Prologue

14 3 0
                                    

Lein's POV

~~

I'm Lein Miracle Marquez, 18 years old at nag-aaral bilang engineering student major in Computer.

Isa kasing Engineer ang daddy ko, katunayan nga isa siya sa mga iniidolo ko.

Daddy's Girl din kasi ako, so alam nyo na.. spoiled ako sa kanya, pero hindi ibig sabihin na hindi ako marunong sa gawaing bahay. Dahil narin may pagka-strict si mommy kaya nakokontra yung pang sspoil ng daddy.

Usapang Spoil narin naman ipagmamalaki ko na rin sa inyong Spoiled ako in the way na pinupuno nila ng pagmamahal ang katauhan ko, sila ng mommy ko.

~~

"BakLein! Gumising kana aba! Wala ka parin talagang ipinagbago unang araw ng pasukan magpapalate ka nanaman?" bulyaw ng aking mahal na kuya sa akin.

Hays! Oo may kuya akong ubod ng sungiiiit, lalo na pagdating sa studies ko, Siya si Kuya Lanz mabait naman kaso nga lang madalas topakin, Shhh lang kayo ah. hmmp bahala siya jan antok pa ko 'Zzzz'

Hmm.. Nga pala BakLein ang tawag sakin ng monster kong kuya sa kadahilanang...... BOSES BAKLA DAW AKO!!!! (Bakla+Lein=BakLein -.-)Kung di ba naman mag init bumbunan mo kapag naririnig mo yon. If I know ayaw niya lang talaga akong nag-iingay kaya ganon.

Pero wag ka! Maganda kaya boses ko, kaya nga lagi ko siyang kinakantahan e hahaha ayon nagkukulong sa kwarto niya pag nagsisimula na kong kumanta -.- supportive e kaines hayy.

"LEIN MIRACLE MARQUEZ!! hindi ka pa ba babangon Jan!?" muling sigaw sa akin ni Kuya Lanz.

"Eto na nga ho eh." Atungal ko habang kukusot kusot ng mata.

Iminulat ko na ang aking mga mata at bumangon na, kapag ganyang buo na ang binanggit niyang pangalan ko, talagang kinakabahan na ko.

Dumiretso na ako sa banyo at naligo.
Pakanta kanta pa ko habang naliligo, isa to sa dahilan kung bakit ako laging nahuhuli sa klase bukod sa pagiging makupad ko... enjoy na enjoy ako habang kumakanta hehez.

Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako para mag-agahan, umalis na rin pala si Daddy papuntang trabaho kasabay si mommy, kaya si kuya nalang ang naabutan ko roon.

Saglit lang akong kumain at nagpaalam na kay kuya na papasok na ko. Nag-asaran pa muna kami bago niya ako tuluyang ipagtabuyang umalis.

~

I Dare You!Where stories live. Discover now