining niyang pagkakasabi with matching hampas pa.

"Oo na girl. Kaso suplado naman yan." Medyo kumunot ang noo ni Criselle. Hindi niya masyadong gusto si Arvie para sa kaibigan pero wala naman siyang magagawa kundi ang sumuporta nalang.

"Hindi kaya!" Tutol ni Ela. Bahagyang napalakas ang boses niya kaya naman napansin siya ng isa sa mga kaibigan ni Arvie.

"Uy! Si Ela pre o. Ayiee." Asar nito kay Arvie na nilingon si Ela sabay ngiti.

Normal na kay Arvie na kinakantsiyawan ng mga kaibigan pagdating sa mga babae. Paano naman ba, sa dami kasi ng babaeng nagkakagusto sa kanya, wala pa rin siyang girlfriend hanggang ngayon.

"Tse! Shut up ka nalang Nico." Sigaw ni Ela na kunwari ay naiinis siya at pinapares siya kay Arvie. Pero sa totoo lang ay parang sasabog na ang dibdib niya sa tuwa pagkalingon palang ni Arvie sa kanya.

"Whoo! Kunwari pa yan si Ela ayaw. Magbestfriend nga kayo ni Criselle. Parehong pakipot." Patuloy na kantsaw ni Nico.

"Hoy! Bakit ako nasama dyan a?" Reklamo ni Criselle na napatayo pa habang nakapamaywang.

"Ikaw kasi e. Sagutin mo kasi ko! Please?" Tugon ni Nico sabay pacute.

"Sagutin na yan!" Sabi ni Arvie na sinundan naman ng iba pa nilang kaibigan hanggang sa sabay-sabay na nila itong sinasabi.

Namula si Criselle at napatakip ng muka. "Ano ba!" Nahihiyang sabi nito na may pagpadyak pa.

"Ahm. Guys, excuse me. CR lang ako." Sa gitna ng katuwaan ay nagpaalam si Arvie para magbanyo.

Lumakad siya papaalis ng hardin sa eskuwelahan patungo sa maingay na pasilyo kung saan grupo grupo ng mha estudyante ang nagkukumpulan. Foundation day kasi kaya naman abala ang lahat sa kani-kanilang mga club assignment at booth.

Dumiretso siya sa banyo kung saan pagkarating na pagkarating palang niya ay binasa na niya ng tubig ang kanyang muka sa harap ng salamin na nakadikit sa pader sa ibabaw ng isa sa mga lababo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be Careful What You Wish ForWhere stories live. Discover now